chapter 20 - Renz-Jaja

1.7K 31 1
                                    

Madami akong narration dito ah, pagpasensyahan nyo na si Jerwin. Di kasi pala salita eh. Ininarrate na lang yung ginagawa nya. Pero meron din silang conversation dito ni Joan.. hehe, enjoy.

Chapter 20

*Jerwin’s POV*

Ang tagal lumabas ni Joan sa kitchen, sabi nya magtitimpla lang daw siya ng juice, pero parang natabunan na yata siya ng juice dun. almost 20mins na yung nakakalipas simula ng umupo ako dito sa may sofa nila. Nakausap ko na lahat nung appliances nila dito pati na din ata yung mga picture frames na naka-display dito, pero wala pa din si Joan.

Napatingin ako dun sa may ilalim ng lamesita nila at may mga naka-arrange na photo albums dun. Since wala pa naman si Joan, at wala akong magawa dito, titignan ko na lang yung mga photo albums na nandito.

Madami akong natignan na mga pictures pero puro sa mom at dad lang nya yun. Yung mga picture nila nung mga binata’t dalaga pa sila, kaya itinabi ko na lang yun at hinanap ko yung kay Joan.

Hindi naman sa ayaw ko tignan yung sa mom at dad nya, pero ang pakay ko talaga dito, ay yung mga pics ni Joan. Malay nyo, makanenok ako. Panlagay sa wallet ko.. ahaha.. xD

Nakita ko sa may panghuli yung color pink na photo album, medyo makapal yun. Kaya na-curious ako at binuksan ko yun. Sakto! Yung front page nun ay yung solo picture nya. Medyo close-up yun at may light make-up siya.

Laking studio din pala siya, lagi syang nagpapapicture sa studio. Haha, parehas kami nung bata pa lang ako, suki din kami dati dun ng ate ko. Minsan pa nga kasama namin dun si maine eh. xD

Buklat lang ako ng buklat nun, nang mapunta na ko dun sa may mga class picture nya nung elementary pa lang siya hanggang high school. Naka sunod-sunod yun by year kaya uumpisahan ko muna nung nasa elem pa siya.

Tinrace ko kung nasaan siya, at ayun! Nakita ko siya sa may gilid. Siya ata yung pinaka maliit kaya nandun siya, natatawa pa nga ko nun kasi ang taas taas ng ipit nya tsaka meron siyang bangs. Ang Cute lang. :D

Tawa lang ako ng tawa dito, hanggang sa mahinto ako nun sa isang picture. Iba na kasi yung uniform nya dun. Grade 3 na siya dito kaparehas ng uniform namin dati.

“grade 3 sec—tion.. st. matthew?!?!”

Parehas kami ng section ah.. hanep! Parehas na parehas ah. Soulmate yata kami eh. :D

As usual, nasa gilid ulit siya nun kasi siya yung pinaka maliit. Nung ililipat ko na, nahagip ng mata ko yung isang bata dun na parang… kahawig ko? Parang ako??

You're all that i need - (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon