1 month earlier
Ako: Anong masarap etong vanilla o choco?
nasa grocery ako ngayon nag k crave kasi ako sa ice cream eh, hindi ko alam kong vanilla o choco ang bibilhin ko.
Rommy: siguro ako! proud na sabi ni Romeo habang naka pose na pang model, bigla bigla nalang susulpot buti wala akong sakit sa puso dahil malamang kung meron matagal na akong nakabaon sa lupa.
Ako: kailan ka pa naging ice cream hindi mo man lang ako na inform ah? sarkastiko kong sagot tiningnan ko sya mula ulo hangang paa hays napakamot nalang ako sa ulo ,epal talaga kahit kailan eh, seryoso pa naman ako sa pagpili ng flavor,tinakpan nya ng kamay nya yong katawan nya
Meo: hep hep ..Don't look at me like that baka matutunaw ako!wag po haha" epal na nga may pag ka feeller pa natawa nalang ako sa mag ginagawa nya.
Ako nga pala si Kylie Fahran seventeen college na ako pero bakasyon kami ngayon kaya pagala gala lng kami ng bestfriend ko, solong anak ako kaya medyo spoild brat hindi naman kami subrang yaman yong sakto lang kumakain ng tatlong beses sa isang linggo haha choss lng!
si Kylie nasa media sa side - - - - - - - - - - - ->
masayang magkaroon ng kapatid este kaibigan na tulad nya hindi mo mapipigilan ang tawa. Si Romeo nakilala ko sya three years ago pa magkapitbahay kami kaya naging kaibigan ko na rin sya.
alam ko na may gusto si Romeo pero kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya, maraming nag aakala na may something samin kahit parents namin inaasar kami.
si Romeo makulit yan, masayahin, magaling sa lahat ng bagay lalo na sa academics kaya kinaibigan ko yan haha joke. nasa grocery parin kami.
Ako: anong ginagawa mo? ang dami nyang nilalagay na kung ano ano na pagkain sa loob basket eh.
Rommy: wag kang mag alala libre ko! hays proud pa ah masama kutob ko dito ah.
Ako: daming pera ah sulitin ko na ah . nginitian ko lang sya, siguro nga may pera sya wag munang kabahan minsan lang syang manlibre dapat sulitin.
kumuha pa ako ng ibang snacks at at drinks sya ayon pumipili parin ng makakain ang takaw nya talaga pero hindi man lang sya tumataba.
ang tagal naman nya dalaga ba sya? kanina pa ako siguro hinahanap ni papa kanina pa kasi sya umuwi galing trabaho.
Ako: hoy tara na ang tagal mo naman hinahanap na ako ng papa ko!
Rommy: wait lang may lakad? aba nasagot pa ako sya na ngang matagal eh.
Ako: aha! bilisan mo hinahanap na ako eh.
Rommy: wait last na ,anong masarap cream stick o choco cho- hindi ko na sya pinatuloy pa lalo lng matatagalan eh hinila ko na sya sa counter para magbayad.
Ako: hihirit ka pa noh oh ayan bayaran mo na! mataray kong sabi inilagay ko na sa counter yong mga snacks.
kinuha na ni rommy yong walet nya sa bulsa, at parang nagbibilang pa ng pera nya.
Ako: Hoy bilisan mo kanina pa nag aatay yong casher ,three hundred twenty four pesos lang.
Rommy: ah eh.. kasi...hehe
tiningnan ko yong wallet nya two hundred lang ang laman, hay naku sabi ko na nga ba.
Ang kinalabasan ako yong nagbayad, ang galing talaga ng kaibigan ko akala ko swerte kamalasan pala ang dala, nagtitipid pa naman ako eh napagastos tuloy.
naglalakad na kami pauwi kasi medyo malapit lang naman sa grocery store yong bahay namin.
nakakabadtrip talaga sya grrr.
Rommy: ako na mauuna baka maligaw ka pa. ang lakas talaga ng tama ako pa talaga ang maliligaw eh sya nga dyan ang walang sense of direction.
inakbayan ako ni Rommy habang naglalakad para talagang temang ang baboy kumain, may pumasok tuloy sa utak ko iwan ko kaya ito sa kalsada haha tingnan lang natin total malaki na sya kaya na nya mag isa.
Habang naka akbay sya sa akin kinuha ko sa side pocket nya yong cellphone nya naka gps kasi sya para hindi maligaw tingnan nalang natin kung anong gagawin mo. haha evil glare
Ako: Rommy wait lang may nakalimutan pala akong bilhin babalik lng ako sa grocery antayin mo nalang ako dito ah. palusot ko,medyo malapit pa kami sa grocery eh kaya tinalikoran ko na sya at nagsimulang maglakad, hindi po ako babalik talaga magta tricycle nalang ako pauwe para hindi nya ako makita.
good luck nalang sa kanya malaki na sya nuh haha.
Romeo pov
ang tagal naman ni Kylie kanina pa sya ah binili na ba nya yong buong grocery? teka nga maitext
kapa kapa sa bulsa
damn ! asan na yong cellphone ko nawawala nadukot gang naba ako astig hindi ko namalayan ah?
ilang minuto na akong nag aantay kay Kylie ang tagal nya talaga eh ano na kayang nangyari sa kanya? pano na ako makakauwe neto? sya nalang ang pag asa ko, hello nakakahiya kayang magtanong ng direksyon nakakahiya man aminin pero wala talagang sense of direction ang gwapong nilalang na tulad ko, ganun talaga pag gwapo eh.
ako nga pala si Romeo Rald best friend ni Kylie ang totoo gusto ko sya pero hangang kapatid at kaibigan lang talaga ang turing nya saken nacucutetan ako sa kanya at makulit pa... "speaking of makulit Kylie!!! grabe talaga sya siguro tinakasan ako masama man manbintang sigurado ako sya kumuha nung cellphone ko.
"paano na ako lagot talaga saken yang Kylie na yan!
"saan na nga ba ang daan kaliwa o kanan? ah hindi eto ang kaliwa at yon ang kanan? napa face palm nalang ako sa kahihiyan. Kaylie Fahran humanda ka!
alam ko na dating gawi nalang hihingi ako ng tulong sa ibang tao para madala ako sa police station, tapos pag nasa police station na ako ang alibi ko na hold up ako pwedi naman siguro na pa ulet ulet ang palusot ko syempre ihahatid nila ako sa bahay kasi nga na holdup ako period.
diba nakalibre ka na ng sakay safe kapa dahil police ang maghahatid sayo, yan ang isa sa pogi skill ko.
kylie pov
nasa bahay na ako kanina at nakahiga sa kama ko at kinakain yong ice cream na binili ko kanina
kumusta na kaya si Rommy? tumingin ako sa labas ng bintana ayon may mga police na naman wala ba syang bagong style?
Papa: Kylie bumaba kana kakain na tayo. ops nakalimutan ko may sasabihin pala si papa sa akin kaya nya ako hinahanap kanina nalimutan ko
Ako: ok po pababa na.
nag ayos lang ako ng kalat tapos bumaba.
nakita ko si mama at papa naka upo na sa mesa.
Ako: wow ang sarap naman menudo ang galing mo talaga papa.
may hihingin kasi ako mamaya eh pero promise masarap talaga magluto si papa.
Papa: Kylie debu mo na pala next week ano? may gift kami ng mama mo. binigyan nya ako ng malapad na ngiti .
Ako: ano po yon pa? excited kong tanong kilala naman ako ni papa gusto ko pang magbaksyon sa ibang lugar kesa sa bonggang party.
Mama: mag bakasyon ka sa birthday mo kahit saan mo gusto yon na ang birthday gift namin sayo.
Ako: talaga po kiss salamat po ma kiss salamat pa.
BINABASA MO ANG
Those Days WITH YOU [Ongoing]
Teen FictionAkala mo mabait, gentleman, sweet at hero pero akala mo lang pala maraming namamatay dahil sa maling akala dahil lahat ng yon kabaligtaran, ang pagiging hero nya syempre may kapalit.