Chapter 7

39 1 0
                                    

Chapter 7

Tahimik akong pumasok sa room. I was expecting to be alone there. Maaga pa naman. Pero nagulat ako ng nakita ko si Arielle na nakaub-ob sa upuan nya. My brows furrowed. Laging late to e. How come na nauna pa sya?

"Arielle." tawag ko sa kanya.

"Hmm."

"Antok na antok ah. Bakit ang aga mo?"

"Someone knocked on me so early..." halos hindi ko maintidihanh bulong nya.

"Sino? Boyfriend mo?"

Nagulat ako ng bigla syang nag-angat ng tingin sa akin. Nanlaki ang mga mata nya at hindi makatingin ng deretso sa akin. Tumaas ang kilay ko.

"What the hell?!" iritadong aniya. Nagkibit balikat ako.

Well, we have this belief in life. Books before boys. Ang unang sisira, manlilibre ng isang buwan. And we do not tolerate each other having a relationship with a random guy. Okay lang kung crush crush pero kapag boyfriend na, he needs to know us. The friends first before we trust the guy. I know my friends, they're vulnerable. So am I. So we need to protect each other. Life is already fucked up, we don't want to complicate things more.

"Malay ko ba."

"Baliw. Kuya mo yon!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. There, she got my full attention. Napalean back sya ng tinapunan ko sya ng tingin.

"What about my brother?"

"Whoa. Easy. Parang kakainin mo ako ng buhay."

Napairap ako sa kanya.

"Anong meron sa inyo ni kuya?"

"Wala! He just went to our house. Classmate sya ni ate diba? May sakit kasi si ate. Pero may project na kailangang ipasa. I mean, that's a dayorama. Kaya pinasama ako ni ate para tulungan si Yohann na bitbitin sa school nila. She doesn't trust your kuya that much."

Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.

"Yun lang?"

"Oo yun lang."

"Bakiy hindi mo sya tawaging kuya?"

"The hell. Two years age gap! Hindi ko naman kapatid."

"But I call your sister, ate."

"Magkaiba yun."

"Paanong magkaiba?"

Napabuntong hininga sya. Siguro naiirita na sa pagtatanong ko. I just can't help it. Naalala ko pa yung last time na nag-sleep over sila sabahay e.

"I don't like him okay!  He's a playboy, duh?" sabi nya na parang sapat na yun para ayawan si kuya. Napabuntong hininga ako.

"Okay. It's just that I can still remember you calling him hot."

"That was... That was just an initial reaction. Hot naman talaga. Pero diko gusto! "

"Okay. Akala ko nakitaan mo lang ng boxer e---"

"Amara!"

I chuckled. Hindi ko na ulit sya kinulit. Ayaw nya ng inaasar sya kahit gustong gusto ko naman. Pikon kasi.

Dumating ang iba naming kaklase pati na din si Andy. Nagsimula ang klase at hindi na namin binalikan ang mga pinag-usapan kanina. Lunch break ng kausapin ko si Andy.

"Nakita mo si Van?"

"Yes. Naiwan ko sa kanila yung notebook na ipapapasa ni miss mamaya. Nakakastress."

Between The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon