Chapter 27

1.6K 52 2
                                    


Chapter 27

LALAINE FRANCISCO

"Shangri La Hotel." sagot ni Jay nang biglang tumingin si Jared sa kaniya.

"Shangri La? Anong gagawin ninyo roon?" tanong niya sa amin.

"Fashion show. Si Lalaine ang mag-mo-model ng mga designs ko," saad ni Jay kaya nakuha niya na ang buong atensyon ni Jared.

"Kailan ba 'yon?"

"Sunday--teka nga, bakit ka ba nagtatanong,  Jared Montemayor?" Napailing ako nang banggitin niya pati surname ni Jared.

"Ah. Kung ganoon, pwede ko ba hiramin si Lalaine ng Saturday sa Manila. May meeting kasi ako roon na pupuntahan. I want her to come with me," wika ni Jared kaya napatingin ako sa kaniya. Huh?

"And why? By Friday alis namin." sagot ni Jay pero kay Jared pa rin ang atensyon.

"That's great. I-de-date ko kasi si Lalaine after ng meeting ko." Nagulat ako sa sinabi ni Jared. Ano raw? I-d-date niya ako?

"Huwag kang mag-blush diyan!" tukso ni Jay kaya nakabawi agad ako sa gulat at inirapan siya, pero ngumisi lang siya. Baklang 'to!

Wala nang nagsalita pa at tinapos na lang namin ang pagkain.

Pagkatapos namin magtanghalian ay nagpaalam sa amin si Jay na pupuntahan lang siya kaya naiwan kami ni Jared sa sala. Nakatutok ang atensyon niya sa cellphone niya.

"Uhm..." Pinakiramdaman ko si Jared at mukhang nakuha niyang may sasabihin ako kaya in-off niya ang cellphone at tumingin sa akin.

"May sasabihin ka?" tanong niya ng nakangiti.

"Ah, kasi... itatanong ko lang kung bakit mo ako gustong... uhm... I-date?" Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa titig niya kaya nagputol-putol ang salita ko. Geeez!

"Gusto ko lang. Since pupunta rin naman kayo sa Manila, kaya bakit hindi? Okay lang ba?"

"Okay lang naman pero hindi ba ako makakaabala sa meeting ninyo?" tanong ko.

"Hindi naman. Pag-uusapan lang naman namin ang presyo ng restaurant na ibebenta niya." sagot niya. Tumango-tango na lang ako at hindi na sumagot pa dahil nabaling ulit ang tingin niya sa cellphone.

Tumayo ako kaya tumingin ulit siya sa akin.

"Kwarto lang ako." Paalam ko at tinalikuran ko na siya nang hindi na hinintay ang sagot. Mabilis akong pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. Gusto ko muna mag-isa.

Napabuntong hininga na lang ako nang maupo sa ako sa kama. Umatake na naman ang mga alaala sa akin two years ago.

Ang mawalan ng anak ay sobrang sakit. Pakiramdam ko tinanggal ang kalahati ng buhay ko. Hindi ko mapigilan sisisihin ang sarili ko. Kung naging matalino sana ako at hiniwalayan na agad si Neil, hindi na sana umabot sa ganoon. Kung alam ko lang talaga sana binitawan ko na lang si Neil.

Ang hirap-hirap magsimula. Magpanggap na masaya nang hindi naiisip na sana buhay na lang ang anak ko. Na kahit siya na lang ang kasama ko.

"Lally?"

Sana hindi na lang siya kinuha. Sana nagsama na lang si Neil at Margarette nang hindi nadadamay ang anak ko. Hahayaan ko sila. Wala silang maririnig na sumbat.

Pero,

Bakit? Bakit pati ang anak ko?

"Lally, you're crying again." Hindi iyon tanong ngunit hindi rin ako sumagot, imbes ay niyakap ko si Jaya at sa kaniya umiyak. Siguro ay nagsasawa na si Jaya sa akin dahil palagi na lang siya ang iniiyakan ko. Nahihiya na ako pero siya lang ang masasandalan ko sa mga oras na ito.

Unwanted Wife (Un-edited) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora