Bakit Bakla ang Ex- Boyfriend mo? ang title nito. Bakit hindi na lamang Diary ng maganda o kaya Nerd Attack o kaya RIP Ex boyfriend o kaya My Diary while Dating the Gangster?
Sa totoo lang, naisipan ng author na isulat ito habang patulog kagabi at umiiral na naman ang aking dugong makabayan. And I quote ' Bakit hindi kaya ako sumulat nang isang makabagbag damdaming non-fiction na tatalakay sa napapanahong isyu ng lipunan.' Kaya sa halip na ang hinaing ko kay Palparan at madugong Mamasapano massacre ang isulat, ang hinaing ng mga babaeng iniwan ng ex- boyfriend ang aking naisipan. BAKIT? Kasing init ng national issue ang usaping pag- ibig. Sabi nga love is a universal thing. Noong si Kris Aquino, makipag-date kay Derek di ba naging headline siya ng TV Patrol at 24 oras pati yung News and Current affair ng TV5? Noong kamakailanlang, umamin si Mommy D na may honey na siya, di ba headline din nang kung ano anung tabloid katabi ng mga sexyng larawan ni Marian na engaged na kay Dingdong after 5 years at ilang buwan pa lamang ay buntis na, at isang malaking isyu ngayon ng mga mahadera sa parlor kung sino ang kamukha ng baby. Sigurado ako, sikat na naman ang poll question sa tatlong malalaking radio stations.
Hindi halatang chismosa si author noh? Pero seryoso, ang pag-ibig ang dahilan ng lahat ng bagay. Bakit nagrarally ang mga tao sa may Malacañang? Dahil sa pag- ibig sa bayan at 'MAHAL' na presyo ng bawang, sibuyas, bigas at krudo. Corny? ok, Hindi kasi ako magaling magpatawa.
Pag- ibig comes in every form- solid, liquid or gas. de joke lang. Maraming uri ng pagmamahal- pagmamahal sa sarili, magulang, cup noodles, anime, syota etc. It is a genuine topic.
So kung love ang topic sa article na ito, Bakit 'Bakit Bakla ang Ex boyfriend ko ang title nito?
This article will not only comprise love issues but merely focus on the bitterness after heartbreak. Heartbreak di lang naman necessary na nabasted ka, iniwan ka ni bf sa hipon etc. Pwedeng hindi mo nakuha ang iyong pangarap o naghiwalay si parents mo.
This aimed also to help everyone coping in specific situation.
Bakit Bakla ang ex boyfriend mo? is an expression of a bitter girl who suffered heartbreak. When we feel pain, commonly, iniisip natin ang lahat ng masama sa kanila, kung pwedeng ipako sa krus at ipakain sa buwaya.
This article doesn't degrade the third gender, for the author 'bakla' is deeper than what it usually means. Bakla commonly are the terms for bayot, bading... Noon pag sinabing bakla, ang unang iniisip ko it's either Super Sireyna, I am Pogay o Suffer Sireyna. But after deep thought, i changed my perception.
According to Wikipedia, Gay is a term that primarily refers to a homosexual person or the trait of being homosexual..
But sometimes having a penis and acting like a men doesn't signify that you are a man.