Unang Bahagi: #MakeUpTransformation

92 10 1
                                    

Marahil nagtataka kayo kung bakit unang bahagi ng unang bahagi ang parte ng artikulong ito. Ang unang bahagi ay tatalakay sa lahat ng umpisa nang pagmamahalan, lahat ng kabaliwan, kashungahan, kaligayahan, kalungkutan etc. Mas masaya kasing ipaalala ang mga bagay bagay kapag tayo ay nag-uumpisang magmahal. 

Kahapon, habang naglalakad ako pauwi galing office (Yes, office girl ako), kumain ako nang napakasarap na chicken pops. Sa mga nilalang na hindi po nakakaalam ng chicken pops, ito po ay balat nang manok na hiniwa nang maliit at binalot sa arina at kung anu ano pang mahika, saka prinito, deep fried po,saka itutuhog sa maliliit na barbeque sticks. May kakaibang trick din ang kanilang sauce na bumabagay sa lutong ng chicken pops. Tips: mas masarap yung chicken pops sa may palengke at park. Feeling ko nga branch or sister company nila ang isa't isa. But anyway, ipinopromote ko po ang chicken pops sa lugar na iyon pero hindi tungkol doon ang diskusyon na ito.

So bumalik uli tayo, nakipagkwentuhan muna ako sa katabing turu-turo stall na friend ko. (Para sa libreng palamig) Madami akong nakasabay na highschool students that time kasi labasan na rin ata. Ako ay namangha sa kanilang mga hitsura. Alam mo yung 1st year pa lamang may make- up na! Tinalo pa ako na kumikita bilang minimum wage earner na may pangbili ng kahit lipstick na Ever Bilena lipstick, hindi kering bumili.Hindi lamang iyon ang unang pagkakataon ko na makakita ako nang ganoong scenario. Pagbubukas ako ng facebook, flood sa newsfeed ko ang sari saring mukha nang ating mga minamahal na kabataan na ganoong umasta. 

Ilang buwan ang nakakaraan, sinubukan kong mag-isip kung humingi ng kuru- kuro sa ilang mga nilalang na nakakasalamuha ko sa totoong buhay. At ito ang aking nasaliksik:

Name: Sheng (not her real name, para din sa privacy niya)

Edad: 13

Me: Bakit unat na unat na ang buhok mo? Parang alambre..yung steel brush..

Sheng: Ate, uso po iyan. Nagparebond po kasi ako kelan lang para sa isang pageant, karamihan po nagpapaunat nang buhok kasi po para lalong gumanda. Try mo 'te! Pampaganda po iyon, para lalong madaming boys ang mabighani, saka dagdag self confidence po iyon.

Pangalawang sinurvey ko..

Name: Eve (not also her real name)

Edad: 14

Me: Tatambay ka lang dyan sa labasan ,bakit need mong magblush on?

Eve: Para maganda lalo <3 Makahanap ng fafa

Sa dalawang aking sinurvey, maari kong ma-generalize na they are doing that for either to find the 'right' guy or para gumanda. 

Malaking bagay sa ating buhay, babae man o lalaki ang self- confidence o tiwala sa sarili. Ito ay yung kahit may muta ka pa sa iyong mata, hindi ka pa naliligo, keri mong rumampa ala-Dyosa. Pero don't get me wrong, iba ang tiwala sa sarili sa kapal ng mukha. 

Ito ang pinagkaiba ng bawat isa:

Tiwala sa sarili versus kapal ng mukha

Lahat tayo ay hindi perpekto, maaring maganda ka, subalit kulang sa IQ o dukha ka. Maswerte ka kung maganda ka at may IQ at mayaman ka pa. So balik uli sa business, pinanganak kang sarat ang iyong ilong. Di naman ganun kasarat, pero yung kapag naglagay ka ng sunglass, nalalaglag. Bukod pa sa pagiging sarat, maitim ka kaysa sa karamihan. Hindi ka rin ganun kataasan. 

Tiwala yan sa sarili kapag kahit alam mong hindi ka ganun kaperpekto, minamahal mo ang sarili mo. Hindi ka nahihiya sa kulay, amoy, hitsura, estado sa buhay mo, basta alam mo na ikaw ay ikaw. Hindi ka nagmamayabang, hindi ka din naiinggit. Sabi nga ikh4w lh4ng sh4ph4t nu4h.

Sa kabilang banda, ang mga nilalang na makakapal ang mukha, sila yung mga taong pangit, wagas pa kung makalait. Ang mga katagang namumutawi sa kanilang labi ay kasing baho nang kanilang hininga. Kumbaga, wala silang ibang nakikitang maganda kundi sarili nila. Feeling nga nila mas maganda pa sila kay Marian Rivera at Angel Locsin combined. Ang self confidence nila ay umabot sa Proxima Centauri, bagaman pinakamalapit sa daigdig, next to the sun, milya milya at light years pa rin ang inaabot ng kaniyang confiedence in the negative way.

Katulad nang super powers ang hitsura natin comes with responsibilities. Responsibilidad nating umakto nang naayon sa hitsura. Ok lang naman maging confidence pero wag naman sosobra sa nararapat. Hindi tayo perpekto, kahit anong gamit nating ng Downy Parfum, mabaho pa rin ang utot natin.

Ako, mababa ang self- confidence ko. I remember noong Grade 4-6 ako, ang prayers ko noon, "LORD, Sana po matanggal na yung pimples ko at maging maganda na ako" No joke, Seryoso. Ngayon, natatawa na lang ako kapag naalala ko. Ang dami ko kasing insecurities sa katawan, like matangkad ako, ako ang unang dinapuan ng puberty sa klase, nakakatakot ang mata ko etc. Minsan nga tinatanong ako kung bakit daw ganun ang hitsura ko. I wonder naman kung bakit ganun ang kanilang tanong kasi sa paningin ko normal naman akong tao.

Hindi ako tumigil nang kakadasal hanggang lalong dumami ang tagiyawat ko, de joke, hanggang sa mapagod ako. TYpical teenager kasi din naman ako noon, naghahanap ng gwapo sa school, kalinga ba nang isang ala- Lee Donghae na nilalang. Nagfocus ako noon sa pagpapatalino, since may aim ako na pabagsakin lahat nang kaklase ko- I'm so rude. Kaya hindi ko na rin napansin kung natupad ba yung prayers ko. Syempre naiinggit din ako sa mga kaklase ko na may mga sumusundo etc. 

Na-pressure lang ako na lumandi noon 3rd year college na ako, AS In, pressure, mas nakaka-pressure pa sa qualifying board exam ng course ko. Sakto may isang nilalang na nagtext- kinuha daw niya ang number ko sa isang nilalang na illegal na kinuha ang number ko sa kaibigan ko. Text sa umaga, tanghali, gabi, madaling- araw, Sabado at Linggo ang peg namin dalawa. Dumating ang puntong nais na namin magpakilala ng personal. AYIEEE! Kinilig nang bongga ang ex-BFF ko nang mga panahong iyon. Sa wakas, magkakajowa na daw ako. 

Upang magka-legit na jowa, kelangan mo daw ang mga sumusunod:

1. Maging maganda, kapag hindi ka maganda proceed to no.2, kung maganda ka naman, CONGRATULATIONS! 100% ang chance mo na magka-boyfriend ka. Wala ka nang gagawin kundi kumain, matulog at tamasahin ang iyong kagandahan.

2. Isa sa mga bagay na dapat tandaan ay maging maganda, Una, dapat laging nagsusuklay, ang buhok daw ay crowning glory so need maging maganda. Nauso ang kulot noon pero, naging impression ko na kapag nagpakulot ka that means break na kayo ng boyfriend mo so mag-ingat ka. Rebond na lang daw at kung di kaya ng budget ang mamahaling David's Salon, magtyaga sa mga nasa tabi tabing salon but beware, baka maging kasing tigas ng steel brush ang hair niyo.  

Pumili din daw nang angkop na lipstick at make up- hindi ko ito natutunan, kelangan daw maging presentable pero mag- ingat uli baka magmukhang inembalsamo. Manood sa Youtube ng make up tutorials.

Laging ngumiti. Dahil ang pagngiti ay nakakaganda. Sabi ng teacher ko, ang best daw na ngiti, ilagay mo yung tongue mo sa palate mo then smile.

Natutuo din akong magpabango ng bambini noon, magpowder every one hour etc.

Kapag hindi tumalab ang abovr tips ni author, gumamit ka na lang ng retrica o camera 360 pero ako, stick to Muzy.com. I-adjust ang contrast, konting puti, Viola! Kasing puti ka na ni Marian Rivera.

So bumalik tayo sa kwento ko, nagkita kami sa labas ng simbahan. Ito ang aking first eyeball whatever. Kinakabahan ako, kasi yun ang first time ko na makipagkita sa other guy. As in hiyang hiya ako, I'm just wearing our org tshirt tas naka-short, pero nakabambini naman ako that time. Sa picture ang gwapo gwapo niya. Hindi ko alam kung anong uri ng photoshop ang kaniyang ginamit. 

Super tahimik niya. Tapos after 15 minutes need na namin umalis kasi may school pa ako noon.

Super conscious ako kung nagandahan ba siya sa akin or what. Tapos hinintay ko siya magtext. Una ok naman, pero hanggang sa pawala nang pawala. Tinawagan ko pa siya noon para itanong kung anong nangyayari, sabi niya wala naman daw.

Naparanoid ako at inisip ko na napangitan siya sa akin na naging dahilan kaya hanggang ngayon, hindi ako nakikipagkita sa ibang lalaki.

Naka-get over naman na ako sa kaniya. siya ang aking first MU. 

Lesson Learned: Sa susunod na magtetext nang pang-iinsulto sa kadate, mag- ingat na baka ma-wrong send sa kaniya. Gets?

BAKIT BAKLA ANG EX- BOYFRIEND MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon