Chapter 21MARGARETTE POV
Hindi mawala ang ngiti ko habang nakaupo at naghihintay sa upuan ng hospital. Hindi mapaglagyan ang saya ko dahil sa wakas mapapasakin na ulit si Neil.
"Kasalanan ko 'to. Sana maging maayos siya at maging ligtas ang anak niya," narinig kong sambit ni Mommy kaya nilingon ko siya.
"No! Hindi pwedeng mabuhay ang anak ng babaeng 'yon. Hindi pwedeng mapunta ng tuluyan si Neil sa kaniya. Neil is mine!" saad ko ngunit umiling siya.
"Marg, I know na hindi mo ako tunay na Mommy pero tinuring mo akong isang Ina at ganoon din ako sa 'yo. Kahit hindi ka nanggaling sa akin inalagaan at tinuring kitang anak ko. At si Lalaine, kahit hindi ko siya nasubaybayan sa paglaki niya anak ko pa rin siya,"
"Nagsisisi ka ba na iniwan mo si Lalaine at inalagaan ako?!"
"Hindi. Hindi sa ganoon, Marg. Ang sa akin lang, wala sanang mangyari sa baby niya dahil hindi 'yon kakayanin ng konsensya ko."
"No-"
"Sino pong relative ng pasyente?" Biglang lumapit ang Doctor sa amin kaya napatingin kami sa kaniya.
"I'm her mother, kumusta po siya?"
"I'm sorry po, ngunit wala na ang baby. Masyado pang mahina ang kapit nito kaya hindi na naagapan. Excuse me."
Tila naging musika sa pandinig ko 'yon. Finally! Neil will be mine forever.
THIRD PERSON POV
Tila nabingi si Luisa nang marinig ang tinuran ng Doctor. Nanlambot siya.
"Wala na ang baby? K-kasalanan ko 'to," bulong niya sa sarili at unti-unting namuo ang luha sa kaniyang mata.
"Karma na ba sa akin 'to? Dahil sa pag-iwan ko kay Lalaine? Pero kahit ganoon, hindi ko naman siya pinatay sa sinapupunan ko. Binuhay ko pa rin naman siya," saad niya habang umiiyak.
"I'm sorry Lalaine!" tanging nasambit niya at tuluyan nang napahagulgol.
"Excuse me po. Nailipat na po sa room 24 ang pasyente," sambit ng isang nurse kaya napatingin si Luisa.
Hindi na rin siya nag-aksaya ng oras at agad tumayo para puntahan si Lalaine. Doon ay nadatnan niyang gising na ito.
"L-lalaine..." sambit niya at lumapit dito.
"A-ano pong balita sa baby ko? Kumusta siya? Safe naman po siya 'di ba?" nakangiti nitong tanong.
Mas lumapit si Luisa at hinawakan sa kamay si Lalaine.
"L-lalaine...sorry pero w-wala na. Wala na ang b-baby mo. I'm sorry..hindi ko sinasadya."
LALAINE FRANCISCO POV
"L-lalaine...sorry pero w-wala na. Wala na ang b-baby mo. I'm sorry..hindi ko sinasadya."
Pakiramdam ko tinangay ng hangin ang kaluluwa ko dahil sa narinig ko. Nanikip ang dibdib ko ang naging blurred ang tingin ko.
Bakit?
Binawi ko ang kamay ko sa kaniya.
"Umalis na po kayo. Hindi ko po kailangan ang paghingi ninyo ng tawad, dahil hindi niyan maibabalik ang buhay ng anak ko! Kaya umalis na kayo!"
"La--"
"Umalis na sabi kayo!" sigaw ko kaya mabilis siyang lumabas. Naiwan akong mag-isa at lugmok sa nalaman ko.
Napahawak ako sa tiyan ko ngunit wala na ang anak ko. Wala na ang anghel sa buhay ko. Ang tanging magiging kakampi ko ay wala na.
Ito ba ang kapalit ng sobrang pagmamahal ko kay Neil? Buhay ng anak ko ang naging kabayaran? Naging selfish ba ako para kuhain ang anghel ko? Ito ba?
Kung alam ko lang, sana noon pa lang binitawan ko na si Neil. Sana noon pa lang pinakawalan ko na siya. Sana noon pa lang hinayaan ko na siya kay Margarette. Hindi sana ganito kasakit.
Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang taong may dahilan ng lahat.
"Margarette."
"Gising ka na pala. Kumusta naman? Paano ba 'yan? Itinakwil ka na ni Neil ng tuluyan, even his mother hates you. Anong feeling?" nakangising tanong niya. Pinalis ko ang luha sa pisngi ko bago siya sinagot.
"Masaya ka na? Sa 'yo na si Neil! Isaksak mo siya sa baga mo. Itali mo sa saya mo para hindi makaalpas sa 'yo! Dahil sa 'yo n-nawala ang anak ko! Hindi ko n-naman inaangkin si Neil. Pero s-sana naman hindi na umabot na k-kailangan pang madamay ang anak ko!" sigaw ko at napaiyak na lang ulit sa sobrang sakit.
"Whatever you say, Cassandra. Wala nang magbabago. Your baby is gone and Neil will be mine forever, " sabi niya na tila lumabas lamang sa kabila kong tenga.
"Wala ka nang magagawa pa. Anyways, mabait pa rin naman ako kaya ako na nagbayad ng bills mo rito sa hospital. But, of course may kapalit." Saka niya nilapit ang mukha niya sa akin ngunit nanatili lang akong walang imik.
"Lalayo ka at huwag ka nang magpapakita pa kay Neil."
--
"Lalayo ka at huwag ka nang magpapakita pa kay Neil."
"Lalayo ka at huwang ka nang magpapakita pa kay Neil."
"Girl! Tabiiiiii!" Napatalon ako nang may marinig akong malakas na sigaw at preno. Tila nabalik ako sa reyalidad nang makita ko ang isang kotse na kalahating dipa na lang ang layo sa akin.
May bumaba sa sasakyan at nagmadaling lumapit sa akin.
"OMG! Muntik na 'yon girl! Nasaktan ka ba? Ano? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin habang tinitignan ang katawan ko.
"W-wala na. Wala na ang baby ko," tanging sambit ko sa kaniya at umiyak sa harap niya.
Ang sakit-sakit na mawala ang baby ko. Ang baby ko na wala pang muwang sa mundong ito.
"Hala! 'Wag kang umiyak. Nasaan ba ang baby mo? Taha na."
Inaalo niya ako hanggang sa nagpasya siyang isakay ako sa kotse niya.
Tahimik lang ako sa loob ng kotse niya. Hindi rin naman siya nagsasalita. Gusto ko siyang pasalamatan dahil sa kabutihan niya sa akin. Dahil hindi niya ako kilala pero tinulungan niya ako.
"Girl, saan ka ba? Ihahatid na kita. Uuwi pa kasi ako ng Laguna," saad niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Doon. Doon mo ako dalhin. Isama mo na lang ako sa pupuntahan mo. Pakiusap kahit gawin mo na lang akong katulong basta ilayo mo lang ako sa lugar na ito," pakiusap ko sa kaniya.
Hindi siya umimik at tumingin lang sa akin.
"Please."
![](https://img.wattpad.com/cover/173986091-288-k390032.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Unwanted Wife (Un-edited)
Ficción General"I'm Just His Unwanted wife." You can read the full novel in Dreame. Thank you. ©GirlInNiiiight