Chapter 7

2.1K 72 4
                                    


  Chapter 7

Lalaine Francisco-Leviste

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

Hinawakan niya ako sa batok at mas nilapit para mahalikan pero tinuon ko ang kamay ko sa dibdib niya at iniwas ang labi ko. Mali 'to!

"N-iel hi--ndi ako si ma--rgar-ette." Putol putol kong sabi dahil kapag umiiwas ako ay pilit niya akong hinahalikan. Bigla siyang tumigil at nagmulat ng mata saka tumingin sa akin.

"I know Lein, you're not marg because you're Lein, my wife." Lasing niyang sabi saka dahan-dahan akong hinalikan, pero this time marahan na. Nanatiling tikom ang bibig ko. 'wag kang bibigay Lein.

"I want you Lein...please" paos niyang sabi at hinalikan ulit ako, bumaba ang halik niya sa leeg ko.

Naka-spaghetti strap lang ako kaya malaya niyang nahalikan ang leeg ko.

"Nei..l" sabi ko. Pakiramdam ko nalalasing na ako sa ginagawa ni neil.

"Please, Lein." Sabi niya ulit at doon tuluyan na akong bumigay at nagpaubaya sa kanya.

Just now, hahayaan ko muna ang sarili ko na isipin na mahal ako ni neil, kahit ngayon lang.

-

Nagising ako ng ala-sais kaya agad akong napatayo pero napa-upo ulit ng maramdaman ko ang sakit sa pagitan ng hita ko. Did we...?

Oh my god! Totoo nga. Akala ko panaginip lang.

Napatingin ako sa tabi ko at wala na si neil doon. Hays. What do you expect Lalaine? Breakfast in bed? You're not in the book, so, stop dreaming.

Tumayo na ako kahit masakit pa at pinilit maglakad papunta sa kwarto ko para maligo. May pasok pa ako.

Hindi naman siguro ako mabubuntis 'no?

Napatigil ako dahil sa naisip ko. Possible ba 'yon? Isang beses lang nangyari pero...oh my god!

Wala kaming ginamit tapos nakailan pa kagabi, possible ba 'yon?

Pinilig ko ang aking ulo at umiling. Ano ba itong naiisip ko? Of course! Hindi ako mabubuntis dahil hindi 'yon ikatutuwa ni Neil, si Margarette ang pangarap niyang pakasalan kaya siya rin ang pangarap niyang maging ina ng mga anak niya. Pero, bakit ang sakit yata sa dibdib?

Nag-asikaso na ako ng sarili ko dahil may pasok pa ako.

"Oh, ija kumain ka muna bago ka pumasok. Inaantay ka ni karding." Sabi ni Manang ng madatnan ko siya kusina. Naglakad ako sa upuan para kumain.

Si mang karding ang maghahatid sa akin?

"Si mang karding po? Si Niel po?" Tanong ko kay Manang at nagsimula ng kumain. Binigyan niya ako ng baso na may Milo. Bilin 'yon ni tita.

"Oo, maaga kasing umalis si Neil." Sagot niya kaya tumango ako. Hindi niya ako ihahatid? O hindi na talaga?

Mabilis kong tinapos ang pagkain at nagpaalam kay Manang para pumasok.

"Lalaine!" Sigaw ni mae ng makita ako. Kumaway ako at lumapit sa kanya.

"Oh, mae bakit?" Tanong ko sa kanya. Sabay na rin kaming naglakad.

"Wala naman. Kamusta ka naman?" Tanong niya.

"Okay lang ako." Nakangiting sagot ko ng makita namin si achi na naglalakad palapit sa amin.

"Prince charming mo." Bulong ni mae kaya umiling lang ako.

"Hatid na kita Laine." Sabi nito ng makalapit sa amin. Ngumiti naman ng mapanukso si Mae.

Unwanted Wife (Un-edited) Onde histórias criam vida. Descubra agora