"Hmm. ." ungol ko ng may maramdaman akong nakakakiliti sa leeg ko. May naririnig akong music na tumutugtog pero hindi ko mawari ito. Mukhang rock kasi ang husky ng boses ng artist.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at laking gulat ko ng makita si Eugene na nakatayo sa harapan ko. Iba ang awra niya. Ang lakas ng appeal niya ngayon sa akin lalo pa't medyo magulo ang buhok niya at naka two button down ang suot niyang longsleeve.
"Y-yu." pabulong kong sabi at duon ko lang nalaman na nakatali ang mga kamay ko sa itaas ng ulo ko.
"A-ano ito?" tanong ko habang pinipilit na kumawala kaso mahigpit ang tali nito sa akin at gumagalos lang ito sa balat ko.
"Do you have any idea why I bought you here or who I really am? Hmm?" hinaplos ng daliri niya ang mukha ko at napa igik ako duon.
"Bakit mo nga ba ako dinala dito ha, Eugene?" lakas luob kong tanong na ikinatawa niya.
"It was so hard finding you but luck was on my side and I just had to pretend that I'm the person you're looking for because I was also luring the person you want to be mine."
"Kung ganun, hindi ikaw si Yu?"
"Well, obviously. May naalala ka bang inamin kong ako siya?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya. Wala naman siyang inamin. Nagkwento lang siya at inassume kong siya nga si Yu. Pero paanong-?
"Pero bakit alam mo kung paano kami nagkakilala na dalawa?"
"Take a wild guess."
Sinubukan kong alalahanin ang mga naikwento niya sa akin this past few days at ng mapagtanto ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko. Impossible!
"Isa ka sa mga batang nasa park?!"
"Correct. And to be specific, ako yung batang tumulak sa'yo sa swing."
Nag instant flashback sa akin ang mga nangyari nuo sa park at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Akala ko siya si Yu pero mali ako. Ngunit, bakit? Bakit siya nagpanggap na si Yu? Ibig sabihin ba nu'n kilala niya at alam niya kung nasaan si Yu?
"Ang sama mo!" sigaw ko sa kanya.
"Sa ating dalawa, ikaw ang siyang masama. Because of you, nawala ang taong gusto ko! Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ni Yu!"
"Wala kang alam sa sinasabi mo! Sinira niya din ang buhay ko! Hindi mo alam ng dahil sa kanya kalahati ng buhay ko nasa nakaraan pa rin!"
"Sinira? Ikaw ang dahilan kung bakit niya sinira ang buhay mo! Gustung-gusto ka niya na handa siyang gumawa ng kabaliwan para lang manatili ka sa kanya. Tsk! Sinasabi mo lang na sinira niya ang buhay mo pero ang totoo, hinahanap-hanap mo siya. Ano? Masarap ba ang mga ginawa ninyo ng magkasama? Ha?!"
Dahil nakatali ang kamay ko ay hindi ko siya magawang sampalin o suntukin man lang kaya sinipa ko nalang siya sa hita na kinangisi niya.
"Kung hindi ka dumating, kung hindi ka niya nakilala, sa akin dapat siya! Masaya sana kaming dalawa. Pero ng makita ka niya ng araw na iyon sa park, unang beses ko iyon na makitang tumitig siya ng matagal sa isang tao dahil hindi niya ugaling makipagtitigan ng matagal at mas lalo na ang makisalamuha. Naiinis ako kung bakit sa'yo siya naging ganun. Oo! Mahal ko si Yu! Hindi lang ikaw ang nagmahal sa kanya na alam kong pilit mong tinatanggi dahil siniksik d'yan sa utak mo ng nanay mo na ang pagmamahalan sa parehas na kasarian ay mali pero hindi! Walang mali du'n!" isang mabigat na buntung-hininga ang ginawa niya at lumakad palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
A BEAST IN DISGUISE (BL)
Misterio / SuspensoABID is an abbreviation for A Beast In Disguise. However, it can also mean as the one who worships or a slave. "Eh? You're asking me, why? You should already know the answer to that question, baby." Date Created: November 26, 2018 Date Published: J...