I've decided to discuss sa ikalawang Bahagi ang mga sitwasyon ng isang relasyon. Ang unahin ko ay yung very much familiar ako since napagdadaanan ni Author. May hugot ako dito mga bading! So talakayin na natin, hindi na ako magpapatumpik tumpik pa.
Ano ba ang Long Distance Relationship? Charaught!
Ipapang-MMK ko kaya ito, naisnpire kasi ako dun kay Miles Ocampo noong nakaraan, yung about sa moving on.
Dear Ate Charo,
Masugid ninyo akong tagasubaybay, ako nga po pala si Blatilde, dalawampu't tatlong taong gulang na. Tapos na po ako nang aking kolehiyo at sa kasalukuyan ay nagtratrabaho sa isang maliit na kooperatiba sa aming bayan.
(Insert scene here)
Simple lamang ang aming pamilya ang aking ama ay nagtratrabaho sa lugar kung saan may ebola at ang aking ina ay nagtratrabaho na manager ng aming bahay.
(insert scene here)
Ang kwento ko po ngayon ay tungkol sa aking pag- ibig.
(insert love song here, mellow lang)
Nagkakilala kami ng boyfriend ko sa school ko noong college, samakatuwid, magkaklase kami ng First Year, Isang sem lamang, mga isang taon pa lamang ang nakakaraan. Itago natin siya sa pangalang Umberto. Nagmula sa Cavite si Umberto subalit taga- *toot* (insert my province here) ang kaniyang ina. Lumaki din siya sa lugar namin kaya mahusay siya sa aming lingua franca.
Naalala ko, hindi ko siya madalas mapansin sapagkat hindi siya masyadong maingay noon. Tinanong ko ang kaniyang pangalan kasi normal na madaldal ako. Hindi niya sinabi ang kaniyang pangalan saka tumalikod. Ang Bastos Ate CHaro!
Nang malaunan naging malapit kami nang maging magkaklase kami sa NSTP. Masasabi kong normal lamang ang aming samahan nang biglang...
Napanaginipan ko siyang magiging magkasintahan daw kami. Tutol ang aking isipan ng mga panahong iyon sapagkat masyado pa akong bata at ang pagnonobyo ay makakahadlang lamang sa aking panonood ng mga anime.
Hindi rin kami bagay sa hitsura, malaking bulas ako samantalang payat at maliit siya. Hindi ko nais noon ang magjowa ng malayo.
Mula ng gabing iyon, masusi ko na siyang pinagmamasdan. Lahat ng kilos niya sinasalungat ko para maiwasan na magkalapit kami. Pero iyon pala ang magiging dahilan para higit kaming magkalapit.
---may konting scene akong ibibigay. wag nga kayo! kinikilig ako hihihih Inosente si boypren dito baka tawanan ako nun ai, chinichismis ko ang labsturi namin.
Him: Nanood ka ng exorcism of Emily Rose?
Me: OO sa tv5
Him: Insert the demon speech here
Me: TANG INA PRE! Wag ganun baka habulin ako ng multo
Him: Kamukha ka ni Emily Rose! HAHAHA ikaw na si Mortal Enemy Emily Rose!
---
Di ba ang sweet? Mula noon, ako na si Emily Rose sa kaniyang paningin. Nakakatakot, at nakakaasar. OO Mam Charo,mahilig kaming mag-asaran noong mga panahong iyon. Araw araw niya ako kinukulit nang kung anu ano.
Madalas na siyang lumiban sa klase, yoon pala, naglalaro siya ng Dota. Isang laro sa computer na kung hindi mo alam i-google mo na lamang.
Natapos ang isang semestre na hindi kami naging magshota, maligaya na ako noon at kampante. Nag- usap kami na sabay kaming magpapaenroll sa sunod na sem, subalit hindi na siya bumalik. Nagtransfer pala siya sa Cavite.
Bagaman malayo nagpatuloy pa rin ang aming pag-aasaran. Naging madalas ang aming pagtetexan hanggang sa ikatlong taon sa kolehiyo. Madalas na rin kaming tampulan noon ng tukso dahil lahat ng kaklase ko, napapansin ang pagigi naming malapit.