A BEAST IN DISGUISE VIII

2.9K 107 3
                                    

"Sorry kung natakot kita kanina. 'Di ko talaga sinasadya." paumanhin ng lalaking kumaway sa akin kanina na kapit-bahay pala nitong si Shane.

"Gago ka talaga! Buti nalang at walang sakit aa puso itong si Iden!" sermon ni Shane habang hinahampas siya sa braso niya.

Bakit nga ba kasi ito nandito?

"Anyway, I'm Eugene Valdes." pakilala niya at naglahad ng kamay sa akin.

Saglit akong napatingin sa nakalahad niyang kamay at inilipat ang aking tingin sa kanyang mukha.

Eugune? Parang tunog Yu ang unahan.

Hindi kaya. .?

"Hoy, Iden! Okay ka lang?" tawag pansin sa akin ni Shane na kinaway pa ang kamay sa harapan ko.

"Ah, oo. May naalala lang ako." pagkunwari ko at inabot ang kamay ni Eugene para makipag handshake pero agad ko din itong pinutol.

"Ai." isang malalim na paghinga ang ginawa ko sa pagbabaka sakaling siya yung dati kong tinatawag na kuya. Sabi kasi ni Shane kanina ay mas matanda ito kesa sa amin.

Pinagmasdan ko ang reaksyon niya at parang nagulat pa ito.

"Ai? Bakit Ai? Parang Iden ang narinig kong pangalan na sinabi nitong si Shane."

"A-ah eh. ." mukhang nagkamali ako sa naisip ko. Nakakahiya.

"Aiden kasi ang buo niyang pangalan. Tawagin mo nalang siyang Iden kasi ayaw niyang tinatawag siyang Ai." paliwanag ni Shane kay Eugene pero nakatingin pa rin ito sa akin at bigla nalamang ngumiti.

"Parang mas maganda yata ang Ai kesa Iden. Pwede bang iyon nalang ang itawag ko sa'yo? Tawagin mo nalang akong Yu."

Halos hindi na ako makapagsalita ng sabihin niyang tawagin ko siyang Yu. Hindi ko alam at hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Hindi kaya siya talaga si kuya? Pero paano kung ibang tao siya at napagkamalan ko lang?

"Hello? Nandito po ako! Kung magtinginan kayo parang hindi ako nageexist!" parang batang maktol ni Shane kaya ako agad ang umiwas ng tingin sa aming dalawa ni Eugene or ni Yu. Ewan.

"Sorry. Mauna na pala ako sa inyo. May pupuntahan pa ako." paalam ko dahil mukhang may pupuntahan silang dalawa kaya siguro nandito si Yu ay para sunduin siya. Pero ano kaya ang gagawin nila?

"Ihatid nalang muna kaya kita sa pupuntahan mo? May dala akong kotse." sabi niya sabay pindot sa hawak niya at tumunog ang nakaparadang red na kotse sa gilid.

Mayaman pala itong si Eugene.

Hindi kaya, siya talaga si kuya? Pero kung siya nga ay bakit hindi niya ako nakilala ng sabihin ni Shane ang buong pangalan ko?

Saglit pa akong napa isip bago ko napagtanto na oo nga pala't nagbago ng husto ang hitsura ko dahil mas lalong naging feminine ang mukha ko sa paglipas ng panahon 'di gaya ng dati. Tanga ko!

"Ah, hindi na! Okay lang." nagpaalam na ako at dumiretso sa pupuntahan ko.

Sa wakas ay sa unang araw palang ng paghahanap ay may nakuha na agad akong trabaho. Bukas na agad ako magsisimula sa 24 hours na coffee shop malapit sa school na pinapasukan ko. Graveyard shift pero okay lang atleast malaki ang sahod at kaya nitong tustusan ang pamamalagi ko sa dati naming bahay.

Habang naglalakad ako sa kalsada pauwi ng bahay ay napansin ko ang isang gray na kotseng nakaparada sa tapat at may lalaking mukhang kumukuha ng litrato. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil balak ko sana siyang tanungin kung anong ginagawa niya pero bago pa ako makalapit ay lumakad na siya at pumasok sa kotse niya at umalis.

'Ni hindi ko man lang nakita ang mukha niya.

Sino kaya iyon? At bakit niya kinukuhaan ng litrato ang bahay?

------------------------------------------------------

A|N:

Posted: February 4, 2019 at 01:40 AM

Oh em gee! Yung feeling na excited ka na kaso kapos yung update? Sorry guys sabi kasi ng nabasa kong quote, you can't have all in life. Anyway, 'til next update!

Stay awake and aware!

A BEAST IN DISGUISE (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon