chapter 40 - baby? xD

1.6K 30 2
                                    

Chapter 40

*Johan’s POV*

“AARRGGHH!!”

Bigla kong nahagis yung phone ko sa may ibabaw ng kama at napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis. Kanina ko pa kasi tinatawagan si Sharmaine, pero hindi nya yun sinasagot, o kaya naman nirereject nya..

“problema ba nun?!”

Umupo ako sa may gilid ng kama ko at dinampot ko sa may gilid yung PSP ko, at naglaro ng naglaro lang dun. pero sa kinabadrip badtrip ko naman talaga, laging natatalo yung character na gamit ko.

“badtrip!”

Hinagis ko din patungo sa may phone ko yung hawak ko at inihiga ko na lang yung katawan ko sa may kama. Padabog kong ginawa yun, kaya naman ang lakas ng impact ng pagkakauntog ko dun sa may headboard ng kama ko..at masakit yun!

“tek! Sakit ha!”

Napabangon akong bigla at hinawakan ko yung parte ng ulo kong nauntog doon. Sa inis ko, hinampas ko yung headboard, pero imbis na ma-satisfy ako sa ginawa ko, lalo lang akong nabadtrip..sumakit kasi yung kamay ko pagkatapos kong gawin yun..

 

Di ko alam na masakit pala yung ginawa ko..

*dug dug*

O_O!

Oh? Bakit parang bigla akong kinabahan? Ano ba yung nasabi ko??

Ang weird yata.. O_O?

Tumayo na ko nun at lumabas para tumungo sa may kusina. Mas lalo lang akong maiinis kapag nagkulong lang ako sa kwarto.. baka ika-baliw ko pa yun..

Saktong pagkababa ko naman, nakita ko si nanay pat na naghahain na ng pagkain sa may mesa..

“oh, iho.. sakto at nakatapos na ko magluto.. kumain ka na..”

“nasaan po si mom?”

“umalis na.. kanina pa, kasama si Louchee, may lalakarin daw sila..”

“ah.. ganun po ba.. sige po..”

Naupo na ko pagkatapos nun at tsaka nagsandok ng pagkain ko. Napansin yata ni nanay pat yung pagkabadtrip ko kaya naupo siya sa tapat ko at may sinabi..

You're all that i need - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon