Chapter 21

26 1 0
                                    

Chapter 21

Mabilis na tumakbo ang oras. We became more hectic in the middle of second sem. Kahit magkakaklase na kami nina Andy at Arielle halos hindi na din kami makapag samasama lalo na kapag gumagawa ng projects and presentations.


There are times when Tyrell and I need to compromise for each other's time. Halos hindi na kami magkita sa school. Minsan kahit break time namin may kanya kanya kaming ginagawa.


Hindi na din sya nakakadalaw sa akin aa condo. He'll always offer to wait for me after class pero ako ang tumatanggi dahil ayokong naghihintay pa sya. When he insisted it the first time we fought. Kaya hindi na din nya ginawa.


It's understandable though. We have a lot of things in our shoulder. Kahit nasa condo sya hindi kami nagpapansinan dahil kanya kanya kami ng aral. It's either, may quiz kami, recitation or may presentations. It's really stressing me out!


Now I'm feeling guilty for always saying no to him every time he asks me out. And make me more guiliter whenever he says he understands.


Naiisip ko tuloy na isa to sa reason ko dati kaya ayoko munang mag-boyfriend. Ayokong maging unfair sa kanya. But Tyrell is a different case. I'm just thinking that this will all pass by.


Kanina pa ako check ng check sa cellphone ko para tingnan kung nagtxt na ba si Tyrell. May usapan kasi kaming magme-meet ngayon. It's Saturday.


I supposed to be in a group study for our defense on Monday but I didn't go. Gusto kong bumawi kay Tyrell. For the past weeks, he always find time for me even though he's busy. Pero nababalewala lang dahil busy din ako.


Tinapos ko na lahat ng part ko para mapag-aralan na din ng ka groupmates ko. I already sent it last night so that they won't disturb me now.


But, Tyrell isn't here yet. Umiling ako sa waiter ng inabutan nya ako ng menu.


"I'm still waiting for someone. Tubig na lang." I smiled.


Bumagsak ang tingin ko sa cellphone ko na wala pa ring reply. Nagpaalam sya sa akin na dadaan muna sa groupmates nya para ibigay ang flashdrive na kailangan ng group nila. Kagaya ko tatakas din muna sya.


He's almost an hour late and still no reply. Nagsisimula na akong mag-alala dahil hindi naman sya ganito.


Sa sobrang bored ko, inopen ko muna sa social media accounts ko. Just to divert my attention.


Natigilan lang ako ng makita ko ang story ni Bianca. Bianca is one of Tyrell's blockmates. Nakilala ko sya dahil sila ang madalas na magkasama sa group.


Kumunot ang noo ko ng makita ang picture nila. That was posted about an hour ago. Madami sila, pero sa gitna, magkatabi si Bianca at Tyrell sa picture. Sunod ay isang maikling video kung saan kinakantahan nila ng birrthday song si Bianca.


Napasinghap ako. So nandito pala sya? Hindi man lang sya nagreply. Kung hindi ko pa to makikita puputi na yung mata ko kakahintay sa wala!


Pwede nya namang sabihin na hindi sya makakatuloy ah! Na mas gusto nya kasama yung mga kabarkda nya kaysa sa akin!


Agad na nag init ang sulok ng mga mata ko. Sa inis ay kinuha ko ang bag ko at dere deretso ang lakad ko palabas. I can see the waiter's judgement in his eyes. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang.


Nasa may pinto na ako ng makasalubong ko si Tyrell. Parehas kaming natigilan ng makita ang isat isa. Guilt is etched on his face. I swallowed hard as I look at him. Naiinis ako sa kanya!


Between The Two of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon