Recapitulate muna tayo ng ating mga pinag- usapan, since mag- iisang taon na ng huli akong mag-update.
Ikalawang Bahagi discussed about the different relationship situation- iba- iba at ngayon ay nadako na tayo sa same sex relationship. Balitang balita ang pagkamatay ng isang transgender sa TV. Wala naman masyadong connect ang mga bagay na ito. Anim na buwan na ang draft nito kaya noong sinusulat ko ito, about kay Laude pa, pero hanggang ngayon hindi pa naman na-sosolve yung kaso.
Nagka-girlfriend ka na ba? Yung girlfriend na boyfriend mo rin? Sapagkat siya ay lalaki na nasa katawang babae. May kapatid, kaibigan, kapit-bahay o kaaway na nasa ganitong sitwasyon. Noong ako ay nasa Naga upang mag-aral uli, na-expose ako sa ganitong sitwasyon. Bilang babae na pinalaki sa konserbatibong pamumuhay na may pagka-hentai na utak, medyo hindi ko ma-gets kung bakit kailangang ganoon.
May isang programa sa radio sa naga ng Brgy. LS kung saan maari kang magsend ng problema mo via text, fb messages or maari ka ring tumawag. Ang DJ ang susulusyon sa iyong problema pero bago ang lahat bibigyan ka ng sankaterbang 'PATAL PATAL MO NAMAN'. Hindi siya si Papa Jack guys. Balik topic, hindi ako babayaran ng GMA para sa promosyong iyon. Anyway, madalas isangguni ang topic dito ay yung isyu ng pag- ibig at ang madalas kong naririnig ay girl to girl relationships. Noong una, napapataas ako ng kilay dahil nagmula ako sa konserbatibong pamilya na may magandang lahi at hindi ako sanay sa ganoong lipunan pero laganap na rin sila. Takpan man natin ang ating mata at magbulag bulagan talagang nangyayari na sila.
Napaisip ako, Bakit nangyayari iyon? Bakit may tomboy sa lipunan?
Una, let's define tomboy, A lesbian is a female homosexual: a female who experiences romantic love or sexual attraction to other females.The term lesbian is also used to express sexual identity or sexual behavior regardless of sexual orientation, or as an adjective to characterize or associate nouns with female homosexuality or same-sex attraction. Salamat Wikipedia para sa impormasyon. Sabi daw, Female Homosexual, ibig sabihin,isang normal na babae na may female reproductive organ, at pinanganak na babae, na may romantic o sexual attractions sa kapwa babae. So kung nagka-crush ka kay Marian Rivera at babae ka, hindi ka tomboy, maganda talaga si Marian, PERO, kung gusto mong makasama si Marian, ma-ikama, ibang usapan na iyan.
Sabi nila, kaya naging tomboy ang isang babae ay dahil mas mataas ang hormone level na panglalaki sa kanilang katawan. Hindi nila iyon kasalanan hindi ba? May ilang tomboy rin na kaya nagpakatomboy dahil takot na sa lalaki, naloko na sa lalaki, mga bigo sa opposite sex relationships.
On the other hand, may mga babaeng pumapatol sa tomboy dahil sa same reasons- takot ng maloko ng lalaki at mas gusto ang himas ng kapwa babae o gusto lang ng pera ng tomboy.
Kung ikaw ay napasok sa ganitong relasyon magbasa ka, heto ang ilang rules para sa inyong relasyon.
Una mong tandaan, maging nang nasa 'normal' na relasyon, na ang same sex relationship ay hindi tungkol sa gender. Hindi ito tungkol sa may lawit ka o may biyak kayo pareho, ang isa ay magiging 'lalaki' samantalang ang isa ang babae. Pantay sa relasyon. Normal kayong tao na na-inlove sa isa't isa. Simple as that, hindi mo kailangan ng mga sermon na 'Oi babae, ikaw ang lalaki dito kaya ikaw ang magtrabaho' or something like that. Nagsama kayo dahil mahal niyo ang bawat isa kaya gagawin ninyo ang lahat, para magwork ito.
Pangalawa, ang lesbian relationship ay hindi lamang tungkol sa sex. Sorry sa menor de edad, pero hipokrito tayo kung hindi niyo din inisip kung paano 'nagtatabi' ang nilalang na pareho ang biyak. Pero alalahanin natin na ang relasyon ay hindi lamang tungkol sa sex at hindi lang sa sex nabubuhay ang tao. Hindi kayo magjujugjugan habang buhay. Hindi naman kayo nangligaw para lang doon hindi ba? Kaya nagrerelasyon ang tao para sa self belongingness, hindi pleasure.
Pangatlo, Pinapalawak rin nila ang relasyon. tulad ng isang halaman, dinidiligan, inaalagaan, inaarawan para lumago. Seryosong relasyon ang lesbian rrelationship tulad ng iba.
Para mapanatili ang inyong relasyon, isa ito sa mga tips:
1. Be a good listener. Maraming nagsasabi na good listener daw sila pero mali. Hindi lahat ng nakikinig ay good listener. Pakinggan ang partner, sa kaniyang problema, sa kaniyang mga nararamdaman. Masarap sa pakiramdam na ang mahalagang tao sa iyong buhay ay nakikinig sa iyo. Kung kayo ay nag-aaway ay isa rin itong magandang paraan. Tuwing nag-aaway o hindi nagkakaintindihan, madalas nagsasalita tayo, salita ng salita na minsan, hindi na natin naiintindihan ang bawat isa. Tumigil ka muna, tapos pakinggan ang sinasabi niya. Baka pareho lamang kayo ng punto pero iba lang ang way ng pagsasalita niyo.
2. Keep your Promises. Lahat naman ng tao umiiyak kapag winasak natin ang ating pangako hindi ba? Kung pangako mo, magdadate kayo, gawin mo. Isipin mo na lamang na ang bawat pangakong hindi mo tinutupad ay tiwalang nasisira.
3. Be independent but attentive. Huwag masyadong clingy. Ako clingy akong girlfriend kaya guilty ako. Itigil natin ang pagiging pabebe, we need to take care of ourselves, but siguraduhin nating nariyan tayo kapag kailangan nila tayo. tumayo tayo sa ating mga paa. Maging malaya. Malakas taoyng mga babae.
4. Admit mistakes when we commit. Kung tayo ang mali, magsorry, kung hindi, magsorry rin. Mas mabuting magpakumbaba kesa masira ang relasyon hindi ba?
5. Alalahanin ang mga bagay na magaganda sa inyo. Paano kayo nagsimula? Ano ang theme song ninyo? Nakakatuwang isipin ang mga lumang bagay na inyong pinagdaanan. May period siya? Padalhan mo ng napkin na may note. o kaya naman ng theme song niyo. Iparamdam na mahalaga at espesyal siya sa iyong buhay.
6. Mangarap ng FUTURE. Wala raw future ang same sex relationship? Kapag hindi niyo sinunod ang tips ko, oo talaga. Pangarap niyong bilhin ang bahay ni Paris Hilton? Pagplanuhan ninyong dalawa. Kayong dalawa ang huhubog ng future.
7. Take care of your health. Oi ate! hindi porke same kayo ng nakikita, hindi mo na aalagaan ang skin. Alagaan ang sarili. Panatilihin ang sparks sa inyong dalawa. Taking care of yourself ay sign na gusto mo pa siyang makasama ng mas matagal.
8. Create Sexy Time. Take risk. Paliparin, defy gravity and enjoy.
9. Be honest and trustworthy. Huwag kang manloko ng partner. Hindi porke't mahal ka at alam mong mapapatawad ka ay ok lang na manloko. Huwag kang maglihim sa kaniya.
10. Give her space. Lahat ng tao gusto ng oras para sa kaniyang sarili. Ibigay iyon.