UNANG BAHAGI: Simula ng ka-ek ekan

191 11 2
                                    

Author's Note: Ilan sa mga mga bagay bagay na nakasulat ay mula sa karanasan ng author, kaibigan, kapit bahay at mga tauhan na napanood sa TV thru anime, drama, koreanovela, chinovela, jadorama, telenovela, maging sa mga komiks, liwayway, manga, seryosong pocketbook at hindi seryosong pocketbook. 

Ang bawat kwento ay may umpisa, katulad ng bawat umaga may sunrise, maging ng milyong milyong istorya sa wattpad, ang Literary work na ito ay may umpisa. Pag- ibig ang tema ng artikulong ito kaya simulan natin sa tipikal na pag-uumpisa ng bawat istorya.

Ano ba ang pag-ibig? De joke

Nag-iiscan ako sa facebook ko madalas (8AM to 11PM) at kadalasan ito ang tema ng aking news feed. Nakakatuwa minsan na nakakaumay na masarap kiligin pero masarap sampalin ng 23 times. Kadalasan, bagong inlove (yung mga kala mo hindi na maghihihwalay), hindi na bagong inlove (inlove pa rin pero, slight na lang), hindi na inlove (may dalawang uri- dahil naiwan, niloko, pinagpalit sa hipon at ang isa naman, wala talagang mahanap kahit anong gluta ang inumin). Then, i remenisce the start, kung paano at saan ba nag-uumpisa ang ganitong pakiramdam. Sinegregate ko ang fb friends ko sa iba't ibang kategorya kaya ang ina nating idiscuss ay ang umpisa.

Sa edad na trese, nangangarap ang bawat isa sa atin, karamihan ay mga babae, pwede ding binabae, na makapagjowa ng kamukha ng One Direction, i mean perfect. Matangos ang ilong, 6 pack ang abs, mabango, yummy, mayaman, may kotse, may condo, magaling kumanta, sumayaw, mabait, sweet, thoughtful erm.. at lahat ng positive na adjective nakamit na niya, sa madaling salita- IMPOSSIBLE. Yes impossible, hindi dahil sa bitter ako pero ganun talaga. 

Sa mga panahong iyon, mag-iistatus ka na ang nais mong mapangasawa ay si Kim JaeJoong sapagkat napakagwapo niya. Kinikilig ka sa bawat kilos niya, ang kaniyang mga titig ay tila nakakatunaw. Kapag siya'y umaawit akala mo ikaw ang kaniyang prinsesa kaya naman lahat ng music video niya ay iyong pinapanood, subalit bigla mong nakita si Jang Geung Suk at doon naman nabaling ang iyong pagmamahal. Ang bawat Koreanovela ay iyong pinapanood, hanggang ang facebook, twitter, kakaotalk, line ay iyong iniistalk. 

At doon nabuo ang iyong mga pangarap, sa murang edad na trese, nangarap ka na magkaroon ng lovestory na katulad ng sa Pretty Man, isang super gwapong lalaki na itago natin sa pangalang Jang geun Suk ang kakatok sa bahay niyo upang hingin ang iyong kamay. Magiging jowa mo siya at ikaw ay magiging prinsesa. dahil maganda ang genes niya, pogi at magaganda ang magiging anak ninyo. Dahil din sa nagmula siya sa mayamang pamilya, hindi mo na kailangang magtrabaho at magkolehiyo sapagkat si Jang Geung Suk na lamang ang bahala sa iyo. 

Hayy o kay saya ng buhay. 

Hindi ako fan ni Jang Geung Suk noon subalit napanaginipan ko siya kamakailan lang na kung saan magiging boyfriend ko daw siya. Alam kong hindi totoo pero natulog ako ng additional 30 minutes para malaman ang ending noon subalit naputol pa rin.

Bumalik tayo sa usapin ng bayan, seryoso, noong ganitong panahon, akala natin kasing tamis ng sundae sa Mcdo ang pag-ibig, kelangan lamang natin ipaglaban at humanap ng pogi, walang impossible sa pag- ibig kahit artista pa yan, may .0000000000001% pa rin na ma-inlove siya sa iyo, tadhana ba?

Ayon sa further research na iyong ginawa, thru, inquiry sa mga kaibigan mong 13 pa lang may 5 ng boyfriend, nagbasa ka din ng mga teenfiction ng mga writers sa wattpad, observation sa mga koreanovela... masarap ang feeling na inlove. Oo nga naman, bibigyan ka ng flowers, ihahatid ka, masarap ang feeling na alam mo na may nagmamahal pa sa iyo bukod sa pamilya mo. 

Bigla kang nagkacrush sa basketball player ng school niyo. Ang gwapo kasi kahit mabaho na dahil sa pawis. Pero bakit ganoon? Mas gwapo sa paningin ng mga babae ang mga basketball player? Ayaw nila ng player ng chess o scrabble.

Itong si crush, itago natin sa pangalang Boy Basketball, ahead siya ng dalawang taon sa iyo, gwapo, gwapo at gwapo, gwapo lang kasi dahil ayon sa research bobo siya sa math at naninigarilyo, pero crush mo pa din siya dahil sabi nga ni Jodi Picoult ay “You don't love someone because they're perfect, you love them in spite of the fact that they're not.” 

Inistalk mo siya sa facebook- SINGLE!, mayaman din, may babuyan ang pamilya, medyo bad boy ang image pero keri lang, mapapabait mo siya, sa isip mo. Mas nakakakilig kung ang lalaki ay magbabago para sa iyo.

Sabi mo true love ang ganun kasi kahit imperfect, tanggap mo siya. So noong laban nila sa intrams, pumunta ka, nagcheer for them, sa pag- asang lilingon siya sa iyo. 

Lumingon nga siya sa iyo, o Kay ligaya!

Pero lumampas pala sa iyo, sa chicks na nasa likod mo ang type. Itago natin siya sa pangalang, Popular Girl. Sikat si girl, maganda, matalino, mabait.. lahat ng magagandang qualities nasa kaniya na. 

Na-confirm mo ito noong lapitan niya ito at nakipag-handshake. Gumuho ang iyong mundo. Ito ang unang bigo mo sa pag- ibig. Masakit! Hindi ka makahinga! Nais mo nang magpakamatay! Akalain mong ang pag- ibig mo, i mean ang kauna unahang pag- ibig mo sa daigdig na nakilala mo lamang sa loob ng isang linggo, winasak ang iyong daigdig.

Pinilit mong maging matatag at huwag umiyak, pero masakit talaga. Hinding hindi ka na magmamahal-yan ang pangako mo.

---

Nakakatawa sa iba na makabasa nang ganitong karansan, pero aminin niyo, ganiyan din ang perstaym niyo na magmahal.  Yung crush niyo na super pogi sa school, crush niyo mula frist day of school tapos hanggang binabasa niyo ang artikulong ito, hindi man lamang kayo pinapansin? Masakit di ba?

Mahal na ee

Pero mahal nga ba? 

Sa edad na trese, ang tingin natin sa daigdig ay isang ideal place to live in. Sabi ko nga need mo lang  ipaglaban ang pag- ibig mo, kumain ng wasto, maghanap ng gwapo, sapagkat love will always finds its ways.

Pero love nga ba talaga? Balik tayo sa joke question sa unahan, What is love?

Ang love sa edad na ito, ay isang masarap na pakiramdam na hindi mo mawari- nakakakilig at nakakapatae. Gusto natin perfect, at ayaw natin masaktan.

Aminin man natin, ang basehan natin sa pag- ibig sa ganitong panahon, ang hitsura, antas sa buhay, talento at kung anu ano pa. Para sa iba, crush at infatuation ang tawag dito. Para sa akin, matatawag na rin itong pag- ibig, mababaw man, pag- ibig na rin, pag- ibig ito pero nasa umpisang stage pa lamang. Nagsisimula pa lamang tayo sa pagbalangkas ng kung anong nais nating maging buhay pag- ibig. 

Parang isang author na nagbabalangkas ng kaniyang istorya, ito ang umpisa.

BAKIT BAKLA ANG EX- BOYFRIEND MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon