The Plan
Tuluyan na akong napasalampak sa sahig.
Sabi ko na nga ba.
Lahat ng nangyayari ngayon ay konektado. Simula sa umpisa hanggang sa huli. Lahat lahat. Walang hindi kabilang. Nandoon na eh, hindi ko pa nakita.
I thought I could see. But I really couldn't. Nagsinungaling sa'kin ang sarili kong mga mata. Kahit sarili ko ay hindi ko na mapagkatiwalaan.
Naligo sa dugo ang aking mga hita pero wala akong pakielam. Madumihan na kung madumihan.
Wala akong nararamdaman. Manhid na ang sarili kong katawan.
Kanina pa akong nakatitig sa mga nakahandusay na katawan. Tangina lang.
Tangina lang.
Umalis lang ako sandali, tapos uuwi akong wala na sila. Tangina.
Hindi ko na namalayan ang mga butil ng luhang pumatak sa aking pisngi. Sana ako nalang. Hindi ko sila pamilya. Inampon lang nila ako. Pinalaki, inaruga, minahal, tinuring na parang tunay na pamilya. Pero ginagago ako ng tadhana.
Nabuhay ang mga naturingang hindi makatotohanan, at hindi ko alam kung ano ang koneksyon ko sa kanila para madamay ako ng ganito. Kung ako ang target, sana ako lang. Tangina naman.
"Celeste, we will avenge–"
"Shut up! Fvcking shut up! Tangina mo!" Galit na sigaw ko at tumayo para muli siyang itulak. Natumba kaming dalawa sa sahig.
Napagtagpi-tagpi ko na. She made this. Lahat-lahat. Siya ang naging kamay ng tadhana. At isinulat niya ang lahat ng ito.
"Sabihin mo sa'kin ang totoo! You planned this all along! Sabihin mo! Sino ba ako ha?! Sino ako?! Sino?! Bakit kailangan niyong gawin sa'kin' to?! Bakit kailangan niyong patayin ang pamilya ko! Tangina anong ginawa ko sa inyo?!" Wala akong magawa kundi alug-alugin siya habang unti-unti ng nababahiran ng dugo ang mahaba niyang buhok.
Patuloy ko siyang inalog-alog. "Answer me! Fvcking answer me!"
Kumunot ang noo niya, at mas lalong lumamlam ang mga mata. Like a seasoned actress, her eyes suddenly mellowed down, and it turned desperate and pleading.
"Cece, calm down, okay? Nadadala ka lang ng emosyon mo. It's just in your head, okay?" She said that with a tone like that of a doting mother to her child.
Hindi ko alam kung tatawa ako o maiiyak. She's even copying Aling Fely now. What the fuck.
Nag-init agad ang ulo ko kaya tinulak ko siya. "You'll never know what is running in my head! Hindi mo 'ko kilala! Ang alam mo lang ay ang pahirapan ako! Wala akong ginawang masama sa inyo! Nakipag-kaibigan lang ako sa'yo! Pero bakit kailangan kong maghirap?! Bakit ako pa?! Walang kasalanan sa'yo ang pamilya ko! Minahal lang nila ako! Minahal lang!"
Gusto ko siyang saksakin ng paulit-ulit para malaman niya kung ano ang nararamdaman ko. Wala akong alam.
Pero mas lalo akong nanghina ng matahimik siya at bigla na namang nawala ang kaniyang emosyon. Her warm eyes dulled, and she smiled sinisterly.
My heart stopped.
"You are Athena's vessel now, Celeste. She will never take over when you remain attached to your family," she said, her voice as soft as a newly bloomed flower, light and gentle like a dispersing cloud.
Tuluyan na akong nanghina.
She's crazy.
Saphria Mieran is a deranged person. She's mental.
BINABASA MO ANG
We Are The Gods
FantasíaEverything we built started crumbling into pieces. The place we thought we're building were actually ruins that made us believe was whole. Our once mighty kingdom has fallen, and we swore to build it once again, after all of this, and after everythi...