Chapter Thirty Nine

17.5K 625 29
                                    

Kabanata 39

Harris Vincent Buenavista

Matapos ang nakakagimbal na pangyayari sa veranda ng silid ko ay hindi ko na hinayaan na mawala sa paningin ko si Miggy.

Kahit na alam ko na wala na si Eloisa ay hindi pa rin ako mapanatag kung hindi ko nababantayan si Miggy.

Labis na takot ang naramdaman ko sa muntikan nang pagkahulog ni Miggy sa sanga ng mga puno na ako mismo ang nagpaputol para patayuan ng mini garden ni Maisie.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung mawawala sa akin si Miggy. Siya na ngayon ang buhay ko at hindi ako makakapayag na may mangyari pa ulit na masama sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na makakayang gawin iyon sa kanya ni Eloisa. Sarili niyang anak ay pinagtangkaan niyang patayin.

Mabuti na lamang at mabilis na natapos ang pag-uusap namin ng buyer na tumawag sa akin nang gabing iyon kaya mabilis ko rin nabalikan si Miggy sa loob ng silid ko.

Sa umaga kapag nagtutungo ako sa farm ay isinasama ko si Miggy ngunit makalipas lamang ang dalawang araw mula nang mailibing si Eloisa ay tinamad na siya na samahan ako.

Mas pinipili niya na magkulong sa silid niya at magpalipas ng hapon sa dalampasigan kaya kinausap ko na lamang si Vance na bantayan siya habang si Kristoff ay kasama ko sa kamalig.

Isang linggo matapos ang nangyaring trahedya sa villa na ito ay naging abala ako sa pag-aayos ng mga papeles sa loob ng library.

Halos patapos na ako nang pasukin ako doon ni Kristoff at kinausap ako tungkol sa sinabi ko kay Vance na balak ko nang pakasalan si Miggy sa susunod na linggo.

Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa sakit ko dahil ayoko na mag-alala pa sila sa kalagayan ko.

Lalo na ngayon na dumadalas na ang pag-atake sa akin ng mga sintomas nito na kung minsan ay tumutupok ng halos lahat ng lakas ko.

Balak ko na pakasalan sa amerika si Miggy at doon ko na rin aaminin sa kanya ang lahat pati ang tungkol sa kalokohang proviso ng testamento ni daddy.

Kumukuha lamang ako ng tiyempo para masabi sa kanya ang tungkol doon. Alam ko na marami na siyang iniisip ngayon at ayoko na dagdagan pa iyon.

Nakapagresearch na rin ako ng magandang ospital at may inirerekomendang doktor sa akin si Dr. Montañez sa New York.

Magpapagamot ako doon matapos naming maikasal ni Miggy. Hindi ako papayag na sa pagkakataong ito ay agawan pa ako ng sakit ko ng panahon na makasama si Miguel.

Hindi ngayon dahil marami pa akong plano para sa aming dalawa. Gusto kong makasama si Miggy ng matagal na panahon at hindi ako papayag na ang pesteng karamdaman ko lang ang sisira sa mga plano kong iyon.

Nang mailigpit ko na ang mga papeles na inaral ko ay sumandal ako sa swivel chair saka ko binigyan ng nagtatanong na tingin si Kristoff.

"Hindi mo man lang ba palilipasin ang mga araw na nagluluksa si Miggy bago mo ipilit sa kanya ang pagpapakasal niya sayo?" aniya sa tonong nagbibintang.

Tumayo naman ako saka ko siya mataman na tinitigan na buong tapang naman niyang sinalubong sa galit na tingin sa akin.

"Hindi ko ipinipilit sa kanya ang tungkol sa pagpapakasal namin. Napag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na iyan nung nakaraan..."

"Sayo na mismo nanggaling. Nung nakaraan pa ninyo napag-usapan iyon. Bago mo pa napatay ang nanay niya." putol niya sa sinasabi ko.

Tumigas naman ang anyo ko at sinikap ko na pigilan ang sarili ko na magalit ng tuluyan dahil sa sinabi niya.

Naughty Stepbrothers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon