chapter 43 - flashback

1.4K 29 1
                                    

-pasensya na sa pag_UD ng matagal. busy-busyhan kase ang peg ko ngayon.. pero, enjoy reading!

two chaps in a row..

P.S: dedicated to KJCADIZ.. thanks ulet :) 

------

Chapter 43

*Johan’s POV*

Pagkapasok ko pa lang sa restau bar nila Jo, agad kong nakita si Sharmaine na nire-rehearse yung kanta nya, kasabay ng pagp-piano nya. Nasa may isang gilid siya nun at busyng-busy sa pagpindot ng mga keys dun. hindi ko naman marinig kung ano yung tinutugtog nya dahil malayo siya sa akin.

Mula sa may entrance door, lumakad ako patungo sa kanya. Hindi nya ko napansin at hindi pa din nya tinitigil yung pagrehearse nya, kaya naman napatingin siya sa akin nun ng kumakanta pa din. Napatigil lang siya nun ng Makita akong papalapit ako sa kanya.

“Johan..”

Ningitian ko siya kasabay ng pag-wave ng kamay ko. Bigla siyang tumayo sa upuan nya at tumalikod sa akin. tumakbo ako para pigilan ko yung pagwa-walk out nya. Hindi ako sanay na nagkakaganito siya sa akin, kaya medyo nakakaramdam ako ng sakit dito sa dibdib ko.

“teka lang.. “ sabay hawak ko sa braso nya

“ano ba? Bitiwan mo ko..”

“mag-usap naman tayo oh..”

“busy ako.. may gagawin pa ko sa loob. kaya bitiwan mo ko..”

“don’t be so cold to me, please.. I just want to clear things up..”

“ano ba kasi paguusapan natin?”

“kahit saglit lang.. let’s go out..”

“kung gusto mo kong makausap, pagkatapos ko na lang sa ginagawa ko. Matuto kang maghintay! Hindi yung puro ako na lang lagi yung pinaghihintay mo..”

Sabay alis ng kamay ko sa braso nya, at tuluyan na siyang umalis sa harapan ko.napayuko na lang ako pagkatapos nun. Alam kong maling mali yung ginawa ko, pero sana naman bigyan nya ko ng chance makapag-explain sa kanya ngayon.. gusto kong maayos tong gulo to between us..

Huminto siya, at muling humarap sa akin..

“hintayin mo ko jan.. may sasabihin ako mamaya..”

Saka tuluyan na siyang umalis..

Ano kaya yun??

Wag naman sana yung naiisip ko.. tsk.

You're all that i need - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon