ikalawang Bahagi: Pagkakaiba

69 9 0
                                    

Kamakailan lamang nasangkot ako sa away ng magjowa. It happened to be na pareho kong friend yung couple. Yung guy friend siya ng jowa ko at pinakilala naman sa akin ng personal, at yung girl, hindi ko pa siya nakilala ng personal pero nagkakatext na rin kami at friend sa facebook. Wait, yung sangkot na hindi tulad ng iniisip niyo. Parang ako lang yung naging hingahan nila. 

Sa totoo lang excoted kong idiscuss ang topic na ito sapagkat...wala lang...basta gusto ko lang so dali umpisahan na natin.

Lahat tayo ay iba- iba, ako maganda, ikaw pangit, dejk, pero totoo yun, isipin mo na lang kung alin sa mga statement ko ang totoo. Tayo ay nabubuhay sa mundong nagsusulong sa pagkakapantay pantay bagaman lahat tayo ay may pagkakaiba.

Pero paano kung nagkataon ang minamahal mo ay malaki ang pinagkaiba ng estado niyo sa buhay o kung di man pakiwari mo ay tutol ang langit. Ganito ang sitwasyon nung friend ko.

Parang ganito, 

Character design ni BOY: Normal na tao mula sa normal na pamilya, hindi mahirap, hindi mayaman, sapat lamang, Kumakain ng tatlong beses sa isang araw, nakakabili ng isang kaha ng yosi, at paminsan minsan Empi Lights. Kung titingnan mo siya, para siyang normal na hiphop na gumagaya kay Zaito ng Fliptop. Malaking damit, bling bling, gangster outfit. Pero bagaman gangster ang tirada, malupet naman ang linya, talentado talaga, kapag bumigkas ng tula. Noong una, hindi din ako sanay sa mga ganitong uri ng tao, mga mahilig magmura, parang panghalip ang putang ina. Kasi kung titngnan mo talaga sila iisipin mo nagdrodroga siya.

Character design ni GIRL: Perfect girl kung ituring, matalino, maganda, talentado, nagmula sa kilalang pamilya sa kanilang lugar, taga- UP, almost nasa kaniya.

Conflict: They fell in love with each other. Against ang pagkatao nila, kaibigan, maging pamilya nila.

Naranasan niyo na iyo? Parang llang milya ang layo niyo. Langit sya lupa ikaw. Sa sitwasyon nila sa taas, Babae ang langit, Lalaki ang dehado.

Sa totoo lang mahirap ang ganitong sitwasyon lalo na sa kulturang ating kinalakihan. Base sa ating nakaugalian, ang lalaki ay may higit na kapangyarihan at responsabilidad sa isang pamilya. Sila ang magtataguyod ng relasyon. Maaring may comment kayo at salungatin ninyo yan, subalit come to think of it. sino ang nanglilibre kapag may date? Sino ang may responsibilidad na bantayan ang gf? Hindi ba lalaki. Kapag mahina ang lalaki, mahirap magsurvive ang relasyon. 

Sa relasyon nila boy at girl na friend ko, unlike ng stories sa Wattpad, Teleserye, Koreanovela, Chinovela na need mo lang manindigan because mananaig ang pag- ibig magiging matagumpay ang lahat, hindi nangyayari iyon. Kapag kasi nasa ganitong sitwasyon ka, mahirap balansehin ang mga bagay bagay. Hindi lang pag- ebeg ang need mo subalit kasama na rin ang iba pang factors.

Against ang parents ni girl kay boy, isa ito sa mahirap solusyunan, mahirap kasing kuhain ang tiwala ng mga magulang lalo na kung sampu ang hikaw mo at mukha kang naka-droga or dukha ka. Sa mga teledrama, isa sa solusyon dito ay ang pagtanan, pero mahirap din ito sa totoong buhay.Sa amin ni jowa, relate much din naman, against kasi ang mama ko sa kaniya dahil sa hitsura. Gwapo kaya ng boypren ko. Hindi ko alam kung prejudice niya vyun dahil against siya na magboypren ako kahit 2x years old na ako o dahil hindi ko lang napakilala ng maayos ang jowa ko. Base sa katrabaho ko, bihira lamang daw sa nanay na matanggap ang jowa ng anak dahil sa attachments na tinatawag. Subalit kung totoo man ito, base sa conflict ni boy at ni girl, hindi mo rin masasabi kung ganun nga iyon o hindi.

Kung ikaw naman ay nasa sitwasyon na ang lalaki ay langit at ikaw ay lupa, sa ating mga babae kung nanonood tayo ng Koreanovela, hindi ba nakakakilig, lalo na kung gagawin ni boy lahat para sa iyo. Ganito yung ideal natin type ng relasyon.

Well anyways, puros negative ang sinasabi ko sa topic na ito, hindi din kasi naging maganda ang kinahantungan nila-yung girl ay langit, yung boy ay lupa, kaya try ko naman i-enlighten kayo if ever na nasa sitwasyon kayo nang ganiyan.

Kung katulad ka ng friend ko, una mong gawin, isipin mo kung seryoso na ba siya, naiimagine mo na ba ang sarili mo sa kaniya. Hindi lang ng masasayang panahon, kundi sa kahirapan. Halimbawa, kung bibigyan ka ng pagsubok, kaya mo bang bumbaba sa sitwasyon niya. Matulog sa papag at mamuhay ng simpleng buhay. Malamang dahil inlove ka sasabihin mo OO, pero ulitin natin ang gawin nating close to reality, kaya mo bang isakripisyo ang iyong mga pangarap at pamilya para sa kaniya? Kung oo tanga ka! de jk..

May ways naman upang kumbaga maayos yung relasyon ninyo. Kelangan lamang ninyo na magtulungan. Paano? Unahin natin sa hitsura,. Swear! ito ang isa sa pinaka-trending na reason ng away. Kumbaga kasi, super opposite kayo ni boy, ikaw naka-chanel siya naka-damit si Smugglaz. Dahil nakagawian mo na disente ang hitsura, pinush mo sya na mag-ayos na katulad ni Daniel Padilla. Maganda ba ito? HINDI! Bakit? Kung mahal mo ang tao, mahal mo lahat sa kaniya, Kung magrereact kayo na decency lang naman... Sa totoo lang, kung pipilitin ninyo ang tao na magbago para sa inyo, para mo na rin inapakan ang kanilang buong pagkatao. Lalong higit sa mga lalaki na PRIDE ang isa sa pinakamahalaga sa kanila. Sila ay lalaki, kung pipilitin mo silang mag-ala Daniel Padilla parang pinapasok mo sila sa ibang mundo na hindi nila nakagisnan. 

Isa rin sa pinag-aawayan dito yung tingin ng tao, maraming sasabihin na against sa boy mo, masakit, masakit at masakit, bilang gf, kelangan mong magstand firm na si boy ay mahal mo. Madalas against ang kaibigan ang isa sa halimbawa nito, try mo ipsksudsp, ipsintindi mo na kung kaibigan ka nila, igagalang nila ang desisyon mo na mahalin si boy. Bigyan mo rin ng pagkakataon sila upang higit na makilala si boy, isang group date kumbaga. Sa ganitong paraan, wala kang mawawala.

Huling conflict, magulang, ito pinakamatindi, unti unti mong ipakilala si jowa, papuntahin mo sa inyong bahay, to create good impression. Pero babala: It takes time, yung iba nga kahit mag-asawa na hindi pa rin natatanggap.

Sasitwasyon naman na opposite ng nasa taas. maaring may mga problema din na ikaw ay makakaharap subalit, magtiwala ka sa iyong mahal. Subukan mo din iimprove ang iyong sarili upang makasabay sa iyong mahal.

Yun lang muna... Antok na akech -_- 

BAKIT BAKLA ANG EX- BOYFRIEND MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon