Chapter 30

1.7K 64 3
                                    

Chapter 30

LALAINE FRANCISCO

"Oh! It's okay, Lally. Anyway, siya nga pala si Neil Ivan Leviste. The CEO of Leviste Corporation..." wika ni Jared

"And Neil, this is Lalaine Francisco."

"Mag...kakilala kayo?" mabagal na tanong ni Jared.

"Yes..." makahulugang sagot ni Neil.

"Talaga? Magkakilala kayo? Paano?" gulat na tanong ni Jared kay Neil.

"She's my--"

"Boss... way back here in Manila two years ago."

Napailing at napabuntong-hininga nang maalala ang nangyari kaninang pagkikita namin ni Neil. Mabuti at naputol ko agad ang sasabihin niya. Plano niya yatang ibulgar na asawa niya ako? Ha! Never niyang ginawa 'yon noon tapos ngayong hindi na kailangan saka niya ipagsasabi.

Nakahiga ako habang at nakatingala sa kisame. Kahapon pa ako dumating dito pero ngayon ko lang na-appreciate ang ganda ng kwarto. Malawak ang loob nito. May mini table at sofa, may frame rin na bulaklak ang naka-paint. Caramel naman ang pintura ng loob at malaki ang kama. Sa side table ay may lampshade at flower vase. The bathroom is big enough. Maaliwalas ang paligid at masusulit talaga ang pagpapahinga. Pati ang mga staff ng hotel ay maayos ang pakikitungo.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon.

"Lally?" Boses ni Jay ang narinig ko kaya bumangon ako naglakad palapit para pagbuksan siya. Pero hindi lang siya ang nabungaran ko, kung hindi pati si Jared at pareho silang may hawak na tray ng pagkain. Ngumiti sa akin si Jay at inangat ng bahagya ang tray.

Nilakihan ko ang pagbukas sa pinto para makapasok sila.

"Nagpa-service room kami pero napansin namin na hindi ka na lumabas simula pa kanina kaya pinadagdagan na namin ang food at pinuntahan ka rito," wika ni Jay habang naglalakad kami palapit sa mini table. Naupo kaming tatlo sa mahabang sofa at inilapag nila roon ang mga pagkain.

"Oo nga, Lally. It's already seven pm that's why we decide to come here." sabi naman ni Jared habang inaayos ang pagkain ko.

Natakam ako sa mga nakahanda pero hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Kaya rin siguro hindi ko na namalayan ang oras.

"Busog pa naman ako, pero salamat." sagot ko sa kanila.

"Anong busog? Kumain ka, Lally!" sambit ni Jaya at iniusog sa akin ang pinggan. "Eat, Lally." utos naman ni Jared kaya wala na akong nagawa.

"Naging boss mo pala si Ivan two years ago." Biglaang sabi ni Jared kaya nasamid ako. Mabilis kong kinuha ang tubig at uminom.

"A-ah... oo s-sa restaurant nila." mabilis kong sagot. Pasimple kong nilingon si Jaya na kumakain. Thanks at hindi siya nag-re-react.

"Right. They have two restaurant, pero ibinenta na niya iyon pareho sa akin. Mahilig kasi akong magluto lalo na si Mommy kaya binili ko." Gulat akong napatingin kay Jared dahil sa sinabi niya.

Ibinenta niya ang resto na para kay Margarette?

"K-kailan?" tanong ko nang makabawi sa gulat.

"Kanina. Iyon ang pinag-uusapan namin kanina nang dumating ka.  May mga kailangan pang iprosesong papel kaya hindi technically sa akin," sambit niya bago nagpatuloy sa pagkain.

Bakit niya kaya ibinenta ang resto? Para iyon kay Margarette. Nakakapagtaka naman kung bakit niya iyon ibinenta?

Ano kayang nangyari sa kanila two years ago?

Unwanted Wife (Un-edited) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt