Ikalawang Bahagi: Eow phowhszx L0v3rs

35 8 2
                                    

Mag-uupdate na ako. Masyado akong natuwa sa mga nagbabasa ng artikulong ito. Megesh! Jujujubelles..

Kanina habang ako ay matiwasay na nag-fafacebook at nag-uupdate ng stories ko. Isang nilalang ng lupa ang nagmessage sa akin, ganito ang naging usapan, (Copy + Paste ng actual na usapan subalit bilang respeto sa kaniyang pagkatao, itago natin siya sa pangalan, bh0szxc m4p4qm4h4l)

BM (masyadong maeffort ang kaniyang jejename) : e0w

Sa mga hindi nakakaalam ng bagong lengwahe na ito, ito ay pangngalang pangbalana na ginagamit sa mga tao o grupo ng tao na may kakaibang spelling sa hello, gumagamit sila ng kakaibang code na may alphanumeric na kasing hirap intindihin katulad ng mga code sa computers)

Me; yo

BM: t4q4 sx4n phf0w k4u

Me: Planetang daigdig

BM: pw3d3 phf0w m4nql1q4w?

Me: Ayaw

(BLOCKED)

--

Nabiktima, este napadpad na ba kayo sa sitwasyon na kung saan na-inlove kayo sa ka-text, ka-tweet, ka-fb niyo?

Uso yan ngayon.

Kung ikaw ay nasa sitwasyon ngayon na ganun, tara usap tayo. 

Kung ikaw ay patungo pa lang sa sitwasyon na iyon, sama ka na rin

Kung ikaw ay hindi pa nakakaranas ng ganitong bagay-bagay, paki-usap basahin mo pa rin

Simulan natin sa 'patungo pa lang stage'.

Isang normal na araw biglang may nagtext sa iyo. It's usually goes this way:

1. Naghahanap ng ka-text, nakuha ang number mo sa bente, sa bus, sa CR, sa dyaryo, sa pader etc.

2. Binigay ng kaibigan ng kaibigan ng inaanak ng pinsan ng mama ng tiyuhin mo.

3. Ang pinakapopular, chinambahan lamang. 

4. Ito ang pinaka-weird, na wrong send tapos makikipagtext na

Either way, magtetext siya sa iyo, nag-umpisa kayo sa simpleng pagpapakilala hanggang sa dumaan ang araw na maging oras ng kaniyang pagtae alam mo na. Ang una niyong tawagan, P're, Friend hanggang maging Best Friend sa loob ng ilang araw, kasi sabi mo pareho kayong mahilig sa isaw at kwek kwek. 

Take note, hindi pa kayo nagkikita, tanging facebook photo lamang niya na inedit sa muzy ang iyong basehan ng hitsura. Ganun din siya sa iyo. Mula sa dati'y pasulpot sulpot na load, ngayon ay naka-unli call and text ka na araw araw sapagkat sabi mo nga 'I can't live without a single text from him'

After ilang week, na-inlove ka na sa kaniya, kasi maliban sa pareho kayong mahilig sa kwek kwek, nasa kaniya ang mga type mo sa lalaki. May sense of humor, marunong maggitara, marunong kumanta, marunong magbasketball, mabait, sweet at kung anu ano pang character na nalaman mo sa pamamagitan ng pagtetext.

Bigla niyang tinanung ang mahiwagang tanong- kung pwede daw bang manligaw? KInilig ka naman kaya nasagot mo 'OO'. Tiningnan ninyo ang kalendaryo. Opps, Otso forever ang monthsary, so a new breed of Long Distance Relationship was formed from being a textmate.

---

Nakakakilig ang uri ng relasyon na ito, Bakit? Kasi isa ito sa mga patunay na tunay ang Destiny. Imagine, milyun - milyon ang tao sa mundo tapos may nakilala  kang kapareho mo ng ugali, tanggap ka kahit di ka pa nakikita. Marami ang nagtatagumpay sa pag-iibigan na ito pero mas marami ang hindi. Papaliwanag ko kung bakit.

Benefits ng lovers thru text

1. Hindi ka mabubuntis. Hindi masesend thru text at email ang sperm cell.

2. Tiwala, matututunan ninyo yan

3.Kikiligin ka ng bonggang bongga sapagkat maniniwala ka sa destiny.

Wala na akong maisip kasi sa totoong buhay, hindi ako masyadong pabor sa ganitong uri ng pag-ebeg, Narito ang mga disadvantages.

Disadvantages

1. Pwede iba mabuntis

2. Hindi man kayo nagdadate, magastos sa load

3. Hindi mo masisigurado ang tunay na pagkatao ng tao

Noon may nakilala akong tao, itago natin sa pangalan Boy Textmate. Nakilala ko siya sa pamamagitan ng cellphone. Disiotso pa lamang ako noon at nasa kainitan ng kaadikan sa cellphone. Same procedure from above- yan talaga ang aking naisip at naging inspirasyon. 

To cut the story naging kami, taga dito sila sa amin pero nasa Manila siya noong panahon ngayon pero ngayon may asawa na. Anyare kasi... Dati masugid siya magtext hanggang sa pawala na ng pawala. Hanggang sa mawala na ng tuluyan...

Hinanap ko siya subalit sabi ng ilan niyang pamangkin, nag-asawa na daw siya. Masaklap naman kasi kala ko Sparks na. Pero ok lang naman kasi masaya na ako kay boypren. Ang isa pang masakit kasi nag-out ako ng money. Yes. I'll be honest sa readers. Medyo hindi kasi maganda ang status niya sa buhay that time, wala siyang permanent source of income kaya bihira lang magtext, madali akong magtiwala sa tao to be honest. So kapag may extra money ako, pinaloloadan ko siya, Nakakahiya mang aminin ang kabaliwan na iyon. Nagtagal ang aming lokohan sa 8 months at natapos sa sentence na 'makakahanap ka ng guy na mas higit pa sa akin'. Yes bakla din siya,

Mahirap magtiwala sa tao na kakakilala mo pa lang, kung yun akin nga nasa isang town na lamang kami tapos ganun pa, how much more pa kung sa malayo di ba? Para kang gumuguhit ng mukha na base lamang sa paglalarawan pero hindi mo alam kung ito ba ay totoo o hindi, 

Magsaliksik ka muna, magmatyag, makialam, mas maganda na kilalanin mo siya ng personal. Ang isa sa mali ko, nagtiwala ako nang hindi ko man lang kinikilala sa personal. Pinagbasehan ko lamang ang reports ng mga common friends namin pero hindi yun sapat. 

Ang best na pagpapakilala pa rin ay sa bahay ng babae- hindi sa kwarto aa. Maaring too old na ang ganitong trasdisyon sa ngayon pero naniniwala ako na kapag ang lalak may K na pumunta sa bahay niyo at magpakilala sa ama o sa ina, he's the one. Bihira lang kasi ang lalaki na maglalakas loob na ipakilala ka o magpakilala sa mga magulang ng bawat isa. 

Wala na akong masabi kaya tatapusin ko na ito. Tapos na

BAKIT BAKLA ANG EX- BOYFRIEND MO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon