Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng makilala ko si Eugene Valdes o Yu dahil kay Shane at masasabi kong may pagkakapareho talaga ang ugali ni Yu sa Kuya Yu ko nuong bata pa ako. Hindi ko magawang tanungin siya about sa childhood na meron siya dahil nahihiya ako. Paano nalang kung tama ang hinala ko na siya nga talaga si Kuya Yu nuon?
May magagawa ba ako para maibalik ang dati naming pagkakaibigan ng walang halong malisya sa mga nagawa niya sa akin nuon? Sa mha ginawa naming dalawa na magkasama?
Recently din, masyadong naging busy si Max sa mga gawain sa university kaya hindi ko siya nakikita sa school grounds para man lang mabati at makapagpasalamat sa pagbibigay niya sa akin ng trabaho kasi kung hindi dahil sa binigay niyang flyer, ewan kung nagaaral pa ako dito at may apartment na uuwian.
Things are going well on my way thou may mga weird akong napapansin tuwing papasok ako ng school o pauwi ako ng bahay galing sa part-time job ko. Alam mo yung feeling na para bang may sumusunod sa'yo pero everytime na lilingunin mo ito ay wala ka namang makikita na kahit na sino? Sabi sa akin ni Shane ay baka paranoid lang ako dahil sa mga naging balita nuon about sa stalker na pumapatay ng mga estudyanteng lalaki o binabae na eventually ay tumigil na last two months ago pa.
"Lalabas ulit kayo?" tanong ni Shane sa akin habang inaayos ang gamit niya. Uwian na kasi namin at sabay kaming maglalakad palabas ng gate. May sundo kasi siya samantalang ako, ang sundo ko ay si Yu. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ba ako or what kasi first time kong ma-experience na may susundo sa akin.
"Hindi. Ihahatid lang daw niya ako kasi may pupuntahan pa siyang meeting."
"Ay sayang pero atleast! May moment kayong dalawa." kinikilig niyang sabi sabay hampas sa braso ko.
"S-sira!" nahihiyang kong sabi at naglayo ng tingin. Pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko.
"Pero na-confirm mo na ba kung siya talaga yung Yu na kilala mo from your past?"
Umiling ako at napabuntung-hininga siya.
"Gaga ito! Dapat i-confirm mo na para magkaalaman at magkalinawan na. Paano kung hindi siya yung Yu na kilala mo? Sayang naman yung binuo ninyo together kung hindi magiging kayo."
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga. Tama siya.
Paano kung kaya lang ako sumasama sa kanya this past few months ay dahil iniisip kong siya talaga si Yu na naging kaibigan at palihim kong minahal kahit na puro kasalanan ang nagawa ko kasama siya?
"Sige. Mamaya babalitaan kita. Tatanungin ko na siya before siya pumunta sa meeting niya."
"Ayan! Ganyan dapat."
Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin si Max na nakasuot ng faded jean at white gray shirt.
"Max!" bati namin ni Shane sa kanya.
Ngumiti siya sa amin at sabay na ipinatong ang kamay niya sa ulo namin at marahang ginulo iyon. Wala siyang sinabi na kahit na ano pero bago siya umalis ay napansin ko ang kakaibang tingin sa kanyang mga mata.
"Okay lang kaya si Max?" nagaalalang tanong ni Shane.
Nagkibit-balikat ako at napabuntung-hininga nalang si Shane at inangkla ang braso niya sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad.
May nangyari kaya kay Max?
Parang nagdilang-anghel naman si Shane ng bigla itong magkwento about kay Max.
"Sa atin lang ito ha?" halos pabulong niya ng sabi at lumingon muna sa paligid bago magpatuloy sa pagsasalita.
"Para namang maipagkakalat ko di ba?" sarcastic kong biro sa kanya.
BINABASA MO ANG
A BEAST IN DISGUISE (BL)
Детектив / ТриллерABID is an abbreviation for A Beast In Disguise. However, it can also mean as the one who worships or a slave. "Eh? You're asking me, why? You should already know the answer to that question, baby." Date Created: November 26, 2018 Date Published: J...