Tatlong taon na ang nakalipas mula ng makabalik ako sa lugar kung saan ako lumaki kasama ang mama ko. Ang bahay na nuon ay puno ng tawanan at iyakan. Ang lugar kung saan namulat ang aking murang kaisipan sa mga bagay-bagay.
Bakit nga ba ako bumalik?
Ako si Aiden Sage. Twenty-one years old. Mag-isa sa buhay at walang karamay. Ang drama 'no? Pero, totoo naman kasi.
Sumandal ako sa kahoy na upuan na nasa tabi ng bintanang natatabingan ng kurtina. Padilim na sa labas pero heto ako at wala pang balak na buksan ang ilaw. Para akong tanga dito na nakasiksik sa sulok at hinihintay na lumabas ang buwan. Kung para sa iba ay nakakatakot itong ginagawa ko, para sa akin, sanay na ako. Sa katunayan, mas gusto ko ito. Ako lang at ang dilim. Ang saya! Paano nga ba nauwi sa ganito ang lahat? Hmm. . .
Ah. Siguro ito ang resulta ng mga nangyari sa akin na hindi maganda at sa lahat ng iyon ay may namumukod tanging ala-ala na hindi mawaglit sa aking isipan kahit na ang mukha niya ay limot ko na't pati ang boses niya.
Sino siya? Si Yu.
Ang nagiisang kaibigan ko sa nakaraan na nagbigay sa akin ng depinisyon ng anghel at demonyo o mas tama bang sabihin na, isang halimaw na nagbalat kayo bilang aking tagapagligtas na siyang kumulong sa akin sa isang lugar na kailanman ay hindi ko magagawang takasan.
------------------------------------------------------
A|N:
Date Published: January 01, 2019
Time check, it's 4:21 AM. Patikim para inyong mga uhaw na utak. Muling nagbabalik para sa aking ikalawang maiksing kwento na sana ay magustuhan ninyo gaya ng inyong pagtangkilik sa Fangs of an Alpha na ako rin ang sumulat. Bagong taon, bagong kwento.
Dating gawi. Sa gabi ko gagawin ang update at sa madaling araw ang pagsasapubliko ng bawat kabanata.
'Til next update! Stay awake and aware!
BINABASA MO ANG
A BEAST IN DISGUISE (BL)
Misterio / SuspensoABID is an abbreviation for A Beast In Disguise. However, it can also mean as the one who worships or a slave. "Eh? You're asking me, why? You should already know the answer to that question, baby." Date Created: November 26, 2018 Date Published: J...