chapter 22 - i'll be..

1.7K 24 1
                                    

AAMMMBBIITTTEEERRR KO NGAYOOOONNN!!! Naiines kase ko eh, GUSTO KO MAKITA SILA DONGHAE AT SIWON!! Kung alam ko lang na nasa trinoma yun, (trinoma nga ba?) pupunta talaga ko!! Nakaka-aning lang.. lalo na yung sinabi ni siwon na.. “maha-l ko ka-yo!”

WAAAAAHHHHH.. AYLABYUTUUUUUU!! SUJU! LABYUUUUUU!!

(lukaret na si author.. haha)

O sya, eto na pala. Enjoy! :D

Chapter 22

*sharmaine’s POV*

Natapos ko ng linisin yung bahay, labhan lahat nung damit ko, nakapagplantsa na din, nakapagdilig na ng halaman, napakain ko na at naliguan ko na yung aso ko, nakapag linis na din ako ng mga plato at naiba ko na din yung ayos ng sala ko. Nilipat ko lang sa ibang pwesto yung sofa..

Ganito kasi ako kapag malungkot ako eh, ayoko kasi yung iyak ng iyak. Sasakit lang ang ulo ako. Gusto ko kasi makalimot eh.. yung nangyari nung nakaraan sa amin ni Jared.

But, how can I forget him, if he still want to get attach with me? Lagi nya kong tinatawagan, tinetext. Laking pasasalamat ko nga talaga ky Jerwin eh, binigay number ko. Biglang ganti, umaatikabong batok yung ginawa ko sa kanya.. takte siya.

Natawa naman ako kay Joan, ipagtanggol daw ba, hindi naman daw kasi nila alam. Oo, NILA.. kasama kasi siya dun sa nagbigay, kinilig pa ang gaga! Naku! Balik daw ang dati. Kung alam lang nila.

Pero, wag ko na daw sisihin si Renz.

si Jerwin din yun, first name nya at si Jaja (joan) lang yung tumatawag ng ganun.. kasi, di daw nila alam. Sorry daw, tsss.. ayan na eh! Nangyari na. pag-untugin ko pa yung labers na yun eh.

Akalain nyu nga naman oh.. childhood sweethearts pala yung dalawang yun. xD

Palaging dumadalaw si Jared sa bahay ko. Paanu nalaman? Matagal na nyang alam yun. Pero di ko siya pinapansin. Kundi naman, twing may performance ako dun sa restau, nandun siya. Laging may dalang flowers. Di ko alam kung bakit ayoko muna sa kanya, naiinis ako. Medyo masakit pa din kasi eh..

Dati rati, ganito yung gusto kong mangyari eh. Yung bumalik siya sa akin tapos magiging ok na. hindi pala ganun kadali yun. Mukhang Malabo na yata..

You're all that i need - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon