Chapter Thirty One

26.3K 848 167
                                    

Kabanata 31

Miguel Arcega

Lumipas ang magdamag at hindi ako nakatulog sa dami ng mga naglalaro sa isipan ko.

Masakit ang ibabang bahagi ng katawan ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa na akong maangkin ni Harris.

Hindi ko naman pinagsisisihan ang nangyari pero may parte dito sa puso ko ang labis na nasugatan dahil nakuha ako ni Harris sa marahas na paraan.

Sa mga sandaling ito ay sigurado ako na hindi na siya mag-iisip pa ng mga negatibong bagay tungkol sa akin dahil napatunayan ko na sa kanya na mali ang lahat ng ibinibintang nila ni Eloisa.

Maaaring sinaktan ako ni Harris. Ngunit sa kabila ng mga nangyari ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

Naiintindihan ko rin naman kung saan nagmula ang galit niya kanina dahil sa mga nagdaang araw ay ipinakita ko sa kanya na tama ang mga naiisip niya tungkol sa akin. Isang malaking pagkakamali na ngayon ay ako rin ang napahamak.

Maliwanag na nang tuluyan na akong makatulog.

Mataas na ang araw nang magising ako. Masakit ang ulo ko at nang bumangon ako ay naramdaman ko rin ang pananakit ng katawan ko.

Hindi na ako virgin. Nakuha na ako ni Harris nang nagdaang gabi. Nakuha na ng lalaking minamahal ko ang kainosentihan ko.

Sa sa ibang paraan lang sana nangyari ang pag-angkin niya sa akin ay ikatutuwa ko. Kaya lang ay hindi ko alam kung totoo ba o hindi ang mga katagang sinabi niya sa akin kagabi.

Hindi ko gustong mag-isip. Sa mga sandaling ito ay gusto ko na lamang marefresh ang utak ko.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa banyo. Sinisikap na indahin ang mga bakas na kirot na dulot ng pag-angkin sa akin ni Harris.

Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. Nilabhan ko na rin ang parte ng bedsheet na may bahid ng dugo ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng silid ko ngunit napahinto ako sa paghakbang nang makarinig ako ng pag-uusap sa sala ng villa.

Marahan akong naglakad patungo sa hagdanan nang mapansin ako ni Harris at kaagad na tumingala sa akin.

Nagtama ang mga tingin namin at nakita ko sa gwapong mukha niya ang pag-aalala habang nakatitig siya sa akin. Kasunod ng pagsulyap niya sa babaeng nakaupo sa pang-isahang sofa at nakatalikod sa akin.

"May problema ba?" tanong ko kay Kristoff na noon ay nakatingala na rin sa akin.

"M-may kailangan kang malaman, Miggy." sambit ni Vance.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko saka ko siya sinulyapan.

"Natagpuan na ang Mama mo, Miggy. Buhay si Eloisa." sabi ni Harris na ikinalingon ko sa kanya.

Doon na biglang tumayo ang babae na kasama nila saka siya humarap at tumingala sa akin na puno ng galit sa mga mata.

"Bakit ka nagbalik dito? Hindi ka namin kailangan sa pamamahay na ito, Miggy!" nasusuklam niyang sigaw sa akin.

"M-mama..." tanging nasambit ko na lang dahil sa labis na pagkabigla.

Humakbang ako pababa ng hagdan upang harapin siya. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakababa ay sinugod na niya ako.

"Lumayas ka sa pamamahay namin hayop kang malandi ka. Sino ang nagdala sayo dito?" sabi niya habang sinasabunutan ako at hinihila patungo sa pintuan.

Masakit ang mga sabunot at sampal na ibinibigay niya sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya malakas ko na rin siyang nasampal at naitulak dahilan upang mapasubsob siya sa sahig.

Naughty Stepbrothers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon