chapter 41 - showbiz chika!

1.4K 31 1
                                    

Chapter 41

*Sharmaine’s POV*

Biglang napadilat yung mata ko nang biglang may dumagan sa may bandang tiyan ko. Tinignan ko iyon at napansin kong braso iyon ng tao. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang ma-realize kong may katabi akong tao sa kama ko..

Bigla ko iyon tinabig at tinignan ko kung sino iyon..

“Jo..Johan?!”

Kahit tinabig ko na, hindi pa din siya nagising at ibinalik pa yung pagkakayakap nya sa akin. Biglang nag-flashback sa utak ko yung mga nangyari kagabi. Naalala ko nga pa lang inalagaan ako nito kagabi at dito na siya nakatulog.

“akala ko kung sino na..”

Tumagilid ako para makita ko siya at tinitigan ko yung mukha nya. Tinignan ko itong mabuti, hinawakan ko ng dahan-dahan yung pilikmata nya then ung noo nya pababa dun sa may tip ng ilong nya.

“ang tangos! Hehe”

Nagulat ako ng bigla niyang kinamot yung ilong nya at saka tinalikuran ako..

Ang sunget! Kahit tulog.. >_<

Tumayo na ko at lumakad palabas ng kwarto ko. Tumungo ako sa banyo para gawin yung dapat gawin sa umaga. Pagkatapos nun, dumiretso ako sa may kusina para magluto ng breakfast. Buti na lang talaga at may stock akong pagkain dito, kundi magugutom si Johan sa bahay ko.. xD

Habang may nakasalang ako, lumabas muna ako ng bahay para bumili ng pandesal dun sa may katapat na bakery. Alam kong mainit pa ung pandesal dun, kaya bibili ako.

“ate, 20.00 pong pandesal..”

“sige ate, sandali lang.. kukuha kita sa likod.. mainit pa yun..”

“ay sige ate.. salamat!”

Pumunta na dun si ate sa may likod ng tindahan nila para kumuha ng pandesal. Sa likod kasi nito yung mga malalaking oven nila, at dun hinahango yung mga tinapay..

 

“showbiz chika!”

Napatingin ako dun sa may t.v nila na nasa may bandang gilid ng biglang sinabi yung ‘showbiz chika’. Lately, nagiging chikadora na din ako pagdating sa celebrities. Dahil siguro sa issue between Johan and her.

You're all that i need - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon