Kabanata 1

130K 4.3K 531
                                    

K A B A N A T A 1
༺❀༻

          Napabuga ng hangin si Sabrina habang sakay sila ng isang itim na van. Magkasaklob ang kaniyang mga palad, namamawis na ang mga ito kahit na pilit niyang pinapakalma ang sarili. She can't be nervous because she needs it. She wants this job.

It would have been so easy to find a job, but every time they saw her resume it was automatic decline. Always 'we will call you'.

Ito na lang ang natitira niyang pag-asa ngayon, mabuti't natulungan siya ng bagong kakilala kaya dapat ay pagbutihan na niya. Lima silang babae na nakabihis pangmaid, sakalukuyab silang nasa biyahe upang dalhin sa isang bahay ng isang pribadong tao kung saan sila maninilbihan.

Kinakabahan pero gagawin pa rin niya dahil kailangan niyang kumita ng pera.

For money! Yes!

Hindi totoo ang kasabihan na 'money can't buy you happiness' para kay Sabrina ay kailangan ng tao ng pera, kapag may pera ka ay mas nakaka-angat ka, mas igagalang ka, mas makakakuha ka ng atensyon.

Nang makarating sila sa magarang bahay ay talaga naman natulala siya sa laki nito. Malaki ang buong bakuran, may fountain sa hindi kalayuan tapos ay may natanaw rin siyang parisukat na swimming pool sa gilid.

Mas lalo siyang nanlamig sa nakita.

"Pumasok na kayo."

Napatingin siya sa Mayordoma na sumalubong sa kanila nang magsalita ito habang pinapasadahan silang lahat ng tingin animong nanunuri.

Istrikto ang mukha ng matanda kaya naman bahagya siyang napalunok lalo nang tumaas ang kilay nito nang matanw ang maliit na tattoo niya sa bandang pulso, kaagad niya iyon itinago sa kaniyang likod at nag-iwas tingin.

Napaka gara ng bahay, iyon kaagad ang nasabi niya pagkatapak pa lang niya ng paa sa puting-puti na marmol.

Halatang mamahalin lahat ng gamit, kung makabasag siya ng isang pugurina ay siguradong ilang buwan niyang pagta-trabahuhan iyon para mabayaran.

Mas lalo siyang kinabahan, hindi siya dapat pumalpak dito.

"Iba-iba ang nakatoka sa gawain. Iba sa kusina, sa maglililinis at maglalaba araw-araw. Kailangan ay maingat at hindi maingay lalo na kapag nandito si Señorito. Ayaw niya ng pakalat-kalat kapag nandito siya. Kapag nakasira kayo ay siyempre ay babayaran ninyo. Isang importante pa, huwag na huwag papasok sa kwarto ng amo natin at ang kwarto sa itaas sa third floor. Tanging si Señorito lang ang maaring pumasok sa dalawang kwarto na iyon kung ayaw niyo matanggal sa trabaho ay sundin ninyo ang bilin ko, hindi mahirap ang trabaho, may araw rin ng pahinga." Titig na titig si Sabrina sa matabang babae habang nagpapaliwanag ito.

Inilibot niya ang kaniyang tingin sa buong lugar para pag-aralan ang magiging bahay na niya simula ngayon hanggang sa mga susunod na buwan.

Doon niya napansin na wala kahit anong larawan sa paligid, tingnan kung may mga larawan man lang ng magiging amo nila pero wala ni isa, puro paintings lang ang nakasabit sa puting pader.

"Tuwing Sabado at Linggo ay maaari kayong umalis pero dapat ay hapon ng Linggo ay nakabalik na kayo," instriktang sabi ng mayordoma.

Napatango-tango na lang silang lima, hindi naman din niya kilala ang mga ito. Ang iba ay galing sa agency at iba ay nasama lang katulad niya dahil sa kaibigan.

"Dadalhin ko kayo sa maid quarters, ayusin muna ninyo ang mga gamit niyo roon saka kayo pumunta sa kusina, kailangan ng magluto ng dinner dahil ganitong oras ay pauwi na si Señorito," wika nito kaya mabilis silang sumunod.

༺❀༻

             ILANG oras ang nakalipas, siya ang naataasan magluto ng soup. Mabuti na lang at mahilig siyang magluto kaya paniguradong hindi naman siya mahihirapan dito. Malaki rin ang sweldo nila, halos parang pang-tatlong buwan ng sweldo ng karaniwang katulong.

Habang naghahain at wala ang mayordoma ay pasimple silang nagdadaldalan ng mga kasama niya.

"Balita ko ay masungit daw talaga ang amo natin," mahinang ani ng isa.

Luminga-linga pa ito na parang tinitingnan kung may makakarinig.

"Oo nga, biruin mo siya lang mag-isa dito walang ibang kamag-anak, kung mabait kang tao? Bakit naman hindi titira ang kamag-anak mo sa'yo? Hindi ba? Ang laki nitong bahay," dagdag pa ni Mila ang kakilalang nagsama sa kaniya rito.

Bigla niyang naisip ang itsura ng amo nila, siguradong matandang lalaking mataba na masungit. Lagi sigurong may hawak na tabako at tungkod.

"Anong pangalan ng amo natin?" tanong ni Sabrina dahil hindi pa pala nabanggit sa kanila ng Mayordoma,  siguro ay Señorito na lang din ang itatawag nila.

Sasagot na sana ang isa sa mga kasamahan niya nang pumasok ang Mayordoma na humahangos pa.

"Pumila kayo, na riyan na ang Señorito," imporma nito.

Sabay-sabay silang napatayo nang tuwid sa isang gilid ng mahabang lamesa. Nakayuko sila hanggang makarinig ng isang yabag ng sapatos.

Bago sa kaniya ang lahat ng ito kaya hindi niya alam kung anong gagawin. Ginaya nalamang niya an mga kasamahan. Bahala na.

Tanging paghinga na lang niya ang tangi niyang naririnig. Ni hindi niya magawang magtaas ng tingin sa amo nila.

Napakapit siya sa kaniyang suot na maid dress nang lumangitngit ang upuan nito tanda ng paghila ng upuan.

Narinig niya ang pagtunog ng mga kubiyertos at ang pagsalin ng tubig ng mayordoma sa basong babasagin.

Sobrang lakas ng kabog ng puso niya dahil siguro sa sobrang katahimikan.

Ang nakakabinging katahimikan ay binasag ng isang kalampag. Halos mapatalon sila nang bigla nitong nabitawan ang kutsara.

"Who made this fucking soup?!" He growled.

Nanlaki ang mata ni Sabrina sa narinig saka napa-angat ang kaniyang tingin sa Amo. Hindi lang dahil siya ang nagluto ng soup kung hindi kilala niya ang boses na iyon.

Hindi siya pwedeng magkamali.

Her body stiffened where she stood when she saw a handsome man wearing a white long sleeve that folded up to his elbows. Mas lumaki ang katawan nito at mas nagmatured ang itsura nito. Idagdag pa ang mas makapal na kilay at kulay abuhing mata.

Palihim siyang napalunok.

Sabay-sabay tumingin sa kaniya ang ibang katulong at mayordoma bilang sagot sa tanong ng amo. Parang natatakot ang mga ito sa magagawa ng bagong amo nila sa kaniya.

Dahil sa pagtingin sa kaniya ng mga kasamahan ay napatingin din ito sa kaniyang gawi. Nahigit niya ang hininga nang mas makita ang mukha nito, nagtama ang kanilang mga mata.

She saw him stilled.

Bahagyang bumukas din ang mga labi nito animong hindi siya inaasahan makita sa malaking mansyon na ito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakatulala sa lalaking may abuhing mata.

Mula sa galit na mukha nito ay napalitan ng gulat pagkatapos ay bumalik sa galit.

Napakurap-kurap siya.

No way!

Hindi niya akalain na ang lalaking akala niyang hindi na niya makikita muli ay nasa kaniyang harapan, ang lalaking gusto niyang makita ngunit nilalayuan niya.

My husband.

"Demitri . . . " bulong niya na parang bumara sa kaniyang lalamunan.

__________
SaviorKitty

SDSS 1: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon