Kabanata 15
Miguel Arcega
Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay nagpaalam na ako kay Uncle Robert na aakyat na ako sa silid ko.
"Sige iho. Magpahinga ka na. Siguradong pagod ka rin dahil galing pa kayo sa school kanina." kalmadong sabi nito.
Hindi na ako nagtangka pa na lapitan si mama para magpaalam dahil baka sungitan lang din niya ako.
Natanaw ko pa siya sa di kalayuan kasama ang mga mayayaman at sosyal na bisitang babae.
Si Harris naman ay may mga kausap na matatandang lalaki at mukhang seryoso sila sa mga pinag-uusapan nila. Halata rin ang pagkagiliw sa kanya ng mga kausap niya.
Nakadikit na naman sa kanya si Lara ngunit hindi katulad kanina nang nagsisimula pa lamang ang party ay hindi na ito pinayagan ngayon ni Harris na lumingkis sa kanya na parang ahas.
Nakasimangot tuloy ito habang humihithit ng sigarilyo sa di kalayuan.
Hinanap muna ng mga mata ko si Kristoff uoang masiguro na wala na siyang ginagawang kalokohan.
Natagpuan ko siya sa isang sulok kasama ang dalawang kaedaran niyang lalaki na nag-iinuman.
Nagkatinginan pa kami at nginitian niya ako bago ako nagpasyang pumasok na sa villa.
Dumiretso kaagad ako sa kwarto ko. Nagbihis at naglinis ng katawan saka na ako humiga sa kama upang makatulog na.
Ilang sandali pa ay pabaling-baling ako sa higaan. Mula dito sa silid ko ay naririnig ko ang musika at malakas na tawanan sa ibaba.
Kung gaano katagal ang party ay hindi ko na namalayan dahil kahit paano ay nakatulog ako sa kabila ng ingay na nagmumula sa labas ng bahay.
Naalimpungatan ako dahil sa lamig ng hangin na pumapasok sa bintana ng silid ko. Hindi ko pala iyon naisara kanina bago ako natulog.
Hindi katulad sa maynila ay malamig sa lugar na ito kapag gabi lalo na at napapaligiran ng puno at dagat.
Nagtungo ako sa closet saka ko kinuha ang nag-iisang jacket na mayroon ako. Luma na iyon at iniregalo pa sa akin ng namayapa kong ama para sa birthday ko noong nag-fourteen ako.
Nang maisuot ko iyon ay nagtungo na ako sa bintana upang isara sana iyon. Pabalik na sana ako sa kama nang mapahinto ako sa paghakbang.
Sa labas. Malapit sa ibaba ng bintana ko ay may narinig ako na mahihinang anasan.
Sumilip ako sa labas. Naaninag ko sa dilim, sa makapal na halamanan ang tatlong lalaki. Kilala ko ang isa sa kanila. Si Kristoff.
Hindi ko naman kilala ang dalawa pero sigurado ako na sila yung nakita ko na kasamang umiinom ni Kris kanina sa baba bago ako pumasok sa bahay.
Hindi nga sila nakabihis pang-party. Marahil ay mga gatecrasher lang ang dalawang iyon.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Ano ang ginagawa ng tatlong iyon sa madilim?
Sinulyapan ko ang glow in the dark na orasan sa pader ng silid ko. Malapit na ang alas tres ng madaling araw. Kanina pa siguro tapos ang party.
Nagpasya ako na babain na si Kristoff. Aalamin ko kung ano ang ginagawa niya sa dilim sa ganitong oras kasama ang dalawang lalaki na iyon.
Hindi maganda ang kutob ko sa dalawa. Mukha silang hindi mapagkakatiwalaan at siguradong ipapahamak lang nila si Kristoff.
Maingat kong binuksan ang pinto ng silid ko. Sinikap ko na huwag makalikha ng ingay dahil baka magising si Harris na nasa katabing silid ko lamang.
![](https://img.wattpad.com/cover/157003535-288-k316967.jpg)
BINABASA MO ANG
Naughty Stepbrothers (Completed)
De TodoSeventeen years old si Miggy nang ipagtabuyan siya ng stepbrother niya sa hacienda ng pamilya nito pabalik ng maynila sa kasalanang hindi niya ginawa. Four years later ay nagulat na lamang siya sa biglaang pagsulpot ni Harris Buenavista sa harapan m...