A BEAST IN DISGUISE VII

3.1K 120 2
                                    

"Iden!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa likuran ko at paglingon ko ay ang kaklase kong si Shane ang bumungad sa akin na agad akong niyakap. Actually, siya ang madalas kong malapitan dito sa school lalo na kapag may mga activities. Hindi siya mayaman pero nasa middle class ang pamilyang pinanggalingan niya. Never ko siyang tinawag na kaibigan ko thou iyon naman kahit papaano ang tingin ko sa kanya at ng ibang tao towards us.

"Ikaw lang pala akala ko kung sino na." tumalikod na ako at nagsimula ulit maglakad papunta sa klase namin.

"Ay wow. Ang taray ha! Anyare sa'yo bakla at hindi ka nagpapapasok?" tanong niya at sumabay sa akin sa paglalakad.

"Wala naman." alangan namang sabihin ko sa kanya na muntik na akong mapag samantalahan? Ano nalang ang magiging reaksyon at tingin niya sa akin kapag sinabi ko iyan di ba? Baka lumayo siya sa akin eh siya na nga nalang itong kayang i-handle ang pagiging aloof ko sa ibang tao bukod kay Max.

"Okay. Basta tandaan mo kapag kailangan mo ng makakausap, I'm here." tinapik niya ang balikat ko at nag pogi sign. Hindi ko napigilan na mapangiti sa ginawa niya kasi mukha siyang tomboy thou alam kong babaeng tunay siya at nung kailan lang ay iniyakan niya yung crush niya na nagka girlfriend na ng makita niya ang post nito sa social media. OA di ba? Hahaha! Pero kasi given naman na dahil long time crush niya iyon. Hahaha!

"Mauna ka na Shane. Dadaanan ko pa si Max sa office niya."

"Ay weh? Kahit wag na. Malalaman niya ng pumasok ka eh."

"Huh? Paano mo nasabi?"

Pinakita niya sa akin ang hawak niyang cellphone na may naka rehistro sa screen na picture naming dalawa na pinost niya sa social media account niya. Ngayon lang kuha iyon. Siya lang ang nakatingin sa camera habang ako naman ay naka side view na halatang candid photo ko kasama siya na may caption na: Reunited. Sira talaga 'to!

"Tigilan mo nga iyang pangca candid mo." sermon sa kanya. Hindi kasi ako kumportable sa ginawa niya. Ang creepy niya for me.

"Sus. Ito naman. Famous 'te? Anyway, ayun nga. Hindi mo na kailangan pang pumunta sa kanya dahil he will know na pumasok ka na today at thanks to me na makikita niya ito dahil FYI! Lahat yata ng estudyante dito ay friends niya sa account niya. Jusko! Tatalunin niya pa ang mga taga guidance office dahil mas mabilis niyang nalalaman ang mga personal issues ng mga nandito." natatawa niyang saad at umakbay sa akin.

Walang issue sa akin ang ginawa niyang pag akbay dahil alam naman niyang binabae ako at alam ko rin naman na hindi niya ako gusto.

"Kasalanan din kasi ng mga estudyanteng nagpo post sa social media kung bakit niya nalalaman. Kung ako sa kanila ay sasarilinin ko nalang."

"Kung ako din sa iyo ay magpapaalam muna ako bago ako umabsent ng isang linggo." singit ng taong tumabi sa akin. Sabay kaming napatingin ni Shane sa kanya.

"Max!" bati namin.

Ngumiti siya at kinawayan ang ibang estudyante na nakaka salubong namin. Siya lang yata itong may awra na okay sa lahat ng makaka halo-bilo niya dahil sa pagiging masiyahin niya at saka nasabi ko na bang ayaw niyang tinatawag siya ng Sir or Mister? Ewan kung bakit pero mas preferred niya ang Max.

"Sorry talaga Max kung hindi ako nakapagsabi." paumanhin ko at ginulo niya ang buhok ko at inabutan ako ng isa sa mga flyers na hawak niya.

"Mag tingin ka d'yan ng pasok sa schedule mo para hindi ka na umabsent ulit okay? Sige, maiwan ko na kayo at mag ingat kayong dalawa." pagka alis niya ay tinignan ko ang inabot niyang papel at laking gulat ko na about ito para sa mga open na part time jobs.

Siguro inisip ni Max na kaya ako hindi nakapasok ay dahil tinanggal ako sa trabaho.

"Alam mo ang swerte ng magiging asawa niyang si Max." nakangiting sabi ni Shane.

"Itigil mo nga iyang pagpapantasya mo kay Max. Hindi bagay." nasabi ko na ba sa inyo na bukod sa mabait at mayaman si Max ay gwapo din siya? Kaya nga, di nakapagtatakang gamitin niya iyon for marketing strategy para mas maraming estudyante na dito mag aral.

"Hahaha! Bakit selos ka?" napahilamos ako ng mukha ko sa sinabi niya. Buti nalang walang nakarinig sa kanya.

"Minsan talaga naiisip ko na mas magandang walang kumakausap sa akin."

"Ako naman minsan naiisip ko kung paano kaya magalit si Max."

"Huh?"

"Kasi di ba? Sabi nila, yung mga ganyan kababait na tao nakakatakot kapag nagalit. Pero wag tayong magalala kasi never siyang magagalit sa atin dahil mahaba ang pasensya niya sa mga estudyante niya and speaking of estudyante, nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?" galing talaga nitong magpasok ng susunod na topic para lang may mapag usapan kami at hindi ako matahimik.

"Yung lalaking estudyante na pinatay."

"Hindi eh. So? Anong meron? Hinoldap tapos pinatay?"

"Gaga! Hindi! Ang kumakalat na bali-balita ay may stalker daw yung lalaki tapos ayun, pinatay siya. Hindi pa nga malinaw ang dahilan kung bakit."

"Baka naman may sayad sa utak yung stalker niya o baka naka drugs at pinagtripan siya?"

"Baka? Eh basta. Better be safe at gaya ng sinabi ni Max kanina ay mag ingat tayong dalawa. Iba na talaga panahon ngayon."

Nang makarating kami sa klase namin ay hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa estudyanteng pinatay na kinwento sa akin ni Shane. Hindi ko alam pero ang weird ng stalker niya para patayin siya. Positive akong naka drugs iyon.

Hayaan na nga. Mas marami pang bagay na kailangang alalahanin kesa duon. Kailangan ko pang maghanap ng bagong part time job para matustusan ko ang pangangailangan ko.

Napatingin ako sa labas ng bintana habang nakaupo ako sa classroom ng may mapansin akong itim na nakahood na lalaki sa labas ng gate na kumaway sa akin. Bigla akong kinabahan sa ginawa niya kaya nagpunta ako ng cr ng wala sa oras.

Shit. Ano iyon?

Bigla kong naalala yung kinwento ni Shane sa akin kanina kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makapasok ako sa isa sa mga open na cubicle.

------------------------------------------------------

A|N:

Posted: January 27, 2019 at 4:21 AM

Tara kain po tayo ng Calbee Potato Chips.

'Til next update! Stay awake and aware!

A BEAST IN DISGUISE (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon