chapter 28 - sunget! >_<

1.6K 31 0
                                    

Chapter 28

*sharmaine’s POV*

Lumabas na kami ni Jo sa may hall para hanapin sina Johan at Jerwin. Dapat pala hindi na lang nagkakilala yung dalawang yun.. nag join force pa talaga sila na magalit sa amin ha.. >_<

Nagdecide kami ni Jo na maghiwalay muna para madali yung paghahanap namin dun. Parang mga bata tuloy sila na hinahanap ng pamalo ng mga nanay nila! Mga pasaway! >_<

I texted Johan at tinanong ko kung saang lupalop sila nagpunta ni Jerwin. At sa ganda nga naman ng isinagot nya, halos lagyan ko na siya ng korona sa ulo dahil sa tuwa ko..

“wag mo na alamin.. jan ka na sa kausap mo.. amp”

AMP?? Saan nya nakuha yun?

How inspiring diba.. gaganahan ka talaga hanapin yung ganitong tao eh. Para mabatukan mo ng bonggang bongga! Magselos daw ba?! Eh wala naman kaming ginagawang masama nung cute boy na yun – sabi ni Jo – tapos magseselos ng ganun. Diba pwedeng mag-explain muna? >_<

Pero, hindi ko na muna sasabayan yung init ng ulo nya.. lalo kasi kami nyan mag-aaway eh.. sa 2 months na pagsasama namin nyan as a couple, madali ko na agad siyang nakabisado. May pagka-isip bata na mature.. ang labo nun diba? Pero, yun yung minahal ko sa kanya eh... xD

Konting lambing lang naman katapat nito eh.. :P

Nagreply ako ng..

“dada naman.. sabihin mo na pls.. :D”

Napansin nyo bang.. ang korni nung endearment? Kahit ako nakokornihan eh.. siya kasi nag-isip nun.. dada na lang daw itawag ko sa kanya, tapos mommy daw tawag nya sa akin. Naumpisahan na daw kasi yun, nung anak pa namin si troy..

binalak pa ngang BEBE na lang daw kung ayaw ko nun eh.. aba! Dun na ko sa nauna.. ano kami, BIBE?? Mas prefer pa nga ako dun sa Johan-Sharmaine na lang eh.. baduy kasi.. >_<

hinintay ko lang yung text nya, pero di pa siya nagrereply. Lumipas na yung 20 mins pero wala pa din siyang text. Naiinis na kong talaga eh. Ayoko sana munang magalit, pero mukha na kong tanga dito kahihintay sa sagot nya.

“Johan! Ano ba?! Sinasabi ko sayo, kapag hindi mo sinabi kung nasaan kayo, alam mo na mangyayari sayo. It’s either batok o kurot!”

Hinintay ko pa yun ng mga 10mins, bago siya sumagot. Sana makuha sya text ko..

You're all that i need - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon