Ika-anim na kabanata:
Kross woke up with a pair of hands around his waist and his hands around the person who's hugging him. Dahan-dahang niyang iminulat ang mga mata niya only to see Hera peacefully sleeping. He saw how angelic her face is, how innocent looking she is. Mula sa mata ay bumaba ang tingin nito sa labi ng dalaga. Ang mapupula at matamis na labi ng dalaga.
It's the same lips he tasted last time. Same sinful lips that made him feel in cloudnine. I-admit man niya o hindi, nasiyahan siya noong hinalikan siya ni Hera sa labi noong umamin si Hera. Pero his gender, his confusion, it made him think twice.
Dahan-dahang kumalas siya sa yakap ng dalaga at tumayo na sa kama. He needs to go to work. As much as he wants to stay, hindi pupuwede.
"I'll be back." He said then kissed her forehead. Gumalaw ng kaunti si Hera pero hindi ito nagising. Nilisan niya ang unit ni Hera at pumunta sa unit niya.
He removed his clothes and went to the bathroom. After taking a bath, he went out and put on his new set of clothes na pang-office.
Nagluto na muna siya ng pagkain ni Hera sa kaniyang unit bago pa siya umalis. Nang makaluto ng breakfast ay pumunta siya sa unit ni Hera. Nagulat siya ng makita ang makalat na unit ng dalaga.
"Hera? Hera?!" Hinalughog niya ang buong unit kahit na naka-heels pa siya.
"Hera?!" Pag-tawag niya sa dalaga, binuksan niya ang kuwarto ng dalaga, nakita niya ang makalat na kama at si Hera na nakaupo sa sahig.
"Hera..." mahinang utal niya dahil sa gulat. Nilingon siya ng babae at nakita niyang umiiyak ito. Agad siyang nilapitan ng dalaga at niyakap ng mahigpit.
"A-Akala ko, i-iiwan mo u-ulit ako..." humihikbing saad nito. Ginantihan naman niya ng yakap ang dalaga bago kumalas. Hinawakan siya ang mag-kabilang pisngi ni Hera at pinunasan ang luha na tumutulo mula sa mata nito.
"Ano ka ba? Nag-punta lang ako saglit sa unit ko at nagluto ng breakfast mo." Sabi nito sa dalaga. Kaunti lamang ang espasyo sa pagitan nilang dalawa.
"A-Akala ko k-kasi..." nanghihinang sabi ng dalaga sabay tingin sa labi ni Kross.
"Hindi mangyayari ulit 'yon okay—" inalis na ni Hera ang espasyo sa pagitan nila at mabilis na hinalikan ang binabae. Nagulat man si Kross ay sa hindi malamang dahilan ay napapikit ito. Marahang tinugon ang bawat halik ng dalaga.
Nang maubusan ng hininga ay unang humiwalay si Hera, aminin man o hindi aynabitin si Kross sa halik ng dalaga pero umiwas nalang ito ng tingin sa dalaga at kumalas sa pagkakahawak. May kung ano kasi itong naramdaman na kuryente na hindi niya malaman.
"A-Ah, ku-kumain ka na ng breakfast. Pa-papasok lang ako sa office." Awkward na bigkas ni Kross at si Hera naman ay napa-iwas na rin ng tingin kahit na parehas silang medyo hingal parin.
"S-Sorry..." sabi ng dalaga at pagkatapos ay umalis na sa kaniyang silid.
Naiwan naman si Kross na tulala at malalim ang iniisip. Nagustuhan niya ang nangyari at wala sa sariling napahawak sa kaniyang labi. Bumalik na lamang siya sa ulirat nang maalalang kailangan na niyang pumasok sa trabaho at malelate na siya.
Pagkalabas sa kuwarto ni Hera ay nakita niya sa kusina si Hera na tahimik na kumakain at paminsan-minsa'y napapatulala rin.
"U-Uh, Mare, a-alis na ako." Sabi ni Kross sa kaniya at mabilis na nilisan ang unit ni Hera.
Bumuntong hininga si Kross nang makalabas sa unit ni Hera at agaran na nilisan ang building kahit na naka-heels ito.
•••
Matapos ang kaniyang trabaho ay nag-paalam na si Kross sa kaniyang nobyo at umuwi na sa kaniyang unit. Nag-palit na muna siya ng pantulog bago pumunta sa unit ng dalaga. Nang nasa tapat na siya ng unit ng dalaga ay naalala nanaman niya ang nangyari kaninang umaga. Naalala niya 'yung pag-halik sa kaniya ni Hera. Pero agad niyang iwinasik ang isip.
"Kross, ano ba? Stop thinking about that kiss." Sabi nito sa sarili at inencode na ang password ng dalaga.
Pumunta siya diretso sa kuwarto ng dalaga dahil tahimik naman ang sala. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at sumilip mula sa siwang ng pinto. Nakita niya ang dalaga na naka-upo sa kama at nag-strum ng gitara.
Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituinRinig niya ang mala-anghel na boses ng dalaga. Noon pa man ay talagang iniidolo na niya angdalaga sa larangan ng pagkanta. Naging hobby na rin nito ang kumanta lalo na kapag bored na bored ang dalaga.
Ohhh woahhhh...
Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituinNaalala ni Kross noon, na sa tuwing sasali sa contest si Hera at wala ang mga magulang nito ay siya ang naka-numero unong suporta sa dalaga. Siya ang nagmomotivate na sumali ang dalaga at nag-papalakas ng loob nito.
Ng mga bituin
Ng mga bituin
Ng mga bituinDahil sa pagka-humaling ay hindi nito napansin na tapos nang kumanta ang dalaga at nakatingin ito sa kaniya. Naramdaman na lamang niya ang titig ng dalaga nang lingunin niya ito.
"H-Hi..." nahihiyang sabi ni Kross sa dalaga. Ngumiti naman ng nahihiya ang dalaga sa kaniya at ibinaba ang gitara.
Lumapit si Kross sa naka-upong dalaga at umupo sa tabi nito. Walang nag-imikan sa kanila dahil parehas na nahihiya sa nangyari kanina. Lalo na si Hera na hindi malaman kung ano ang kaniyang gagawin.
"Kamusta araw mo?" Minabuti ni Kross na tanungin ang dalaga para na rin makapag-salita na ito ng madalas at hindi na lagong tahimik lamang.
"A-Ayos lang, p-pumunta sina Gleo k-kanina." Sabi ni to nang nakatungo. Tumango naman si Kross bilang pag-sagot.
"Anong ginawa nila?" Pagtatanong pa nito at umayos na ng pagkaka-upo. Umayos rin si Hera ng upo at sinagot ang binabae.
"W-Wala, nag-kuwento lang s-sila. T-tapos binalit ni Drix na b-buntis na 'yung girlfriend niya." Napangiti si Hera nang masabi iyon. Si Kross naman ay napatulala nang makitang naka-ngiti ang dalaga. Nakaka-miss kasi ang matatamis na ngiti nito na talagang nakakapag-pagaan ng damdamin ng mga tao sa kaniyang paligid.
"Ganon ba? Bakit hindi naman niya sa akin nachika iyon?" Pakunwaring nag-tatampo sa sabi ni Kross sa dalaga.
"E-Ewan ko..." tanging nasabi ni Hera.
"Anyway, nakaligo ka na ba?" Tanong ni Kross sa dalaga. Napatingin naman si Hera sa kaniya at tumango ng marahan.
"Good, tulog na tayo." Sabi ni Kross at inaya pahiga si Hera.
"H-Ha?" Nagulat na bigkas ng dalaga. Lingod parin kasi sa kaalaman nito na sa unit niya natulog ang binata(?)
"Sabi ko, matulog na tayo. Gabi na rin." Sabi ni Kross at umayos na ng higa sa tabi ni Hera. Si Hera ay nanatiling naka-upo at hindi alam ang gagawin.
"D-Dito ka ma-matutulog?" Nauutal-utal na biglas ng dalaga. Parang bata naman na tumango si Kross at nag-kumot na. "Kaya higa ka na." Sabi nito sa dalaga.
Naiilang na nahiga si Hera sa tabi ni Kross. Tumalikod siya sa gawi ng binata(?) dahil nahihiya parin siya sa hindi malamang dahilan.
"Oo nga pala, you'll be visiting psychiatrist tomorrow para magpa-check up." Si ni Kross sa dalaga at marahang tumango naman si Hera.
"Okaaaay, goodnight." Sabi nito at niyakap ang dalaga. Naramdaman niyang medyo nagulat ang dalaga sa ginawa pero mas hinigpitan na lamang nito ang kaniyang yakap.
Sana lang, bumalik na sa dati si Hera.
BINABASA MO ANG
Hera's Confession
General FictionIt is hard to confess, for I have loved you for a long time.