A BEAST IN DISGUISE VI

3.3K 122 1
                                    

Sabi nga nila, walang sikreto ang naitatago ng mahabang panahon kung kaya't nalaman ni nanay kung anong nangyari o mas tama bang sabihin na ginawa sa akin ni kuya?

Bilang nanay ay nagalit siya sa pananamantalang ginawa nito sa akin pero dahil sa realidad ng buhay ay sa huli, kami ang talo. Mayaman sila kuya habang kami ay mahirap lang kaya ang ginawa nalang ni nanay ay lumipat kami sa ibang lugar at ginawa niya ang lahat ng maka kaya niya makalimutan ko lang ang bangungot na pinagdaanan ko. Nang una, akala ko walang mali sa mga ginawa namin nuon ni kuya ngunit ng tumungtong ako ng highschool ay duon ko napagtanto kung ano ang nangyayari sa pagitan ng isang babae at lalaki lalo na kapag sila'y magkasintahan na siyang minsan naming nagawa ni kuya Yu.

Hindi ko magawang makipag kaibigan o magtiwala man lang sa kahit na sinong nakapaligid sa akin kahit na alam kong ang iba sa kanila ay malinis ang intensyon ngunit dahil sa nangyari sa akin ay hindi ko maiwasan na magkaruon ng pagdududa.

First year college na ako ng bawian si nanay ng buhay dahil sa sakit niyang diabetes at dahil ako nalang mag-isa ay nagpasya akong mag working student para sustentuhan ang pagaaral ko dahil kailangan kong tuparin ang pangarap ng nanay ko para sa akin na makapagtapos ng pagaaral para may maipagmalaki ako sa ibang tao at hindi alipustahin sa kung ano lang ang natapos ko.

Bumalik ako sa dati naming bahay ni nanay malapit sa subdivision kung saan nakatira nuon sina kuya Yu pero 'ni minsan ay hindi ko binalak na puntahan o tignan man lang ang bahay nila ayon na rin sa naipangako ko kay nanay.

Gustuhin ko man para lang makita kung maayos pa rin ang kanyang kalagayan ay hindi maalis sa isip ko ang ginawa niya nuon sa akin. Hindi ako galit. Siguro kailangan ko lang ng closure kasi mula ng gabing iyon sa pagitan namin ay hindi ko na siya ulit nakita pa. Siguro ay may girlfriend na siya ngayon o baka naman may asawa na at maganda pa rin ang buhay hindi gaya ko na mahirap pa rin at mag-isa na sa buhay na mukhang walang magbabalak na magmahal sa isang tulad kong binabae.

Napatingin ako sa screen ng cellphone kong umilaw at kita ko na may nagtext sa akin. Ah. Siguro yung katrabaho ko ito sa part-time job ko na nagtataka kung bakit bigla akong umalis duon. Kung alam lang niya na yung may-ari ng pinagtatrabahuan namin ay muntik na akong pagsamantalahan isang gabi bago ako umuwi sa tinutuluyan ko ay ewan ko nalang kung gustuhin niya pang magtagal sa trabaho niya.

Hindi ako nagdadamit babae or nagme makeup pero sabi ng karamihan sa mga nakikilala ako ay mukha talaga akong babae kahit na maiksi o mahaba man ang buhok ko na madalas ay kinaiinggitan ng tunay na babae dahil sa makinis na balat na meron din ako. Hindi rin maiwasan na may mga nagaalok sa akin na magbigay aliw dahil sa hitsura ko pero tinatanggihan ko ito dahil sa reputasyon ko na pinangangalagaan ko sa unibersidad kung saan ako nagaaral ay hindi ko maisip na gawin ito sa iba bukod kay kuya.

Umilaw muli ang cellphone ko at this time ay napilitan na akong kunin ito sa ibabaw ng lamesa at sinagot ang tumatawag sa akin.

"Bakit?"

[ Ai! Kailan mo balak pumasok ng? You'd been absent for a week already. ]

Lagot. Si Max pala ito. Akala ko kung sino dahil unregistered number ang lumabas sa screen. Sino siya? Siya ang may ari ng unibersidad na pinapasukan ko at ang nagbigay sa akin ng scholarship. Kilala siya ng lahat ng nagaaral sa kanyang pinatayong eskwelahan dahil bukod sa pasok lagi sa standards ang mga nakakapag aral at nakakapag tapos dito ay mabait at maalalahanin siya sa kanyang mga scholars.

"Sir Max kayo po pala. Good evening."

[ Ano bang nangyayari sa iyo na bata ka ha? Hindi ka na rin daw pumapasok sa part time job mo. Nasaan ka ba? ]

My god. Kung hindi lang ako aware na nuknukan ng yaman itong si Max at headmaster ng university na pinapasukan ko ay iisipin kong stalker siya.

"Kasi Sir Max may importante lang akong kinailangan na ayusin dito sa amin. Sorry. 'Di bale, papasok na ako next week."

[ Siguraduhin mo lang Ai at di ba sabi ko sa iyo wag mo na akong tawagin na Sir Max? Masyadong pormal eh. ]

"Eh kasi tinawag ninyo akong Ai eh! Iden po kasi hindi Ai." pagtatama ko. Ayaw ko na kasi na tinatawag akong Ai ng ibang tao dahil iyon ang tawag sa akin nuon ng bata ako at kapag naaalala ko iyon ay naaalala ko din si kuya.

[ Sorry. Mas madali kasing sabihin ang Ai kesa sa Iden. Sige, hihintayin kita next week at kapag nalaman kong di ka pa rin pumasok ay malilintikan ka sa akin! Maliwanag? ]

Pagtapos naming mag usap ay nagpasya na akong pumunta sa kwarto ko para matulog at pagka higa ko sa kama ay napatitig ako sa kisame at napa isip.

Kailangan ko na talagang pumasok this week at tiyagin na makapag tapos para mabili ko na itong bahay namin nuon na siyang paupahan na, dahil sa ngayon ang pagtira ko dito ang uubos ng natitira kong ipon mula sa sahod ko.

------------------------------------------------------

A|N:

Posted: January 21, 2019 at 2:18 AM

Naloka ako sa part na apartment na pala ang dati nilang bahay ng nanay niya. Binenta siguro para may panluwas sila papunta sa ibang lugar para matakasan ang nangyari nuon kay Ai.

'Til next update! Stay awake and aware!

A BEAST IN DISGUISE (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon