chapter 32 - si Junior.. :P

1.7K 32 2
                                    

  

Chapter 32

*sharmaine’s POV*

Sa dinami dami ng pwedeng masakyan papuntang palengke, sa bus pa naisipan ni Johan sumakay. Ayan tuloy, nakatayo lang kami dahil walang vacant seat dito. Ang lapit lapit nga lang ng palengke mula dun sa rest house, pero ewan ko ba dito sa kasama ko kung bakit nag-bus pa.

As I said, on the way nga kami papuntang palengke dahil mamimili kami ng pagkain namin for 5 days. Chinallenge kasi kami ni ate Jessie eh. Isinama nya yung katiwala nila sa resthouse nila dun sa may benguet para daw wala kaming taga luto. tsaka inubos lahat ng stock sa may storage nila. Kailangan daw namin matutong tumayo sa sarili naming mga paa.

Naalala ko pa tuloy yung scene namin kanina..

“waaahh.. nakakaasar talaga yang si ate, di na nahiya sa mga bisita ko. Sino na lang magluluto?” – jerwin

“hindi ka ba marunong, labs?” – jo

“hindi labs eh.. paano yan? Ikaw ba, marunong ka?”

“ oo naman!”

“ yoonnn!! So, ano lulutuin mo ngayon, labs? :D”

“hmmm… o-omelette?”

“OMELETTE?? (OoO) Wa-wala ng iba?”

“yun lang alam kong lutuin eh.. (_ _)>”

Sa 5 days na pamamalagi namin dun, puro omelette kakainin namin?? Parang.. nakakaumay naman yun kapag naiisip mo pa lang..

Eh ano pa nga bang magagawa ko, edi ako na lang nagprisintang magluluto para naman medyo Masaya ang buhay namin dun. nung sinabi ko yun sa kanila, biglang sumigla talaga yung bahay.. nagtatalon si Jo tapos yung dalawa naman nag-apir pa. parang mga bata lang.. xD

Kaya eto kami ngayon.. patungo sa palengke..

Huminto yung bus at may isinakay na naman kaya nasiksik kami dun sa may bandang gitna..

“umusod ka dun, sharmaine”

“bakit? Masikip na dun oh..”

“basta.. sumunod ka na lang..”

Umusod naman ako dun sa sinabi ni Johan na side at hindi ko alam kung bakit. Nagulat na lang ako nung ikulong nya ko sa mga braso nya, at saka siya kumapit dun sa may dalawang sandalan nung upuan. Para tuloy siyang nakayakap sa akin..

nakakailang, ang lapit lapit ng mukha nya sa mukha ko.. >_<

“u-uh.. Jo-johan.. uh..”

“wag kang malikot. May gustong mangmanyak sayo..” bulong niya..

You're all that i need - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon