Kabanata 3
Miguel Arcega
Katatapos ko lang magbanlaw nang marahas na bumukas ang pintuan ng silid ko. Napalingon ako doon at galit na anyo ni Mama ang nasulyapan ko.
Patamad akong muling bumaling sa salamin saka ko kinuskos ng tuwalya ang basang buhok ko.
Nang maisara na niya ang pintuan ay muli siyang humarap sa akin saka niya ako nakapamaywang na sinermunan.
"Hindi ko alam kung ano ba ang problema mong bata ka at mula pa noon ay puro sakit na lamang ng ulo ang ibinibigay mo sa akin." bungad niya.
Umikot ang mga mata ko saka ako nagpatuloy sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya.
"Inutusan ni Harvin si Vance na abangan ang mga bibili ng palay pero imbes na gawin niya ang iniutos ng kuya niya ay nagpakasawa ako sa pagligo sa dagat. Nagkaproblema tuloy si Harvin dahil umalis ang mga buyers." galit na sabi niya.
Nagbuga ako ng hangin saka ko siya binalingan. "Ma, wala akong kinalaman sa nangyaring iyan. Hindi ko naman alam ang tungkol sa iniutos ni Harris kay Vance. Wala siyang nabanggit sa akin." mahinahon na paliwanag ko.
"May pananagutan ka pa rin doon Miggy dahil kung hindi ka dikit ng dikit kay Vance ay hindi mangyayari iyon. Responsable ang batang iyon bago ka dumating dito pero ngayon ay puro palpak na sa mga iniuutos ng kapatid niya."
Nakadama ako ng hinanakit sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Parang lumalabas na bad influence ako kay Vance dahil sa mga nangyayari ngayon.
Gayunpaman ay nanatili akong cool sa harapan niya para hindi niya mahalata ang pagdaramdam ko bilang anak niya.
"Kung kasalanan ko man ang nangyari hihingi ako ng paumanhin kay Uncle Robert pagbaba ko." sabi ko na lang.
"Hindi na kailangan. Naipaliwanag ko na kay Robert. Kay Harvin ka humingi ng tawad dahil siya ang labis na naperhuwisyo sa mga kalokohan mo. Kung ako lang talaga ang nasunod noon ay hindi ko pahihintulutan na dito ka tumira sa bahay na ito." masungit niyang sabi.
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na pagsasabihan niya ako ng ganun samantalang noong araw na dumating ako dito ay daig pa niya ang maamong tupa para lamang naisin ko na manatili sa lugar na ito.
"Anong ibig mong sabihin?" mahinahon na tanong ko sa kanya nang hindi siya nililingon. Mabuti na lang talaga at nakakapagtimpi pa ako kahit sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Umismid siya bago siya muling nagsalita. "Si Robert lang naman ang may gusto na dalhin ka dito sa lugar na ito. Sinabi ko na sa kanya na gulo lang ang dadalhin mo dito pero mapilit pa rin siya."
"Gulo?" naiinis ko nang sagot. "Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin? Gulo? Sabihin mo nga, anong gulo ang ginawa ko dito? Kung ang tinutukoy mo ay ang naging problema ni Harris sa palay na ibebenta dapat nila ay wala akong kinalaman doon." halos pasigaw ko nang sabi dahil tuluyan na akong napikon sa mga narinig ko.
Galit akong bumaling sa kanya saka ako nagpatuloy sa pagsagot nang pabalang. "Kahit pagbali-baligtarin mo man ang sitwasyon ay wala akong kinalaman pagdating sa bagay na iyon dahil wala naman akong pakialam sa negosyo ng bagong pamilya mo!" hiyaw ko.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko at pakiramdam ko ay parang bumakat sa mukha ko ang palad niya dahil sa lakas ng pagsampal niyang iyon sa akin.
"Hindi ka na nahiya. Pasalamat ka nga at kinupkop ka pa dito ni Robert kahit na alam niya ang reputasyon mo sa maynila. Isa kang nakakadiring bakla. Pati asawa ng tiyahin mo ay nagagawa mo pang gapangin. Nakakahiya ka Miggy alam mo ba iyon?" sigaw rin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Naughty Stepbrothers (Completed)
RandomSeventeen years old si Miggy nang ipagtabuyan siya ng stepbrother niya sa hacienda ng pamilya nito pabalik ng maynila sa kasalanang hindi niya ginawa. Four years later ay nagulat na lamang siya sa biglaang pagsulpot ni Harris Buenavista sa harapan m...