Accidental Hit
Lumipas na ang ilang araw at wala na akong panahong makipag-usap sa kahit kaninong diyos matapos noong araw na iyon.
Si Eros, ayun instant hearthrob na dahil pinagkakaguluhan ng kababaihan. Si Hypnos, punong puno na ng kiss mark paggising niya palagi dahil ninanakawan ng halik ng mga babaeng dumadaan. Sinunod nga ang sinabi kong huwag ng matulog ng hindi kita ang mukha ayun, parang palaging na-harassed kapag gumigising. Lagi ding natutulala ang mga babae kapag tumitingin siya sa mga mata nila. Kahit ako nga ganun din ang nararanasan. Kaso ako nakaka recover, sila hindi.
Si Ares... nagpapapansin sa'kin dahil hindi pa daw siya satisfied doon sa ginawa niya. Lol. Joke lang siyempre. Hindi na nga nagpapakita at nagpaparamdam 'yon eh. Si Celeste, balik aral at hindi na namamansin dahil focused daw siya sa exams.
Anong pinagfofocusan niya eh kahit hindi iyon mag-aral ay perpekto ang score na makukuha non.
Ako, naubusan na ng oras at panahon kakagawa ng requirements, pagsasaayos ng scheds, pagsu-supervise ng nga kailangang gawin para sa nalalapit na school fest at madami pa akong hinahabol na documents na ipapapirma sa principal namin.
Hindi ko naman talaga nirereview yun eh. Pinapasa ko lang. Hindi ko nga maintindihan eh.
Mahirap pero marami akong katulong. Si Frederico ang taga-kuha ng documents at iniipon iyon saka isinasalansan at pina-pile up upang hindi ako mahirapan.
Si Harry ang iniatangan ko ng trabahong pagdidisiplina sa mga estudyanteng lumalabag sa school rules at si Chad ang bahalang magre-read ng lahat ng ginawa ko at magpapasa niyon sa principal na mag-aaprove ng lahat. Si Chad ang nasa Monitoring Committee ng Student Council kaya trabaho niya ring alalayan ako sa lahat ng bagay, lalo na kapag absent ako. Graduating na siya, hindi lang halata dahil mas isip bata siyang mag-isip. Ang Vice president ko? Secret.
Hindi din lahat ay lalaki sa student council, may mga babae din. Plano ko nga sanang i-recruit si Celeste para siya sa funding at tagahawak ng pera namin.
Wala namang magrereklamo kahit walang botohan eh, ako naman ang masusunod. After all, ako din naman ang anak ng may-ari ng school nato. Duhh~
"Hey! My beautiful president!"
Napairap ako sa hangin dahil sa ingay ni Chad.
"What?!"
"Galit na agad? Sa gwapo kong ito? Nagagalit ka?" Tanong niya na naman tapos umaktong nasasaktan dahil nay pahawak-hawak pa siya sa dibdib niya pero naka pogi pose.
"Titigil ka o ipapatapon kita sa labas." I threatened and looked at him sharply.
Nagzip lang siya ng kaniyang bibig at ngumisi.
"By the way, si Freddy pala eh absent dahil may sakit daw boss, kaya pasalamat ka dahil hindi mo siya makikita ngayon!" Mukhang tuwang-tuwang aniya at sumuntok pa sa hangin.
Napairap ulit ako. "Ikaw?" Taas kilay kong tanong.
"Huh? Anong ako?" Turo niya naman sa sarili niya.
"Kailan ka magkakasakit?"
Agad siyang sumimangot at umakto na namang nasasaktan. "Ouch. You hurting mah feelings."
Inirapan ko na lang siya ulit. Sometimes, having to talk to Chad makes my brain grow mushrooms.
"Chad, when will you learn to love Frederico?" Tanong ko ulit habang pinipirmahan ang files na ipinasa ni Fred sa'kin kahapon at itinambak dito sa lamesa.
His face contorted in disgust. "Iww." Kumento niyang nakangiwi. "I just remembered that I've had pizza this morning." Sabi niya at umaktong nasusuka saka lumabas sa office.
BINABASA MO ANG
We Are The Gods
FantasíaEverything we built started crumbling into pieces. The place we thought we're building were actually ruins that made us believe was whole. Our once mighty kingdom has fallen, and we swore to build it once again, after all of this, and after everythi...