Chapter 11

27 1 0
                                    

Chapter 11

"Are you hungry? Kain muna tayo?"

Nilingon ko si Tyrell ng tanungin nya ako. We are on our way on the mall and he's driving the car lazily. I admit, medyo inis ako sa fangirls nya. It's fine that they feel jealous because they like this guy, but it's never okay to spread gossips about me.

Narinig ko kasi silang pinagbulungan ako bago kami tuluyang nakaalis ng court.

"Hindi sila bagay."

"Tyrell is too hot for her."

It's kinda offending. It's not as if I'm taking their spot. Isa pa, he's inlove with someone else. Kung naiinggit sila sa akin, sorry na lang.

"Amara?"

I blinked twice when he looked at me. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Napapadalas ang pagtitig ko sa kanya. It's not healthy for me.

"Okay." I replied.

Tyrell drove to the nearest fastfood restaurant. Pinark nya ang sasakyan at sabay kaming lumabas. Pagkapasok pa lang ay kitang kita ko ang singhapan ng mga cashier. Napaismid ako.

Oo na. Gwapo na nga yung kasama ko. Obvious sila masyado.

"What do you want?" he asked. Nanatili ang tingin ko sa menu board bago tinuro ang order ko.

"Okay. Upo ka na."

"Huh?" wala sa sariling tanong ko.

"Find our seat. Ako na dito."

"Uh. Sige." I said. I took out my wallet first to give him my payment but he didn't accept.

"My treat."

"Ayoko." mabilis na sabi ko. Pinanliitan ko sya ng mata. Si kuya lang ang hinahayaan kong lalaking manlibre sakin. Parang may rule ako sa sarili ko na ang papayagan kong ilibre ako sa isang lakad is like treating it as a date. Kaya todo ang pagtutol ko.

"C'mon. Take this as my celebration treat sa pagkapanalo namin."

"Ikaw ang nanalo. Ikaw dapat ang nililibre."

"I just want to treat you. Promise, this will be the last."

Hindi na ako nakaangal ng kausapin sya ng cashier. I just turn my back and find our seats. Pagkaupo ay sandali akong natulala.

This is not a date. Stupid self rule. Wala ng ganong rule ngayon sa utak ko. Nadudumihan lang ang imagination ko.

"Here."

Hindi ko namalayang dumating na pala si Tyrell. Inayos nya ang pagkain namin bago kami nagsimula. I shrugged everything on my mind that will only haunt me later. Tawa lang kami ng tawa kapag may pinag-uusapang nakakatawa. Mostly about sa teachers namin at sa family members.

Mabilis din naman kaming natapos at dumeretso na sa mall. We bought tickets and we need to wait for an hour before we enter the cinema. Kaya nag-decide muna kaming mamasyal ni Tyrell.

Namili kami ng snacks na dadalhin namin sa loob. Ang dami nyang binili na pede ng pang-grocery. Parang hindi kumain kanina.

"Ano pang gusto mo?" I asked. He's pushing the cart while I'm picking everything he wants.

"Ikaw."

"Huh?" napakurap kurap ako. Nilingon ko sya at gulat nya akong hinarap.

"I mean ikaw. Anong gusto mo?" awkward na aniya. Malakas na bumuntong hininga ako bago umirap.

"Tss. Pa-fall." pang-aasar na bulong na narinig nya kasi tinawanan nya ako.

Matapos naming mamili ay deretso na kami sa cinema. Habang nasa daan ay tumigil kami ni Tyrell sa tapat ng isang store. Akala ko may bibilhin sya pero may tinawag sya sa loob.

Between The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon