chapter 55 - truth..

1.6K 24 3
                                    

----------------

Chapter 55

*sharmaine’s POV*

the necklace.. at the right side.. --------------->

:D

Naiwan akong nakaupo mag-isa dito sa may sala nila dahil bigla na lang nag-walk out si Johan at tumungo sa labas. Sinundan naman siya ni Ms. Hannah, who is ate nya, kaya naiwan akong mag-isa dito. Hindi ko mapigilang hindi mapaisip sa mga nangyari. Nakita ko kasi sa mga mata ni Johan ang sakit ng  nararamdaman nya na hindi naman matanggap ng puso ko.

Pinilit kong itago ang nararamdaman ko dahil alam kong iyon ang tama. Kung hahayaan ko iyon, alam kong sa bandang huli ay may masasaktan na naman akong tao. Ayoko humantong sa lahat ang ganun. Mas mabuti nang ako na lang ung masaktan, kaysa sa iba..

“sharmaine, hija..”

Mula sa pagkakayuko ko, napaangat ang tingin ko sa taong tumawag ng pangalan ko. Isa syang magandang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40’s na at mukhang familiar..

“yes, mam? Kilala nyo ho ako?”

“oo hija.. kilalang-kilala kita.. palagi kang nakkwento sa akin ng anak kong si Hannah.. at ni Johan.. and I know that, ikaw ang babaeng mahal ng anak ko..”

Nayuko akong bigla sa sinabi nya. Sa mga sinagot nya sa akin, alam kong iyon ang mom nila. Kaya pala familiar siya sa akin, is because nagkausap na pala kami before..

Napatingin ako sa kanya ng tabihan nya ko sa sofa, at hinawakan ang kamay ko. I was shocked, because she held my hand and she started crying. Nagtataka ako kung bakit, pero still, hinawakan ko din ung kamay nya..

You're all that i need - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon