Chapter 3

2.1K 73 4
                                    


Chapter 3.

       Lalaine Francisco-Leviste


NANG makababa si Margarette ay nagpapanggap akong tulog.

"I know you're awake, hindi naman ako driver kaya lumipat ka rito." Sabi niya pero nanatili akong nakapikit. Huwag kang makinig sa kanya.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa naramdaman kong pinaandar niya na ang kotse. Ganyan nga! Huwag mo akong pansinin.

Nanatili akong pikit habang inaalala kung paano ko ba nakilala si tita Irish.

"Hindi ba sabi ko 'wag kang pupunta rito?" Singhal ni mommy saka ako hinila palabas ng gate nila.

"Gusto ko lang po kayo makita mom." Mahinang sagot ko. Pabalang niya naman akong binitawan at tumingin sa bahay nila.

"Tigilan mo ko sa kaartehan mo! Sabi ko huwag ka ng pupunta rito! Naiintindihan mo ba?" Singhal niya ako at tinulak ako. Napaupo ako sa kalsada, kahit sobrang nanghihina ako dahil sobrang taas ng lagnat ko ay pinilit kong tumayo para sana habulin si mommy pero nakapasok na siya sa loob. Tumalikod na lang ako at nag pasyang umalis.

May sariling pamilya si mommy. Naging anak niya lang ako dahil sa isang disgrasya, pagkakamali lang. Nalasing si mommy dahil nagtalo sila ng asawa niya at doon may nangyari sa kanila ng lalaking hindi ko pa nakikilala.

Minsan iniisip ko na sana hindi na lang ako binuhay kung ganito lang din pala.

Matapos akong ipanganak ni mommy ay iniwan niya na ako sa hospital at ang nag-alaga sa akin ay si nanay nely na dating kasam-bahay ng magulang ni mommy, dinala nila ako sa probinsya nila at doon pinalaki. Nakilala ko si mommy dahil hindi naman 'yon ipinagkait sa akin ni nanay nely pero hindi ako tanggap ni mommy at pinagsisisihan niya na binuhay niya pa ako.

Nung nag-highschool ako ay nagpasya ako na dito na lang mag-aral sa manila, medyo malapit kay mommy. Kahit Hindi ko siya nalalapitan dahil palagi niyang kasama ang pamilya niya.

Para akong patay na naglalakad sa kalsada. Walang patutunguhan at hindi alam ang tatahakin na daan. Kahit panay na ang busina na nga mga sasakyan ay hindi ko pinapansin, para akong walang naririnig. Buhay pa ang katawan ko pero yung kaluluwa ko pakiramdam ko wala na.

Beeeeeeppppp!

Nanlambot ako at napahiga sa gitna ng kalsada. Gusto ko ng magpahinga.

"Oh god! Mang karding Dali buhatin mo! Dalhin natin siya sa hospital." Huli kong narinig bago ako tuluyan mawalan ng malay.

Nagising na lang ako sa isang pamilyar na lugar. Puro puti at kung may anong nakasaksak sa kamay ko.

"Oh. You're awake." Isang magandang ngiti ang bumungad sa akin.

"Nicolo she's awake!" Saad ng isang babae saka ko Nakita ang paglapit ng lalaki na sa tingin ko ay asawa nito.

"Hi, I'm irish Leviste and he's my husband, nicolo." Nakangiti nitong Saad sa akin.

Doon nagsimula. Sobrang bait sa akin ni tita kaya hindi ko rin matanggihan lahat ng hiling niya sa akin.

"Baka gusto mo ng bumaba?" Napamulat ako ng mata ng marinig ang boses ni neil. Umupo ako ng maayos at inayos ang sarili ko bago lumabas.

Hindi ko pinansin si Neil at nagdaretso sa loob ng bahay.

Dare-daretso ako papunta sa kwarto ko. Walang tingin na ibinigay sa loob ng bahay.

Kinabukasan ay pumasok ako na parang hindi ako nasaktan. Nakangiti kay Mae at achi but I know i can't lie with mae.

Hindi niya ako tinanong at nakahinga naman ako ng maluwag doon dahil hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya.

Palagi ko rin kasama si achi, masarap siya kasama. He can make me smile, laugh until I cry. Minsan sumasakit na Tiyan ko kakatawa sa kanya, ililibre ako kapag uwian. Tulad ngayon, biyernes na at nandito kami sa tapat ng isang fish ball at kikiam stall. Kumakain kami kaya Lang wala si mae dahil may gagawin daw siya.

Wala rin akong sundo ngayon dahil tinext ko si tita na ihahatid ako ng kaibigan ko at nag-agree naman siya.

"Ang sarap! Salamat sa libre." Saad ko bago kumain ng kikiam.

"Sus! Wala 'yon. Basta kumain ka lang d'yan." Sagot niya pero hindi na ako sumagot dahil busy na ako sa pagkain.

"O! Itabi mo na lang d'yan sa village na 'yan." Turo ko sa kanya. Nakasakay kami sa kanyang motor at gaya ng sabi ko ay may maghahatid sa akin.

"Leviste village?" Tanong niya saka lumiko papasok sa loob haharangan sana ni manong guard pero agad niya akong nakita kaya ngumiti lang ako.

"Oo. Bakit?" Tanong ko.

"Nothing. Business partner kasi ni Dad ang mga Leviste." Saad niya kaya tumango tango ako kahit hindi niya naman nakikita.

"Hinto mo na lang doon sa blue house." Saad ko at sumunod naman siya sa sinabi ko.

"Thankyou." Sabi ko ng makababa ng motor niya. Ngumiti lang siya sa akin.

"It's nothing. So, see you next week." Sabi niya. Tumango lang ako at kumaway saka pumasok sa loob ng bahay.

"Sino 'yon, Lala?" Napatalon ako ng biglang magsalita si tita.

"Sorry. Nagulat ba kita?"

"Okay lang po. Uhm, kaibigan ko po. Si Aldrich po." Tanging sagot ko. Ngumiti lang naman siya at tumango.

"Come here, let's eat. Sorry kung napapadalas pagbisita ko rito ah, magkalapit lang naman kasi ang bahay natin." Paliwanag niya.

Nasa iisang village lang kami at magkadikit lang ang bahay namin at bahay nila Kaya palagi si tita dito.

"Okay lang po tita." Sagot ko.

"Halika, kumain na tayo. Medyo male-late ng uwi si Neil dahil marami pa siyang tatapusin." Sabi pa ni tita Habang naglalakad kami patungong dining.

Mas okay na rin 'yon, hindi ko siya kayang makasabay ngayon. Sariwa pa rin yung mga nakita ko.

"Anyways, nasa kwarto mo na ang gown mo para bukas." Sabi ni tita.

Oo nga pala, ipapasama niya ako sa event na pupuntahan ni neil bukas. Pwede ba na huwag na lang? Baka mapahiya lang ako roon.

"Hindi ka na po sana nag-abala tita." Sagot ko. Naglagay ako ng kanin pero konti lang dahil sa kinain namin ni achi kanina.

"Oh, Lala dear. Hindi pwede 'yon." Tita smiled at me.

Minsan iniisip ko na paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko ng makipag-annul? Well, I just want to let neil go.

"You look quiet. May problema ba ija?" Tita look so worried.

"Uhm, tita kailan po kami pwedeng mag hiwalay?" Tanong ko.

Binaba ni tita ang hawak na kubyertos at hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

"Why?" Malungkot niyang saad.

"May iba pong mahal si Neil, tita. Hindi kami magkakasundo at baka magkagalit pa po kayo." Mahinang sagot ko.

"Konti pa ija, please? Malay mo mahalin ka rin ni neil? Ayoko lang talaga kay Margarette na 'yon, feeling ko kasi may hidden agenda siya sa anak ko. Kaya huwag muna ah? Kung hindi talaga mag-wo-work, edi sige. Pero ngayon, enjoy muna ah?" Paliwanag ni tita kaya tumango lang ako. Ngumiti lang siya kaya ngumiti rin ako.

Konti pa, kapag hindi nag-work 'to. Ayoko na talaga.

.

Thankyou! Lovelots:*

Unwanted Wife (Un-edited) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin