Chapter 2

2.5K 71 2
                                    


Chapter 2.

Lalaine Francisco-Leviste

AGAD kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko dahil sa sinabi ni neil. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito.

"Neil Ivan ang anak ko, Lala. Son, this is Lalaine." Tuwang-tuwa na pakilala ni Mrs. Leviste sa akin at sa anak niya. ngumiti ako sa lalaking nasa harap ko, hindi maitatangging gwapo ang lalaking ito.

Isang malalim at malamig na tingin lang ang sinukli nito sa akin bago bumaling sa mommy niya.

"Papasok na ako mom." Paalam nito at saka bumeso sa kanyang nanay bago tuluyang lumabas ng bahay.

Kalalabas ko lang ng hospital at dito niya ako dinala.

"Are you okay? Are you hungry?" Nakangiting tanong nito sa akin pero tumango lang ako kaya marahan niya akong hinawakan sa braso at hinila patungo sa kusina.

"Saan ka nag s-stay, Lala?" Tanong niya matapos akong bigyan ng pagkain.

"Sa isang maliit na apartment lang po." Magalang kong sagot.

First year College pa lang ako samantalang  graduating naman ang anak niya sa college sa kursong business management.

"If you want, you can stay here." Sabi nito kaya nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling.

"Hindi na po. Okay na po ako roon." Sagot ko. Nalungkot naman ang mukha niya.

"I know hindi mo ako ganung ka Kilala but I like you ija. I like you for my son. Hindi ko alam pero ang Gaan ng loob ko sayo." Paliwanag nito kaya lalong nanlaki ang mga mata ko sa pahayag nito.

"Neil, you and Lala is going--"

"No!" Mabilis na saad ni neil, isang gabi habang nasa dinner kami. Ngayon ang graduation ni neil kaya nagkaroon ng konting salo-salo dahil sa pagiging cum laude ni neil.

"Magpakakasal kayo ni Lala and that's final!" Napainom ako ng tubig dahil sa sinabi ni tita. Kailan pa siya nag desisyon ng ganito? Bakit hindi ko alam?

"Mommy I said no! May Girlfriend ako at kung gusto niyo na magpakasal ako. Pwes! Si Margarette na lang mommy!" Sagot ni neil saka ako tinapunan ng tingin.

"Your voice Neil." Mahinang singit ng daddy nito kaya napalunok ako. Kailangan may gawin ako dito.

Oo, naging malapit ako sa mag-isa-asawa pero hindi nila 'to pwedeng gawin. Ayokong kamuhian ako ni neil, maaaring may pagtingin ako sa kanya pero ayoko ng ganito.

"T-tita tama po si--"

Napapikit ako dahil agad pinutol ni tita ang sasabihin ko.

"No ija, that's final. Magpakakasal kayo, Tapos!"

Wala na akong nagawa pa dahil desidido na talaga sila. Napatingin ako kay neil na sobrang sama ng tingin sa akin, nag-iwas ako ng tingin saka lumunok.

Napabuntong hininga na lang ako matapos alalahanin ang pangyayaring 'yon.

"Are you okay?" Bungad sa akin ni Mae ng makita ko siya sa tapat ng school. Tumango lang ako at ngumiti, ayokong mag-alala siya sa akin.

"Oo naman!"

"Okay. Ah! Naalala mo yung sinabi ko sayong si Aldrich kahapon?" Tanong niya.

"Oo. Anong meron doon?" Tanong ko.

"Halika." Sabi niya saka ako hinila papuntang garden.

"Drich!" Tawag nito ng makalapit kami sa lalaking nakaupo sa isang bench na nasisilungan ng puno ng Mangga.

Unwanted Wife (Un-edited) Onde histórias criam vida. Descubra agora