Chapter 38
NARRATOR POV
Napasinghap si Jhereemae at Aldrich nang marinig ang sinabi ni Lalaine. Napatakip pa sa bibig si Jhereemae dahil sa pagkagulat.
Samantalang iyak lang ng iyak si Neil habang yakap pa rin ng umiiyak na si Lalaine.
Lahat ay nasasaktan sa nangyari two years ago. Ang mga nagawa nila sa nakaraan ay nagkaroon ng malaking epekto sa nangyayari ngayon.
"I'm s-sorry." Sambit ni Lalaine at tuluyan na ring napahagulgol. Muling nanuot sa kaniyang sistema ang sakit nang mawalan ng anak. Alaalang kahit kailan ay hindi nila magagawang kalimutan.
"S-sorry... kasalanan ko. Hindi ako nag-ingat noon."
Nanatili lang na umiiyak si Neil habang nakayuko. Paulit-ulit din nitong sinusuntok ang gilid ng kama, tila sa ganoong paraan ay mababawasan ang sakit.
Naglakad palapit si Jhereemae kay Lalaine at hinawakan ito sa kamay.
"Hindi mo iyon kasalanan, Lala. Wala kang kasalanan doon." Sambit ni Jhe. Nag-angat ng tingin si Neil kay Lalaine.
"Anong nangyari, Lalaine? P-paanong namatay ang anak natin?" Mariin niyang tanong sa asawa. Natigilan si Lalaine at parang umatras ang luha.
Hindi agad nakasagot si Lalaine.
"Sagutin mo ako, Lalaine!" Sigaw ni Neil. Napapitlag si Lalaine sa gulat kaya tinignan ang asawang sobrang nasasaktan.
"Huwag mong sigawan si Lala, Neil!" Sambit ni Jhereemae pero, parang walang narinig si Neil.
"Ano? Sumagot ka!"
"S-si M-margarette." Nanginginig na sagot ni Lalaine.
"Ano?" Gulat na tanong ni Jhereemae. Napayuko si Lalaine. Sobrang sakit pa rin hanggang ngayon para sa kaniya, t'wing nababanggit si Margarette. At hindi niya maiwasan makaramdam ng galit.
Gustuhin man niyang kalimutan ang nangyari ay hindi niya talaga kaya. Gusto na niyang magkaroon ng tahimik na buhay pero, sa t'wing naiisip ang anak na binawian ng buhay dahil sa kagagawan ni Margarette, hindi niya mapigilan magalit at pagbayarin si Margarette.
.
NEIL IVAN LEVISTE
"S-si Margarette."
Pakiramdam ko nabingi ako. At 'yung sakit na naramdaman ko kanina ay mas doble pa ngayon.
Paanong nagawa ni Margarette 'yon? Sweet at malambing si Marg kaya, paanong nagawa niya 'yon?
"Sana lang mahal ka pa ng babaeng 'yon kapag nakita mo siya at sana lang mahanap mo siya!"
Nag-flashback sa utak ko ang sinabi noon ni Margarette. Kaya pala ganoon ang sinabi niya dahil may kinalaman talaga siya sa nangyari kay Lalaine?
Tumingin ako kay Lalaine na umiiyak. Inangat ko ang mukha niya at pinunasan ang luha.
"I'm sorry, Neil. Naging---" Pinutol ko ang sinasabi niya sa pamamagitan ng yakap. Niyakap ko siya ng mahigpit at humiwalay agad.
Tinignan ko siya sa mata.
"Kailan nangyari 'yon?" Mahinahinong tanong ko. Muling tumulo ang luha niya kaya agad kong pinunasan.
"N-noong gabing tumakbo ako palabas ng bahay, malakas ang ulan sa labas. Hindi ko 'yon pinansin at patuloy ako sa pagtakbo palayo. Hanggang sa tatawid na sana ako sa kabilang kalsada, wala namang s-sasakyan na dumadaan. Pero may isang kotse nakatigil sa gilid, akala ko naka-park lang 'yon. P-pero nang tumawid ako ay mabilis iyon umandar papunta sa akin. Mabilis talaga kaya hindi na ako nakaiwas pa. Nakita kong bumaba ang sakay ng kotse, sa pag-aakalang tutulungan niya ako nang makita kong nakangising si Margarette 'yon..." wika niya. Napakuyom ang kamao ko.
YOU ARE READING
Unwanted Wife (Un-edited)
General Fiction"I'm Just His Unwanted wife." You can read the full novel in Dreame. Thank you. ©GirlInNiiiight