Kabanata 35
Harris Vincent Buenavista
Sa sumunod na araw ay naging abala na ako sa haciends dahil may mga dumating na buyers. Ginagabi na rin ako ng uwi at sa gabing ito ay nalaman ko na wala sina Miggy sa bahay.
Nagbihis lang ako sandali pagkatapos ay muli na akong bumaba at naglakad patungo sa main door.
Nakalabas na ako sa villa at kasalukuyan ako ngayong patungo sa kotse ko upang sundan si Miggy at ang dalawang kapatid ko sa bar na pinuntahan nila.
Hindi sila nagpaalam sa akin at kahit si Miggy ay wala man lamang nabanggit. Kung hindi ko pa sila itinanong sa katulong ay hindi ko pa malalaman.
Kailangan ko silang sundan. Hindi ako mapapanatag na sa ganitong dis-oras na ng gabi ay wala pa rin sila. Hibdi na nga gabi kung tutuusin.
It's already two in the morning. Hindi ko makontak kahit isa man lang sa kanila kaya mas lalo akong nainis.
Malapit na ako sa sasakyan ko nag bigla na lamang akong makaramdam na parang lumalabo ang paningin ko na sinabayan pa ng pananakit ng ulo ko.
Nawalan na rin ako ng balanse sa pagtayo at napasandal ako sa kotse ko. Kung wala lang ang sasakyan ay malamang na tuluyan na akong natumba sa lupa.
Napahawak ako sa sasakyan ko at sinisikap ko na panatilihin ang balanse ko upang hindi ako tuluyang mabuwal.
Kahit na nahihirapan ako dahil sa tila pag-ikot ng paningin ko ay sinikap ko pa rin na mabuksan ang pintuan ng sasakyan ko.
Nang mabuksan ko iyon ay mabilis akong sumampa patungo sa driver's seat at doon ko na naramdaman ang matinding pananakit ng ulo ko na labis kong dinamdam.
Hindi nagtagal ay para na itong sasabog at nagpakawala na ako ng malakas na ungol kasabay ng paulit-ulit na pag-untog ko nito sa headrest ng sasakyan ko.
Saka ko lamang naalala na may inilagay nga pala akong gamot sa mini compartment ng kotse ko. Mabilis ko iyong dinampot at sa kasamaang palad ay nalaglag pa iyon.
Nagsimula akong yumuko upang kapain iyon sa ilalim ng upuan ngunit mas lalo lamang tumindi ang sakit na nararamdaman ko sa loob ng ulo ko.
Huminto muna ako sandali at nang medyo nababawasan ang kirot ay muli kong kinapa ang bote ng gamot. Mabuti na lamang at nakuha ko kaagad iyon saka na ako uminom.
Nagpahinga ako ng ilang sandali sa loob ng sasakyan ko at nang mabawasan na ang sakit na nararamdaman ko ay marahan akong bumaba ng sasakyan saka ko pinilit na maglakad pabalik sa villa.
Kahit na nahihirapan ako sa paghakbang ay sinikap ko pa rin na makapasok sa bahay.
Hanggang sa isang katulong ang nakapansin sa akin habang hirap na hirap ako sa pag-akyat sa hagdan. Mabilis niya akong inalalayan paakyat.
Nang maihiga na niya ako sa kama ay sinabihan ko siya na manahimik tungkol sa nakita niya. Dahil takot sila sa akin ay mabilis siyang sumang-ayon sa gusto ko.
Pinalabas ko na siya sa silid ko saka na ako nagpaakyat ng mainit na gatas sa kanya.
Tahimik akong tumitig sa madilim na kisame habang binabalikan sa isip ko ang mga nangyari sa nakaraang mga linggo.
Katatapos pa lamang ng libing ni Daddy nang magpasya akong magtungo sa doktor upang ikonsulta ang dumadalas na pagsakit ng ulo ko at ang madalang na pagkawala ng balanse at kontrol ko sa katawan ko.
Dahil sa mga sintomas na nararanasan ko ay nagkaroon siya ng hinala na tumor sa utak ang sakit ko ngunit hindi raw siya nakatitiyak dahil kulang sa kagamitan ang mga ospital dito sa probinsiya namin.
BINABASA MO ANG
Naughty Stepbrothers (Completed)
AcakSeventeen years old si Miggy nang ipagtabuyan siya ng stepbrother niya sa hacienda ng pamilya nito pabalik ng maynila sa kasalanang hindi niya ginawa. Four years later ay nagulat na lamang siya sa biglaang pagsulpot ni Harris Buenavista sa harapan m...