Chapter 9

33 1 0
                                    

Chapter 9

"So what happened to "our paths won't cross again" peg mo?" Andy asked while quoting his fingers.

Talagang hindi nila ako tinantanan sa pagkikita namin ni Tyrell. This is the reason why I don't want to tell them. Maissue sila. And even though we have a saying of books before boys they're also a sucker of love and kilig moments.

"We just met." I answered. Totoo naman. Nagkita lang kami sa secret garden then things happened. It's not as if we planned on meeting each other there.

"Ang gwapo nya Amara." namamanghang ani Andy. I know that she's attracted to Tyrell. Kahit nga ata siraan ko, gusto nya pa din.  Palibhasa, mahilig sa Cortez.

Inirapan ko na lang si Andy at hindi na sinagot. Nasa library kami kasi tutulungan daw nila ako sa hindi ko natapos na seatworks. Arielle is busy texting. While Andy is so vocal about praising Tyrell. Nasaan ang tutulungan ako?

Tumingin ako kay Arielle na ngayon ay nakanguso at nagpipigil ng ngiti sa katext. Pinanliitan ko sya ng mata.

"Arielle." sabi ko sabay tapik sa braso nya. Nagulat sya sa ginawa ko at mabilis na pinatay sa cellphone. Binaba at tinaob nya pa yun sa table at guiltyng tumingin sa akin. Mas lalo akong nagtaka.

"B-Bakit?"

I just shrugged my head then sighed.

"May something ba kina kuya at Ate Thylane?"

"H-Huh?" napakurap kurap sya. I saw her look at me ridiculously like I'm saying a big joke.

"Madalas kasi si kuya sa inyo. Baka nililigawan nya si Ate." kibit balikat na sabi ko.

"I don't know." simpleng sagot nya. My lips parted. Based on her reactions I thought she knows something. Wala naman pala.

Magtatanong pa sana ako ng biglang sumingit si Andy.

"Well, she's too secretive. " mapang-asar na sabi niya sabay ngisi. I agree on her. Sa aming tatlo, si Arielle ang pinakamisteryosa. There are so many things happening in her life that she didn't bother to tell us.

Pansin ko ang pag-irap ni Arielle.

"Ako pa. Ikaw nga e, hindi mo pa kinukwento kung bakit kayo nag-kiss ni Van sa parking ng mall."

Parehong nanlaki ang mata namin ni Andy. Laglag panga kong nilingon si Arielle na nakangisi lang.

"A-Ano?" gulat na tanong ko.

"P-Paano mo nalaman?" kagaya ko gulat na gulat din si Andy.

"I was about to call you. And that happened."

Napasabunot si Andy sa sarili nya at halos sabunutan na din nya si Arielle. My lips parted. I can't believe this. Bumaling ako kay Andy at hinila sya pabalik sa upuan nya.

"A-Akala ko ba bestfriends kayo?"

Nasstress na ako! They're like siblings! Wala silang feelings sa isat isa! I mean saksi ako dun.

"Amara..."

"Bakit kayo nagkiss. I'm waiting for the details na hindi na ako nakapaghintay Andy." si Arielle. Tumango ako sa kanya.

Andy sighed problematically. Naupo sya ng maayos at saka nagseryoso.

"Amara, Arielle... Please, magkukwento ako. Hindi lang ngayon."

"Bakit?"

"Complicated."

Pinigilan kong mapanganga sa sinabi nya. If ever na nagkiss sila, then things might really change. Natatakot ako para kay Andy. Baka masaktan sya. It feels like nasasaktan na sya ngayon.

Between The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon