UNWANTED WIFE: Teaser

6.8K 133 2
                                    


Unwanted Wife:

T E A S E R

"So you're pregnant, huh?" Napatigil ako sa pagkain dahil sa binitawan niyang salita. Uminom ako ng tubig bago siya sinagot.

"Hindi ah. Saan mo naman---"

Napatigil ako dahil marahas niyang nilapag ang tatlong pregnancy test. Agad akong napalunok ng makita na may parehong red lines ang gamit na 'yon.

"Do you think my mind will change, because you're pregnant? No. I will never love you! I doubt it is mine." Nakangising saad niya na tila ba sigurado siyang hindi kanya ito.

"Alam ko. Kaya nga hindi ko sinabi sa'yo." Mahinang sagot ko.

"Tss. Tandaan mo 'to. Walang magbabago, hindi kita mamahalin dahil lang sa buntis ka! Itutuloy ko pa rin ang pakikipaghiwalay sa'yo kapag okay na kay mom!" Sigaw niya sa akin. Napapikit ako dahil sa sigaw niya.

Ano ba ang ikinagagalit niya? Hindi ko naman sasabihin sa kanya 'to at hindi na ako umasang magiging masaya kami at mamahalin niya ako.

"Alam ko 'yan, hayaan mo. Kakausapin ko si Tita na pumayag na sa gusto mo." Saad ko saka siya iniwan doon sa kusina. Kasabay noon ay ang pagbuhos ng luha ko.

Wala kami sa libro na nababasa ko. Hindi kami katulad ng nasa libro na in-arrange marriage at mamahalin after malaman na buntis. This is the reality.

That I'm his unwanted wife and he will never love me.

.

©GirlInNiiiight

January 7, 2019.

Unwanted Wife (Un-edited) Where stories live. Discover now