Mensahe para sa mga na-two time

70 0 0
                                    


Siguro marahil habang binabasa mo to umiiyak ka ngayon habang yakap- yakap mo ang teddy bear na binigay niya sayo nung monthsary nyo na binili pa niya sa blue magic o kaya naman hawak- hawak mo ngayon ang couple ring na binili niyo pareho sa unisilver.

Umiiyak ka dahil niloko ka niya. Umiiyak ka kasi may biglang iba na pala siya. Umiiyak ka dahil minahal mo siya ng sobra, yung sobra na higit pa sa pagmamahal mo para sa sarili mo. Umiiyak ka ngayon kasi akala mo forever na kayo.

Naiiyak ka dahil tinatanong mo lagi ang sarili mo in the past few days kung "ano ba ang mali?", "ano ba ang naging mali?", "may nagawa ba ako?", "pangit ba ko?","ano ba ang kulang? o "may naging pagkukulang ba ako?"

Bakit?

Bakit?

At isa pang Bakit?

Ang rason niya kung bakit kayo naghiwalay, siguro maiintidihan mo o pwede namang maguluhan ka sa dahilan niya. Pwedeng masasabi mong ang babaw naman o kaya naman mapapa-PUTANG INA ka na lang sa naging sagot niya. 

Ang totoo niyan ang bukod tangi lang naman talaga na lubos na makakaintindi niyan ay SIYA.

Siya lang naman ang may alam talaga ng dahilan at rason sa mga bakit mo. Siya lang naman yung may naramdamang iba kaya humantong kayo sa ganyan pero kahit ganon wag lang siya ang sisihin mo sa break up nyo. Magreflect ka din. Tignan mo ang sarili mo kung may mali ba o ano ba ang mali.

Sa ugali? Sa gawi? Nasakal mo ba siya? Nasaktan mo ba siya?

Nagtataka ka ba kung bakit ako ganito magsulat? Kasi oo based on experience din ang lahat ng nasusulat ko ngayon dito at lahat yan natanong ko na rin sa sarili ko except dun sa teddy bear at couple ring dahil wala naman sila saking nabigay na ganon. Oo tama ka, SILA. Madaming beses akong na-two time noon. Siguro naiisip mo ngayon na ang tanga ko, na hindi na ako nadala, na hindi na ako natuto dun sa nauna. Eh anong magagawa ko? Masarap magmahal. Masarap ang mahalin. Masarap ang kiligin.

Para sakin hindi pagpapakatanga ang matatawag ko sa mga desisyon na nagawa ko. Sabi nga nila "EXPERIENCE IS THE BEST TEACHER" siguro kasi kaya naranasan ko ulit mapangalawahan kasi baka kulang pa yung natutunan ko dun sa nauna.

Magagalit ka sa kanya sa una. Iiyakan mo siya ng iiyakan. Una, hindi mo pa matatanggap na wala na kayo. Hindi mo pa matatanggap na niloko at nagsinungaling siya sayo. Kakamuhian mo siya dahil pinagsabay niya kayo. Sa una lang yan. Hindi mo naman agad kailangang pilitin ang sarili mo sa pagmomove on o magpatawad. It takes time. Hindi yan tulad ng sugat na lagyan mo lang ng betadine at takpan ng band aid eh mawawala na. Nasaktan ka. Naloko. Kailangan pa yan iprocess ng utak at puso mo lalo na ng emosyon mo. Wag mo biglain. Wag mo ring madaliin. Ilabas mo lang lahat ng yan. Iinom mo kung gusto mo pero wag naman yung over na gumapang ka papunta sa kama mo sa sobrang kalasingan mo kasi tandaan mo kinabukasan pagkagising mo promise maaalala mo parin yan. Pusta pa tayo pagkamulat ng mata mo at pagtingin mo sa ceiling ng kwarto mo eh yan agad ang maiisip mo. Ganyan talaga pero tandaan mo dapat maging proud ka rin sa sarili mo dahil hindi ka masasaktan ng ganyan kung hindi ka talaga nagmahal ng tunay at totoo.

Let it out. Yan ang unang step. Magdrama ka hanggang sa magsawa ka. Iyakan mo lahat ng lovesongs na maririnig mo yung parang nakakuha ka ng kakampi sa pamamagitan ng isang kanta. Yung kuhang kuha ng bawat liriko ng kanta ang nararamdaman mo. Yung sumasabay pa sa emosyon mo. O kaya naman manood ka magisa ng sine at ang panoorin mo ay yung love story malay mo may matutunan ka. Ikwento mo sa bestfriend mo, sa barkada mo o kaya naman sa mama mo. Madalas yung mga payo nila o yung may nakakausap ka sobrang laking bagay non para kahit papaano gumaan ang pakiramdam mo.

Acceptance. 2nd step. Pagnagsawa ka na sa kakaiyak, dun mo try tignan ang sarili mo sa salamin. Mugtong mga mata. Eyebags na pinaghirapan mo sa kakapuyat mo dahil dyan sa pagiyak mo. Haggard na face. In short, your bruha look. Kailangan mong tanggapin na wala na. Na hindi ka na niya babalikan. Te, di pwedeng forever kang ganyan aba pano paglabas mo sa bahay niyo eh makita mo na pala ang right person para sayo. Yung taong nakalaan na pala para sayo. Hindi ka magiging maayos kung hindi mo tatanggapin.

Move on. Pagnagawa mo na si acceptance dun mo palang magagawa si moving on. Hindi ka naman agad makakalimot kung magmomove on ka kaagad. Kailangan mo munang iaaccept o tanggapin na wala na para fully ka ng maka-move forward. Kailangan munang mawala ang sakit,ang galit kasi girl kung hindi yan mawawala sayo unfair naman sa susunod mong mamahalin. Lagi mong maiisip na lolokohin ka rin niya gaya nung ginawa ng ex mo. Na maghahanap rin ng iba si magiging present gaya ni past mo. Diba unfair? Wala pa man eh pinagiisipan mo na siya ng ganyan. Tandaan mo hindi lahat ng lalaki kagaya ng ex- boyfriend mo. Iba iba sila kung magmahal. Iba iba ng paraan. Iba iba ng sistema. Pero wag muna yan ang isipin mo. Isipin mo ang sarili mo. Kung gusto mo muna mapagisa then go. Kung gusto mo namang bigyan ulit ng oras ang friends mo na dati hindi mo napapansin dahil kay ex sige bumawi ka. Give time for yourself. Time para mabuo ka ulit. Time para maging masaya ulit. Time para maging ikaw ulit.

Masarap ang magmahal pero masakit rin ang masaktan. Pero tandaan mo laging magkasama yan lalo na pagnagmamahal ka hindi yan perfect. Mararanasan at mararanasan mo ang masaktan, ang magalit, ang umiyak lalo na ang maging masaya. Ikaw na lang talaga ang bahala kung pano mo ihahandle ang sitwasyon. Na sayo. Na sarili mo.

Smile. Magpasalamat ka sa feelings and experience na nagparoller coaster ng buhay mo. Kundi dahil sa mga yan hindi ka magiging strong. Hindi ka matututo. Salamat din sa ex nating nagparamdam ng halo- halong emosyon na yan. Salamat natuto ka at natuto rin ako. Alam ko na ang gagawin ko at alam kong alam mo na rin ang gagawin mo.

Hala sige! Tama na yang pagiistalk mo sa pictures nila sa facebook at instagram. Simulan mo na ngayon ang dapat mong gawin. Wag mong kalimutang magdasal. Dahil tandaan mo yung nasa taas kailanman hindi ka lolokohin.

Go girl!!!

----
Pwede kayong magcomment tara usap tayo. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mensahe para sa mga na-two timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon