Chapter Nineteen

25.1K 979 167
                                    

Kabanata 19

Miguel Arcega

Pumasok ako sa kwarto ko. Dumapa ako sa kama at doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko.

Kanina ay gusto ko nang sigawan si mama pero hindi ko itinuloy dahil alam ko na sa bandang huli ay mapapaikot pa rin niya sa mga kamay niya ang sitwasyon.

Sa mga nakalipas na buwan na pananatili namin sa lugar na ito ay sinikap ko na pangatwiranan sa sarili ko ang mga inaasta niya sa akin.

Pero nakakapagod din pala siyang intindihin. Kaya kung paaalisin nila ako ngayon sa lugar na ito ay hindi na ako tatanggi pa.

Nakakapagod din pala ang magpakabait sa lugar na ito. Sa nakalipas na dalawang buwan ay sinikap ko na maging mabuting tao para sa bagong pamilya ko pero hindi pa rin pala sapat ang lahat.

Kaya simula ngayon ay ipapangako ko na sa sarili ko na magiging matapang na ako at sisikapin ko na tumayo na sa sarili kong mga paa kahit gaano pa kahirap iyon.

Napaupo ako sa kama nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang nakatiim bagang na si Harris.

"Hindi ako makapaniwala na nagawa mo ang bagay na iyon!" bungad niya sa akin.

Mabilis kong inayos ang pagkakaupo ko sa kama saka ko pinunasan ang mga luha ko.

Buong tapang kong hinarap si Harris at sinalubong ang galit sa mga mata niya.

Nagpatuloy siya sa paghakbang papalapit sa akin. Pagkasuklam ang nasa mga mata niya.

"Madre de dios! Sixteen ka pa lang, Miggy. Sa asawa pa mismo ng nanay mo!"

"Iwan mo ako, Harvin." walang emosyong sabi ko. Sinisikap na pigilan ang mga luha. Ayoko nang makita pa niya ako sa isang kalunos-lunos na anyo.

Gusto kong maging matapang sa harapan niya. Gusto kong ibalik yung Miggy na unang nakaharap niya. Matapang at puno ng respeto sa sarili.

Nawala lang naman ang Miggy na iyon mula nang magsimula akong makadama ng matinding pagkakagusto sa kanya.

Pero ngayon ko napagtanto na hindi lahat ng pag-ibig ay nakabubuti sa isang tao.

"Ihanda mo na ang lahat ng gamit mo ngayon din. Ihahatid na kita sa sakayan ng bus patungong maynila. Desisyon na rin ito ni daddy kaya hindi na kita maisasalba pa katulad ng ginawa ko sa mga naunang kasalanan mo." nagngangalit ang mga bagang niya habang nakatingin sa akin.

"Murder has been committed for less. At kung papatayin kita ngayon, it is only justified..."

Napapikit ako. Ano ang sasabihin ko?

"Pero huwag kang mag-alala. You're safe with me hanggang sa maihatid kita sa terminal ng bus." sabi niya saka na siya mabilis na lumabas ng silid ko.

Ilang sandali muna akong nanatiling nakatitig sa pinto na nilabasan niya bago ako tumayo mula sa kama.

Kinuha ko mula sa cabinet ang maliit na maleta na ginamit ko noon nang magtungo ako sa lugar na ito.

Inilagay ko iyon sa kama saka ko na rin kinuha ang iilang piraso na mga damit ko at ang iba ko pang kagamitan sa loob ng silid na ito.

Ipinasok ko ang mga iyon sa maleta saka ako bumaba sa laundry area para kunin ang mga damit ko na nakasampay doon na nilabhan kahapon ng labandera.

Nang masiguro ko na wala na akong naiwanan ay mabilis na ulit akong umakyat patungo sa silid ko.

Napahinto pa ako sa paghakbang nang nasa bandang pintuan na ako.

Nakita ko kasi si Harvin na nakatayo malapit sa kama ko at nakatingin siya sa mga damit ko na nasa maleta na ngayon.

Naughty Stepbrothers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon