Prolouge

163 10 0
                                    

Prologue

"Where are you?" tanong ko sa telepono.

"Whoa. Easy Amara. Nasa entrance na ako."

"Kasama mo na si Andrea? "

"Nagtext sakin. On the way pa lang daw sya."

Napahawak ako sa sentido ko at ginulo ang buhok ko.

"What's wrong with you girls? Palagi na lang kayong late sa usapan natin!" iritadong sabi ko.

"Hey Chill Sis. Don't scold at me through the phone. Malapit na ako. Bye. Love you!"

Magsasalita pa sana ako ng babaan nya ako ng telepono. Napabuntong hininga ako at hinigop ang frappe na binili ko.

10 minutes na silang late!

Alam naman nilang napaka-impatient kong tao. Ayokong pinaghihintay ako!

"Amara!"

"Finally!"sambit ko.

Lumapit sa table ko si Arielle at hinalikan ang pisnge ko.

"Aga-aga ang init ng ulo." natatawang sabi nya.

"Nasaan na si Andrea?" pag-iiba ko sa usapan.

"Malapit na daw." kibit balikat ng sagot nya.

"Your 11 minutes late." masungit na sabi ko.

Tinawanan lang ako ni Arielle at umorder na din.

Nandito kami sa coffe shop sa loob ng mall.Manonood kasi kaming tatlo ng bestfriend ko ng movie. Apparently, late sila.

"Ayan na pala si Andrea." napatingin ako sa babaeng pumasok sa pintuan.

"Gosh! Sorry I'm late! Traffic! " aniya at humalik sa pisnge namin ni Arielle.

Lumapit sa akin si Andrea at lumingkis sa braso ko.

"I'm sorry Amara. Please. Alam kong gustong gusto mo ng manuod ng movie pero late ako." nakangusong sabi nya.

Unti-unti akong napangiti. Umirap ako habang nakangisi. Hindi ko talaga matiis ang mga kaibigan ko.

"Fine. Libre mo na lang ako mamaya ng ice cream." nakangiting sabi ko.

Lumawak naman ang ngisi sa amin ni Arielle.

"Ang korni nyo!" natatawang sabi nya at nagtawanan na din kami.

After namin ubusin ang orders namin ay bumili na kami ng tickets. Pagkatapos ay bumili ng snacks habang naghihintay. Tumambay muna kami sa foodcourt at nagkukwentuhan habang hindi pa nagsisimula ang movie.

"Sabi ni mommy mag-sleep over na lang daw tayo sa amin para matapos na natin yung project natin." sabi ko habang naglalakad kami.

Katatapos lang namin manuod ng movie at naggagala ng lang kaming tatlo sa loob mall.

"Hmm. Sige okay lang." sagot ni Andrea.

"G." tipid na sabi naman ni Arielle.

"Settle na ha. Bukas ng gabi. " nakangiting sabi ko.

Nagsitanguan lang sila at naglibot-libot pa. Wala ng kaso sa amin ang sleepovers. We're friends since I don't know when. At first, we really hate each other. Para kasing ang aarte nila tapos anak mayaman pa. So we didn't clicked that much. There is just one incident in our elementary days when we locked ourselves inside a room for a day at wala kaming choice kung hindi mag-usap. After that day, we became bestfriends.

"Tara mag-videoke!" yaya ni Andrea ng napadaan kami.

Nagtinginan naman kami ni Arielle bago tumango sa kanya.

Between The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon