Kabanata 1
Miguel Arcega
Nagising ako sa mahihinang katok sa pintuan. Nagmulat ako ng mga mata ko at puro kadiliman ng paligid ang sumalubong sa akin.
Walang kahit na anong liwanag ang makikita sa loob ng silid maliban sa liwanag na bahagyang pumapasok sa maliit na siwang ng kurtina sa bintana.
Nagpatuloy ang mga katok hanggang sa bumukas na ang pinto at pumasok doon ang isang babae na sa tingin ko ay nasa early twenties pa lang ang edad.
Binuksan niya ang ilaw dahilan upang bahagya akong masilaw. Tumingin ako sa kanya at nagsalubong ang mga tingin namin.
"Magandang gabi po sir. Ibinilin po kayo ni Sir Robert na gisingin ko raw po kayo sa oras ng hapunan." magalang na sabi nito.
Bahagya akong tumango saka ako nagsalita. "Sige bababa na ako."
Pagkarinig niya sa sagot ko ay nagpaalam na siya at marahan niyang isinara ang pintuan.
Mabilis naman akong bumangon at nagtungo kaagad ako sa banyo.
Nang makapag-ayos na ako ng sarili ay mabilis na akong lumabas ng silid at bumaba na ako patungo sa dining area.
Doon ay naabutan ko sila na nakaupo na at kasalukuyang pinagsisilbihan ng dalawang katulong. Napasulyap pa silang lahat sa akin nang maramdaman nila ang presensya ko.
Nakaupo sa pinakapuno ng mahabang mesa si Uncle Robert. Katabi niya sa kaliwang side niya si Mama. Sa kanan naman ay isang moreno at napakagwapong lalaki ang seryosong nakatitig sa akin.
Katabi ng morenong lalaki si Kris na nakilala ko na kanina at sa tapat naman nito na katabi ni Mama ay nakangiti sa akin ang isang gwapong binatilyo.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang lahat at wala ni isa man ang nagsasalita. Nahihinuha ko na ang lalaking nasa kanan ni Uncle Robert ay ang panganay niyang anak. Hindi ko na maalala ang pangalan niya.
Ang binatilyo na katabi naman ni Mama ay si Vance. Ang bunsong anak ng asawa niya. Hindi katulad ng dalawa niyang kapatid ay maaliwalas ang mukha ni Vance na todo ngiti sa akin.
Tumayo si Vance at lumapit sa kinatatayuan ko. "Good evening brother! Maupo ka na sa tabi ni Tita."
Nakangiti pa rin si Vance habang inaakay ako patungo sa silya na inuupuan niya kanina. Pagkatapos ay naupo naman siya sa tabi ko.
"Pasensya ka na iho kung naistorbo yata ang pagtulog mo. Nabanggit kasi sa akin ni Jovan kanina na hindi ka raw kumain sa buong biyahe ninyo at nasabi rin ng Mama mo na pagdating ninyo ay nagpahinga ka na kaagad." mahabang litanya ni Uncle Robert.
"Hindi naman po. Mas mabuti na rin na nagising ako ng maaga dahil baka mahirapan naman akong makatulog mamaya kung late naman ako magigising." sagot ko sa kanya.
Hindi ako magiging bastos sa kanya dahil maayos naman ang naging pagtanggap niya sa akin at ayon na rin kay Mama. Si Uncle Robert ang may gusto na ipasundo ako mula sa maynila upang dito na manirahan sa lugar nila.
Bumaling siya sa gwapong lalaki na katabi niya saka niya ito hinawakan sa balikat. "Nais kong ipakilala sayo si Harris Vincent. Harvin ang tawag namin sa kanya. Siya ang panganay kong anak at siya na rin ang humahalili sa akin sa pangangasiwa ng mga negosyo namin dito."
Sinulyapan ko si Harris. Nakatitig rin siya sa akin at mababakas sa anyo niya ang malamig na pagtanggap niya sa akin sa bahay na ito.
Pinagmasdan ko siya nang mabuti. Nakasuot siya ng kulay puti na polo na ang manggas ay nakatupi hanggang sa siko.
![](https://img.wattpad.com/cover/157003535-288-k316967.jpg)
BINABASA MO ANG
Naughty Stepbrothers (Completed)
RandomSeventeen years old si Miggy nang ipagtabuyan siya ng stepbrother niya sa hacienda ng pamilya nito pabalik ng maynila sa kasalanang hindi niya ginawa. Four years later ay nagulat na lamang siya sa biglaang pagsulpot ni Harris Buenavista sa harapan m...