Chapter 30

18 1 0
                                    

Chapter 30

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Hindi nakatulong yung pag-iisip ko sa maiksing encounter namin ni Bianca para makatulog kaagad ako kahit na nakainom ako.

Halos magliliwanag na talaga nung natulog ako kaya lagpas lunch na akomg nagising. Sobrang gutom na ako pagbaba ko kasi wala pa talagang kalaman laman yung tyan ko bukod sa kinain kong noodles kagabi.

"Manang, si Kate?" I asked Manang Flor.

"Umalis e."

"Po? San daw?"

"Walang sinabi e, pero baka therapy." kibit balikat na aniya.

I just nodded at her. Kunot noo akong nagpunta sa kusina para kumain. Therapy again? Twice a month lang session nya ah. Bakit nandoon na naman sya?

I just sighed ang sipped on my coffee.

Mama is at work. Tsaka baka mamayang gabi kina mommy muna ulit ako. I know kuya is not living there anymore since matanda na naman sya pero makakapagalambing naman siguro ako ng dinner sa kanya.

Pagkatapos kong kumain ay nag work out at naligo na ako. Nagdecide na akong tumambay na lang sa baba ng biglang sumulpot sa harap ko si Arielle. Gulat na binalingan ko sya.

"Hey. Why are you here?"

"Sakit ng ulo ko!" reklamo nya at humilata sa couch. Nahulog nya pa ang bag nya at di man lang sya nag-abala na pulutin so I just did.

"Inom pa." pang uuyam ko. She just groaned at me.

Umiling ako at nginisian sya. Nagsabi ako kay manang na gumawa ng soup para kay Arielle. Pagkalingon ko sa kanya, nagulat ako dahil ang attentive na nya sa akin.

"What?" naguguluhang sabi ko. Bumuntong hininga sya bago umiling.

"Sino nag-uwi sa akin kagabi?"

Nagulat ako sa tanong nya. Bakit sa akin nya tinatanong? Pinagtaasan ko sya ng kilay sa tanong nya.

"Bakit hindi mo alam?" I asked back.

"I passed out." kibit balikat na aniya.

My brows furrowed. What the hell?!

"Baka yung foreigner."

"Sinong foreigner?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Aba talaga naman itong babaeng to. Wala talaga syang alam?

"Yung kasayaw mo kagabi?"

"Gwapo?" she suddenly feel interested. I pursed my lips into thin line.

"Ewan ko sayo." iritadong sabi ko. Tinawanan lang ako ni Arielle sa sinabi ko.

"I'm sorry. I don't really know. Pero malay mo magkajowa na ako diba? Hindi mo talaga alam?"

"No. Nauna kami ni Isaac."

"Bakit? Nagdate pa kayo?" nanliit ang mga mata nya.

"Hindi. Umuwi ng maaga. Ang issue mo." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Ngumisi lang sya sa akin.

I scoffed.

"If you want, si Andy tanungin mo." sabi ko. May idudugtong pa sana ako kung hindi lang naagaw ang atensyon namin sa biglang pagtili ni Kate pagpasok sa bahay.

My sister is just too excited that she didn't notice us. Kilig na kilig ang isang to. Broken hearted pa sya pero kinikilig na. Don't tell me nakipagbalikan sya sa boyfriend nyang sumama sa iba.

Between The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon