Unang Bahagi: Sukatan ng....

155 11 2
                                    

Naranasan na ba ninyo aking mambabasa ang mag-FLAMES?

Ako, OO naadik ako noon... punung puno ang aking notebook sa kung anu anong pangalan na nilalagay ko.

Lalo na kapag nagtuturo ng teacher ng Values Education, di ba?

Sa mga hindi nakakaalam ng FLAMES, sa inyong kaalaman, ang FLAMES ay isang nakakaaliw na laro. Ito ay kung saan susukatin mo ang pagmamahalan ng dalawang nilalang gamit ang kanilang pangalan. Hindi lang nito sumusukat ng pagmamahalan kundi malalaman din nito kung ano ang kahinatnan ng inyong pagmamahalan, Grade 4 ako nang malaman ko ang misteryo ng FLAMES at noon din, ako ay naakit nang kakaibang larong ito.

Ang mga letra ng FLAMES ay sumisimbolo ng kung anu- anong status sa buhay ng pagmamahal. Ito ay isang masusing pagtuturo kaya makinig kayo. Brace yourself for another learning in life.

F ibig sabihin Friends. Maaring included dito yung mga na-friendzone, hindi na pwede kaya- let's be friends na lang, tutol si parents kaya let's be friends na lang, busy ako kaya let's be friends at kung anu anong let's be friends ang lahat ng dialogue.

Para sa mura kong kaisipan noon, ito ang umpisa nang lahat ng magagandang bagay at maari ring katapusan ng ilang pangarap. Ilang pangalan din na ginamitan ko ng larong ito versus my name ang lumabas na FRIENDS. Noon, masaya na ako nang Friends, pero Friends lang naman. Ibig sabihin hanggang doon lang. Wala nang level up. Ilang names ang ginamitan ko nang mahikang ito, (BABALA: SIKRETO ANG MGA BAGAY NA ITO) ito ay sina Yanagiba Kazuya, Peter Pan etc. Pero ang aking pinagtataka, wala sinuman ang naging kaibigan ko sa mga nilalang na ito.

Let's proceed.

L means love. Madaming kinikilig kapag ito ang nakuha. Ibig sabihin nito, love ang katapusan ng  inyong struggle sa mundong ibabaw, magiging maligaya kayo sa inyong pagmamahalan. Ito daw ang pinakamaswerteng part nang larong ito. 

Sa aking pananaw, implied meaning nito ay magiging jowa kayo. Palakpakan! After ninyong maging magkaibigan, magbunyi, hindi ka na-friendzone! Maari ka nang maging kampante sapagkat ilang araw mula ngayon, liligawan ka niya. At magiging maligaya kayo habang buhay. Ilan sa mga pangalan na nagamitan ko nang ganitong laro ay hindi ko man lamang naging kaibigan o ni hindi ko man lang nakausap sa totoong buhay.

A, angry, galit, break up, hatred...

Ito daw yung maghihiwalay kayo o magkakaaway. When loves turn into hatred. Madaming may ayaw dito, kumbaga ito ang whammy ng game. Matapos ninyong maging magkaibigan, nagmahalan, ito ay mauuwe lamang sa hiwalayan. niiwasan ito nang lahat. Kapag ganito ang resulta ng laro, dinadagdag ko pa na ang middle name upang maiwasan ang phenomenon na ito. Nakakatakot ang resultang ito sapagkat nangangahulugan lamang itong wag ka nang umasa. Ilan sa mga nilalang na ginamitan ko dito ay hindi ko naman nakaaway pero hindi ko rin naman naging jowa. PEro yung jowa ko na mangloloko at pumatol sa piglet (di ako bitter) hindi A ang ending namin sa FLAMES, pero galit na galit pa rin ako sa kaniya.

M ay nangangahulugang Marriage, isa pa ring misteryo sa aking isipan kung Married o Marriage ang meaning ng M. Pero either way, i-message niyo ako kung ano ang tamang usage ng word na ito. so obviously, this is kasalan. After ninyong maging magkaibigan at magka-ibigan, nag-away kayo subalit nangibabaw ang inyong pagmamahalan at nauwi sa kasalan. Ang isa sa pangalan na nakakuha nang ganitong resulta ay isang kamag- aral na ngayon ay bakla na. Flinames ko siya sapagkat napanaginipan ko na magiging kami, pero hanggang ngayon, wala pa ring sintomas ng pagpapakasal, pero maari din naman na siya ang magiging make- up artist kapag kinasal ako.

E for Engaged. Ewan ko din kung past tense ang gagamitin, basta ang alam ko yan ay yung dapat before marriage. Safe ang result na ito, pero nagtataka pa rin ako, bakit nauna ang marriage sa engage, di ba dapat ma-engage muna bago magkasalan? Kung nagkataon FLAEMS dapat! Saka noon hindi ko alam ang kahalagahan ng Engage, hanggang sa maalala ko si Dingdong at Marian kelan lang. 

S ay sweet. Ito sweet. Para sa akin 50% ito at ito ay dapat nasa gitna ng FLAMES, kasi maaring sweet kayo for the rest of your life or sweet kayo pero hanggang dun na lamang din. Maaring mauwi ito sa pagiging abangers mo o ma-friendzone. Wala akong masabi sa resulta na ito, kaya inyonfg ipagpaumanhin.

Ngayon ay nalaman na ninyo kung ano ang kahulugan ng bawat letra, simulan natin ang mechanics nang laro. 

step No. 1, Humanap ka nang iyong kapartner (kung ito sa iyong sarili) o yung crush mo na nais mong hulaan. Isa lamang ang nararapat sapagkat ito ay para sa mga hindi salawahan.

Step No.2 Kumuha ka nang malinis na papel na malaki, (malaki sapagkat nakakaadik ang larong ito at kapag siniumlan, hindi na mapipigilan). Ilagay sa itaas FLAMES. Gitna dapat. Sa ilalim noon, ilagay ang inyong pangalan o dalawang pares na nais hulaan. Kahit anong order nang pagkakasunod sunod maari. Basta sinsero tayo sa ating gagawin. Kasama ang apelyido.

Step No. 3, Hanapin ang mga parehong letra. Lagyan ng ganito '/' kada letra, bawal ang pahalang o patayo dapat pa-diagonal lamang.

Illustrations:

                                                                                FLAMES

Ryunusuke Kamiki

(*insert my real name here*)

Pareho kaming may A, R, U, M, I,E, ..ang resulta ay A o angry

kung hindi niyo nais ang resulta, ilagay na natin ang middle name natin para ma-cover ang N niya, saka dagdag points din yun. 

Step No. 4, Bilangin ang mga magkakaparehong letra. Ilagay ito sa tabi ng pangalan. gawin sa parehong pangalan.

Step No. 5, pag- addin. Para malaman ang kaniyang status, kuhain ang numero at magbilang. simulan ito sa F patungong S, tapos ay balik uli sa F. kay Kamiki ay nakakuha siya ng E, ibig sabihin, nais niya akong asawahin.

Ulitin ito sa kaparehas, Pagkatapos ay pag-addin uli. Ulitin ang step 5. At Viola! Alam mo na ang status mo.

Tips ng expert: Kung alam mo na ang resulta at hindi mo nais ang iyong kinalabasan. Maari kang umulit, sa pagbibilang mula sa F hanggang S ang isunod ay E.

Illustrations:

F-L-A-M-E-S-E-M-A-L-F

katulad niyan.Sa ganiyang technique, may chance nang maging Married ang kahinatnan ng inyong relasyon.

---

nakakaaliw hindi ba?

Marami pang technique upang masukat ang inyong pagmamahalan (may love percentage etc.) subalit paano kung ang ngalan mo ay kasing haba ng nabasa ko sa Rappler kelan lang (may 40 first names). Habang tumatanda ako noon, narealize ko na hindi totoo ang mga bagay bagay na ito, sapagkat ang pangalan ay likha ng tao. Nasa discretion nang tao kung ano ang ipapangalan, ang Diyos ang may gawa nang pag- ibig, unexpected ang mga bagay- bagay katulad nang pag- ibig, hindi ito masusukat. 

Ang pag- ibig ay hindi masusukat base sa pagkakapareha ng inyong pangalan. Masayang hulaan ang magiging kahinatnan nang ating crush. Kung magkakatuluyan kayo o hindi. 

Pero sa ngayon Married ang result namin ni Kamiki, Paktay ako nito kay jowa. De joke lang, Ang FLAMES at iba pa ay panglibangan lamang kaya huwag masyadong umasa.

BAKIT BAKLA ANG EX- BOYFRIEND MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon