Note: Bigyan ko lang muna ng POV si Jared at Jay para malinawan kayo. Ang POV dito ay nangyari nang lumabas si Jay sa kwarto ni Lally. ]~~
Chapter 36
JAY MONTEMAYOR
Pagsarado ko ng pinto ay nakita ko si Jared na nasa gilid at nakasandal doon. Nilingon niya ako at umayos ng tayo.
"Anong ginagawa mo riyan, Jared?"
"Kararating ko lang dito at hinintay kang lumabas. Gusto sana kitang makausap," wika niya. Kumunot ang noo ko.
"Tungkol saan?"
"Doon tayo sa dining area," sabi niya at naglakad paalis. Sumunod na lang ako pero tumingin pa ako ng isang beses sa kwarto ni Lalaine.
Sana ay nalinawan na ang isip niya. Gusto ko lang maging masaya si Lalaine kaya ko 'yon sinabi. Kailangan niya rin 'yon para sa sarili niya at alam kong mahal niya pa si Neil.
Pero, ano naman kayang pag-uusapan namin ni Jared? Tungkol kaya kay Lalaine?
Nang dumating kami sa dining area ay um-order siya ng wine. Umupo ako sa tapat niya at tinignan siya.
"Anong--"
"Anong sinabi mo kay Lalaine?" Putol niya sa sasabihin ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Anong sinasabi mo, Jared?" tanong ko. Hindi siya agad sumagot dahil dumating ang waiter dala ang order namin.
"Anong pinag-usapan ninyo? Anong sinabi mo?" Ulit niya sa tanong.
"Tinanong ko lang kung okay siya--"
"Alam mong umamin na ako sa narardaman ko para kay Lalaine, Jay. Kaya sabihin mo kung anong sinabi mo sa kaniya," saad niya kaya bumuntong-hininga ako.
"Para 'yon sa kapakanan mo at ni Lalaine. Masasaktan ka lang kung itutuloy mo ang nararamdaman mo para sa kaniya. Hindi mo ba napapansin? Mahal pa ni Lalaine si Neil," saad ko at uminom ng wine. Kinuha niya rin ang kaniya, ngunit hindi uminom. Nanatili lang siyang nakatingin.
"Mahal ko si Lalaine, Jay. At gagawin ko lahat para mahalin niya ako. Ikaw lang ang nagpipilit na mahal niya si Neil, pero hindi na. Kaya ilalayo ko si Lalaine para makalimot sa lah--"
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Putol ko sa sinasabi niya.
"Paano ka mamahalin ng isang taong hindi makaalis sa nakaraan? Kung totoong hindi na mahal ni Lally si Neil, sana noon pa lang nag-entertain na siya ng lalaki. Pero, ano? Palagi siyang nasa tahian at inaabala ang sarili sa pagtatahi para lang makalimutan ng pansamantala ang nakaraan..." Tumigil ako dahil napansin kong humigpit ang hawak niya sa baso.
"Ikaw lang ang laging nagsasabi niyan. Matagal nang nakalimutan 'yon ni Lalaine, Jay. At maaaring hindi siya nag-e-entertain dahil busy lang talaga sa ginagawa niya. Pero, ako, gagawin ko lahat. Ipaparamdam ko sa kaniya ang pagmamahal na hindi naibigay ng lalaking 'yon noon. Iing--"
"Nakalimutan? Paano mo nasabi? Nasaan ka ba sa loob ng dalawang taon na nasa Laguna si Lalaine? Sa mga gabing umiiyak siya tuwing naalala ang nangyari sa kaniya, naroon ka ba? Nakikita mo ba kung paano umiyak si Lalaine? Kung paano matulala at malungkot kapag sumapit na ang dilim? Hindi. Kasi wala ka noon, kaya ang dali lang para sa 'yo bitawan ang mga salitang 'nakalimutan na niya'..."
"Hindi habang-buhay pwedeng takbuhan si Neil at magpanggap na okay na. Ka-kailanganin niyang kausapin si Neil, para maging okay siya. At para malaman niya rin ang side ni Neil. Maaaring inalam mo lahat ng mayroon kay Lalaine noon, pero hindi mo kayang alamin ang side ni Neil."
![](https://img.wattpad.com/cover/173986091-288-k390032.jpg)
YOU ARE READING
Unwanted Wife (Un-edited)
General Fiction"I'm Just His Unwanted wife." You can read the full novel in Dreame. Thank you. ©GirlInNiiiight